Chapter Thirty-Three

37.5K 1K 68
                                    

Chapter Thirty-Three


"NASAAN na ba si kuya?" naiinis na si Ainsley habang kanina pa ito palakad-lakad sa sala ng bahay ng mga Libiran. Sabi ng mommy nito na doon nila planuhin ang tungkol sa kasal, they want a grand wedding for their child, lalo pa at si Clive ang panganay. Sinama siya ni Ainsley kahit na sinabi niyang susunod nalang siya dahil marami pa siyang kailangang asikasuhin. Dala ang mga papeles na kailangan niyang basahin ay inabala niya ang sarili doon sa halip na asikasuhin ang kasal niya.

Kahit ano. Iyon ang palaging sagot niya kay Ainsley. Kahit ano naman talaga at kung ano rin ang gusto ni Clive. Hindi niya alam kung ano ang plano ni Clive, ayaw muna niyang pangunahan ito sa plano nito.

"Relax Ainsley, darating din ang kapatid mo."

"Eh naman kasi natataranta na ako dito tapos parang hindi naman kayo nakikipag-cooperate." Natawa lang siya sa narinig na frustration sa boses nito. In one and a half time she will become a member of her friend's family kaya ganoon nalang ito kataranta. This is Ains' first business venture kaya doble ang pressure sa part nito.

"Nandito pala ang bunso mo Claud." Nag-angat siya ng tingin ng may biglang sumingit sa usapan nila. Napakurap siya ng makilala ang boses na iyon, hindi siya pwedeng magkamali. One of the biggest bank owner in the country, Pierce Madriaga himself. Matagal na niyang gustong makameeting ito kaya lang ay masyado itong mailap. Habang nakatingin sa dalawang lalaki na kapapasok lang saka niya napagtanto na kung nabuhay siya sa mga panahon ng mga ito siguradong isa siya sa magkakagulo para lang mapansin ng mga ito. They are aging gracefully, parang hindi tumatanda. Mr. Madriaga's eyes went to her. "And your future daughter-in-law."

Wala sa sariling binitiwan niya ang mga papeles na hawak niya at tumayo upang batiin ang dalawa. "Good afternoon Mr. Libiran and Mr. Madriaga."

"Ano ka ba naman Hexel, tawagin mong daddy si daddy dahil daddy mo na rin siya. And hi tito Pierce." Humalik si Ainsley sa pisngi ng tito nito. "Kumusta na si tita Kissa?"

"She's doing fine hija."

"And the triplets?"

"They are—I don't really know what to do with them." Pag-amin nito. The Madriaga triplets, she's been hearing about them. Base sa nalaman niya ay nakakampo ang tatlong anak nito sa mga branches ng banko sa iba't ibang panig ng mundo. "Your dad is so lucky to have a princess like you Ainsley."

Ngumiti lamang ang daddy ni Ainsley na para bang sinasabing totoo ang sinabi ni Mr. Madriaga. Masaya siya sa kaibigan niya pero hindi pa rin niya maiwasang mainggit dahil mahal na mahal ito ng daddy nito. Habang siya...

"And you're going to have another princess in the family Claude. How lucky you can get?" biro nito. "It's nice to finally meet the queen." Inilahad nito ang palad nito sa harap niya. Agad niya iyong tinanggap.

"It's nice to meet you too Mr. Madriaga." Tinitigan siya nitong mabuti na para bang inaalala ang mukha niya.

"Magaling pumili si Clive kung ikaw ang mapapangasawa niya. Beautiful and smart as I heard."

"I doubt it all were true Sir."

"Pupuntahan ko muna si Belle, Pierce. You can have a chat with my daughter-in-law if you wanted to."

"That would be my pleasure." Sumama si Ainsley sa daddy nito dahil mukhang nastress nga ito sa paghihintay sa kapatid nito at ng silang dalawa nalang ay biglang naging seryoso ang atmosphere nilang dalawa.

ZBS#10: Peach Firefly's Haunting Past (Book 1) -- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon