Chapter Four

51.5K 1.2K 55
                                    

A/N: Pampagood vibes lang, happy sunday night. One hour nalang umaga na!

Chapter Four


"SINABI ko naman hindi ba ayokong pinapakialaman ang mga gamit ko!" napangiwi siya ng marinig ang malamig na boses ni Monica ng pumasok siya sa dormitory nila. Kagagaling lang niya sa opisina dahil may tinapos siyang trabaho at gusto sana niyang matulog kaso mukhang malayo sa tulog ang gagawin niya.

"Sorry Monica inayos ko lang naman kanina." Hingi ng paumanhin ni Georgette na may bitbit na walis, nasapo niya ang kanyang noo. Ilang beses na rin niyang napagsabihan si Gette na hindi na nito kailangan na maglinis dahil may tagalinis naman sa dormitory pero matigas din ang ulo nito.

"Monica, Georgette tama na iyan baka maabutan kayo ni Hexel isumbong kayo kay headmistress." Sita ni Zyrene na prenteng-prenteng nakaupo sa sofa at nagbabasa ng mga magazines, mukhang wala naman itong pakialam kung magsabong man ang dalawa. Sanay na rin sila madalas talagang nag-aaway si Monica at si Gette. It's more on Monica dahil maiksi ang pasensya nito at si Gette ang palaging nabubully dahil hindi marunong lumaban at magalit.

"Nakita ko na." aniya. Hindi pa rin nagbabago ang facial expression ng pinsan niya kahit kalian talaga manang-mana ito sa lola nila mainitin ang ulo. "Itigil niyo ng dalawa ang pag-aaway wala akong kakampihan sa inyong dalawa." Totoo naman iyon, kahit na pinsan niya si Nica ay hindi niya itotolerate ang pagkamaldita nito. "Monica ilang beses ko ng sinabi sa iyo na huwag kang mag-iwan ng mga gamit mo dito sa labas. Nakita ko rin iyong books mo kagabi nakatulugan mo ng hindi ka nagliligpit kaya niligpit na ni Gette. At ikaw naman Georgette, hindi ka katulong dito estudyante ka kaya huwag mong linisin ang buong dorm. Okay lang na magligpit ng mga gamit at kalat pero huwag naman ang buong dorm ang linisin mo. Kapag hindi kayo nagkabati sa labas kayo matutulog mamayang gabi."

"Fine." Nakaingos na sagot ni Nica. "Sorry." Pero humingi naman ng paumanhin. Ngumiti lang si Gette at tumango, pumasok na ang mga ito sa kanya-kanyang silid doon. Siya naman ay tumabi kay Zyrene at napapikit, ilang gabi na rin siyang walang tulog dahil sa dami ng trabaho at sa mga school works.

"You looked stressed out Hexel dear." She peeped and saw Ainsley wearing her black custome and a black parasol and her books covered with black wrappers. "Gusto mong mag-coffee?"

Natawa siya sa offer nito at umiling. "Ayoko pang mamatay Ainsley gusto kong matulog."

"Sabagay you look so pagod pa naman, magkikita kami ng mga brothers ko today eh so I thought I can invite you for a coffee para hindi nila ako mabully."

Napangiti uli siya sa sinabi nito, Ainsley has this special adoration towards her brothers. She can't blame her though bunso kasi ito. Hindi pa rin niya name-meet ang mga kapatid nito in person at saka sa tingin niya ay hindi na rin kailangan. She only wanted to know her friends and not their immediate families.

"Malapit na ang birthday ni Monique sabi ni Crischelle magdadala siya ng cakes and sweets pero hindi siya pinayagan ng kuya niyang masungit na magdala ng wine kaya softdrinks nalang daw." Nakaingos na balita ni Zyrene sa kanila.

"Hindi tayo pwedeng magdrink dito—pwede ba Hexel?"

Umiling siya. "No drinks allowed."

"Champagne lang naman we have a lot at home pwede kong tawagan si kuya and asked him to bring some, si kuya Eon hindi ako matitiis baka mapagalitan ako ni kuya Clive kapag siinabi koi yon."

ZBS#10: Peach Firefly's Haunting Past (Book 1) -- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon