Chapter Fifteen

41.9K 1K 60
                                    

Chapter Fifteen


"ANG cute naman ng rabbit." Gigil na gigil si Monique habang nakatingin sa rabbit na naligaw sa villa ng resort. "Hex, gusto mong hawakan ang rabbit?"

Agad siyang umiling, "Huwag na." tanggi niya, tatanggi talaga siya dahil takot siya sa rabbit. Hindi takot dahil may phobia siya o kung anuman, natatakot lang siyang hawakan ito dahil baka masaktan niya.

"Try lang." pangungulit ng mga kaibigan niya sa kanya,

"Next time girls." Kahit na anong gawin ng mga ito hindi niya hahawakan ang rabbit.

"Hala nagjump ang rabbit." Bigla silang nagkagulo ng tumalon ang kuneho mula sa basket na kinalalagyan nito. Nagkagulo ang lahat dahil gusto nilang kunin ang rabbit baka maapakan ito ng ibang mga bisita na kadarating lang.

"Kuya Clive catch the rabbit!" natigil siya sa paglakad at napatingin sa kalalabas lang na si Clive. Hindi niya makalimutan ang ginawa nito kagabi, Clive is a man of few words what makes her fall for him is his actions. He immediately caught the rabbit which settled on his arms. Nakita niya sa mga mata nito ang pagtataka making him look so gorgeous and cute. His eyes immediately caught her since she's the closest one and motioned her to come which she immediately complied.

"Here." Sabi nito sa kanya habang inililipat ang rabbit sa kanyang mga kamay.

"Thanks kuya." He just nodded and walked away after Ains thanked him. "Susunduin na yata niya ang goma niyang girlfriend akala mo naman kung sinong pretty." Bulong pa ni Ainsley and thanks to A's words she was pulled back to her normal mind setting. "Hawakan mong Mabuti Hex baka makawala ang rabbit."

"Huh?" napatingin siya sa malambot na bagay na gumagalawa sa kanyang mga braso. "Oh my God Ainsley! Kunin mo ito sa akin." Lumapit siya sa mga kaibigan at agad na ililipat sana ang kuneho pero ngumisi lang ang mga ito na para bang walang balak na tulungan siya sa kanyang problema.

"Hold it for a while Hex,"

"Baka mapisa lang ang kuneho sa akin."

"Trust us Hexel you won't do that you are as gentle as the sea breeze you won't hurt the rabbit."

She rolled her eyes when Chloe told her that she's a gentle as the sea breeze dahil hindi naman siya ganoon. Tumingin siya sa kuneho, it's small, pink, cute and fluffy... cute.

"Hawakan mo Hex dahil kukunan kita ng picture first time conquering your fear." The girls cheer for her. Wala na siyang nagawa kundi ang sundin ang gusto ng mga ito walang takot na pwedeng humadlang sa isang tao lalo na kapag nakikita mong masaya ang mga mahal mo sa buhay.

"Smile!" and she did.

                "Smile!" and she did

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
ZBS#10: Peach Firefly's Haunting Past (Book 1) -- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon