Chapter Twenty-Eight
NAPABUNTONG-HININGA na lamang siya habang naglalakad papunta sa office ng Winhlan University. Ilang araw na rin ang nakakalipas simula ng naging parusa niya and it feels like hell. Nasanay na siyang ang mga kaibigan niya ang kasama niya sa araw-araw, pakiramdam niya ay wala na siyang rason para pumasok sa school pero kahit ganoon pa man ay umaasa pa rin siya na matatapos din ang parusang iyon.
Nawala siya sa konsentrasyon nang may marinig na pagsara ng pintuan kaya agad siyang napatingin, medyo malayo pa siya sa opisina at dahil may malaking salamin sa isang bahagi ng dingding na kita ang pintuan kaya nakikita niya kung ano ang nangyayari. Nagtaka pa siya ng makitang nandoon sina Zyrene at Diana Rose na para bang magnanakaw. Walang tao sa main office dahil opisina iyon nang kanyang lola, ang mga staffs ay nasa kabilang building.
"Baka dumating na si Hexel at makita tayo." Pagmamadali ni Zyrene kay Diana. "Ang tagal naman nila." gusto niyang mapangiti sa narinig niya. Hindi siya gumalaw sa kanyang pinagtataguan dahil gusto niyang makita kung ano ang ginagawa nang mga ito. "Carrot cake at coke lang naman ang inilagay nila sa table ni Hexel bakit natagalan?" reklamo uli nito.
"Teyka lang sisilipin ko lang sandali."
Carrot cake? Coke? These past few days palagi siyang may nakikitang pagkain sa mesa niya akala niya ay ang sekretarya nang lola niya ang naglagay doon. Minsan nga ay mga chocolates at candies o kung anu-ano.
"Ano ba kayo lumabas na kayo malapit nang dumating si Hexel baka makita tayo!" pabulong na sigaw ni Diana sa mga kung sinuman ang nasa loob ng opisina nila.
"Pinauso pa kasi itong punishment-punishment ayan tuloy para tayong magnanakaw dito." Reklamo nang papalabas na si Karylle.
"Fina-follow lang natin ang rules girls at saka alam kong ito din ang gagawin ni Hexel. Masyadong righteous ang babaeng iyon at pinaghirapan niyang itayo ang sorority, hindi tayo basta-basta lang. We follow the rules and the rules are sacred to us." Narinig niya ang mahabang sinabi ni Gette. Minsan lang ito magsalita ng mahaba at tumatama naman iyon.
"Hindi naman magtatagal ito hindi ba Ainsley?" napatingin siya kay Ainsley. Kahit sa malayo ay halata din na wala itong tulog.
"Oo naman sino ba ang makakatiis kay Hexel."
"Pero may nangyari ba talaga sa kanila nang kuya mo?" tanong ni Chloe. It looks like the entire gang is here.
"I don't really know pero kung meron man masaya ako. Kung si Hexel ang magiging asawa ni kuya Clive ay wala akong tutol kahit na magalit kayong lahat sa akin. Bulag lang si kuya kung pakakawalan pa niya ang kagaya ng kaibigan natin. Pero nasa kay Hexel pa rin iyon, alam natin na gusto niya si kuya mali mahal niya si kuya."
"Pero paano kung ayaw nga nang kuya mo?"
"Kung ayaw talaga ni kuya gagawa siya ng paraan para hindi matuloy ito, kilala ko siya dahil kapatid ko siya. Pero kung may kaunting bahagi nang pagkatao niya na nagsasabing bakit hindi niya subukan kahit one percent iyon siguradong papayag iyon kahit na anuman ang mangyari." Hindi na niya marinig ang sinabi ni Ainsley dahil naglalakad na ang mga ito palayo sa kanya. Gusto niyang habulin ang mga ito pero natatakot naman siya.
Umalis na siya sa kanyang pinagtataguan at dahan-dahan na pumasok sa kanyang opisina. Nakita niya ang pagkain na inilagay nang mga ito doon, everyday, same spot and the fresh flowers too. This time daisy naman at saka lang niya napagtanto kung saan galing ang bulaklak na iyon. Dahan-dahan niyang hinaplos ang mga talulot ng bulaklak at napangiti na lamang.
BINABASA MO ANG
ZBS#10: Peach Firefly's Haunting Past (Book 1) -- COMPLETED
RomanceCatchline: "Hindi ko hinangad na dumating ka sa buhay ko, pero nangyari na ang nangyari, wala na akong magagawa kundi tanggapin ang pagkakamaling nagawa ko. Sana dumating din ang oras na matanggap mo rin ako sa buhay mo, kahit hindi na sa puso mo...