Chapter Twenty-Two
"Thanks for the dinner Hugh hindi ka na sana nag-abala pa." pasalamat niya sa lalaki habang hinahatid niya itong palabas ng kanilang dorm. Bumisita ito sa kanya, sabi ng kanyang mga kaibigan umaakyat ng ligaw sa kanya. At may dala itong mga pagkain para sa lahat ng kanyang mga kasama sa loob.
"Hindi ka naman abala Hexel masaya akong makitang masaya ang mga kaibigan mo." Mabait si Hugh iyon ang masasabi niya dito. Hindi rin ito mahirap magustuhan nagkataon lang siguro na may iba siyang gusto kaya hindi niya ito mabigyan ng kahit na maliit na espasyo sa puso niya. Narealized din niya na hindi siya ang klase ng taong kapag may mahal pa ay hindi maghahanap ng iba upang makalimutan ang taong dapat niyang kalimutan. Hindi siya umaasa na may posibleng mangyari at magbago ang kapalaran ng hiling ng kanyang puso, sinusubukan niyang kalimutan ang nararamdaman niya ng dahan-dahan.
"Hugh ano kasi." Nag-iisip siya ng tamang salitang sasabihin sa kaharap ng hindi ito ma-o-offend. "I am sorry." She said.
"What are you sorry for?"
"Baka kasi hindi ko matugunan ang nararamdaman mo. Sinasabi ko sa iyo ito dahil ayokong umasa ka habang maaga pa at habang hindi pa seryoso ang nararamdaman mo sa akin."
Nawala ang ngiti sa mga labi nito habang nakatingin sa kanya. "Hex."
"I am really sorry. Mabait ka at hindi ka mahirap mahalin kaso--."
"May iba kang mahal?"
Umiwas ang mga mata niya sa tanong nito. "May iba akong priorities. Kailangan ko munang tapusin at gawin ang dapat kong gawin. Bata pa ako Hugh, twenty palang. At sa tingin ko hindi ang pagkakaroon ng relasyon ang makakatulong sa akin. Wala pa talaga sa isip ko ang bagay na iyan. Nag-aaral pa ako at kailangan ko pang tulungan si grandmy sa negosyo, marami pa akong pangarap na kailangang tuparin. Ayokong pumasok sa isang sitwasyon na hindi ko mapangangatawanan. Gwapo ka, matalino at mayaman, kahit sino magkakagusto sa iyon."
"Maliban sa iyo."
Napabuntong-hininga siya sa sinabi nito. "I'm reall-."
"AYoko ng sorry mo Hexel at alam kong bata ka pa. Alam ko rin na marami ka pang priorities hindi naman kita minamadali. Take your time hayaan mo lang akong nandito sa tabi mo, I want to see you grow and reach whatever you want to reach."
"Maghihintay ka pa rin? Paano kung wala talaga? Paano kung hindi mangyari ang inaasahan mo? Magsasayang ka lang ng oras sa akin."
"Paano kung magbago ang nararamdaman mo? Paano kung ako naman ang makita mo? Maraming paano sa mundo pero hindi natin hawak ang oras at ang mga pangyayari. Huwag mong panghawakan ang oras Hexel dahil hindi ko rin gagawin iyon. Kung mangyari man ang lahat ng nasa isip mo tatanggapin ko, maaring masakit pero nabalaan mo na ako. Maraming pwedeng mangyari at panghahawakan ko ang gusto kong mangyari kahit hindi ko pa alam kung ano ang mangyayari sa bandang huli." Mahabang salaysay ni Hugh. "Don't worry too much, kung hindi mo pa ako kayang tanggapin bilang suitor mo then let us be friends first. I'll be your first male friend I hope that spot is still available?" tudyo nito sa kanya. Hindi niya maiwasang mapangiti sa sinabi nito, kung sana ganito rin si Clive. Kaso iba si Clive at iba si Hugh, sana nga ay dumating ang oras na makalimutan na niya ang nararamdaman niya sa bestfriend ng taong kaharap niya.
Pagkatapos magpaalam ni Hugh sa kanya ay bumalik na siya sa sala, tanging naabutan niya ay si Ainsley na hindi pa rin maipinta ang mukha. Habang nandito si Hugh kanina ay hindi ito pinapansin ng kaibigan niya, napansin nila ang disgust ni Ainsley kay Hugh.
BINABASA MO ANG
ZBS#10: Peach Firefly's Haunting Past (Book 1) -- COMPLETED
RomanceCatchline: "Hindi ko hinangad na dumating ka sa buhay ko, pero nangyari na ang nangyari, wala na akong magagawa kundi tanggapin ang pagkakamaling nagawa ko. Sana dumating din ang oras na matanggap mo rin ako sa buhay mo, kahit hindi na sa puso mo...