Chapter Nine
Binabasa niya sa office ng kanyang lola ang ginawa niyang business proposal, hindi na bago sa kanya ang ginagawa niya. Akala ng mga kaibigan niya ay abala siya sa pagsosort out ng mga letters at pag-aarrange ng mga kung anu-anong bagay sa opisina pero ang totoo ito talaga ang kanyang ginagawa, she was trained by her grandmy to make, analyze and solidify business proposals.
Hindi lang ang Winhlan ang hawak ng kanyang lola, kahit hindi halata marami itong investments at isa sa gusto nitong gawin ay ang bilhin ang isang maliit na isla. Base sa nasagap niyang mga balita ay indemand ang islang iyon kahit maliit dahil hindi ito masyadong malayo sa mainland, twenty minutes lang kung tutuusin ang biyahe gamit ang ferry at hindi rin ganoon kalaki ang pamasahe tamang-tama lang.
Marami na rin ang nakatira sa isla, they were called the islanders. Hinayaan ng may-ari na may tumira doon upang kahit papaano ay maalagaan ang lugar. Dahil sa naging talamak na ang pagbisita ng mga turista sa naturang lugar kaya naisipan ng may-ari na ibenta iyon. Marami ang interesadong bumili, many wants it because it's good for business lalo na kapag nadevelop na. developing the said island is a risk, malaking halaga ang kailangan.
Tiningnan niya ang mga pictures na nakuha nila noong minsan ay isinama siya ng kanyang lola sa isla. May mga aerial shots pa, maliban sa pagpapatayo ng hotel and resort, restaurant at kung anu-ano pa kung titingnan mong mabuti may makikita kang isang napakaimportanteng bagay. She grin... her eyes were not telling her any lies. Tama ang sapantaha niya, noong una ay hindi siya makapaniwala pero noong nalapitan at naresearch niya ay doon niya napagtantong totoo ang kanyang hinala. This will be her hidden card, their company might spend a lot for this project pero higit pa sa triple ang magiging kapalit kapag napunta sa kanilang mga kamay ang isla.
"Hexel, handa ka na ba?" untag ng lola niya sa kanya. Tiningnan niya ang sariling repleksyon sa salamin, she is wearing a white blouse tucked inside her high waist black skirt and a pair of black pointed high heels. Her long hair was tied in high ponytail and she also applied darker shade of make-up. She is ready, more than ready.
"I am granmy."
"Pumunta na tayo kay Mister Chiu bago pa tayo maunahan ng mga kalaban." Tukoy nito sa may-ari ng islang iyon.
She looks older than her age, she needs to look mature or else hindi siya paniniwalaan ng mga kameeting niya. Noong unang beses siyang humarap sa business meetings kailangan pa niyang magsinungaling sa kanyang tunay na edad.
The meeting will be held in Mr. Chiu's office.
"Ms. Domingo you are next." Tawag sa kanya ng sekretarya nito. Agad siyang tumayo dala ang kanyang laptop at mga folders. She took a very deep breath before she pushed the door open.
"Are you Ms. Domingo?" gulat na tanong ng may edad na lalaki na nakaupo sa pinakagitna ng mahabang mesa. Automatically her personality changed, from that little sweet girl to a woman.
"I am the Ms. Domingo, Mr. Chiu." Walang kagatol-gatol na sagot niya. Nagkatinginan ang mga lalaki sa isa't isa. She knew what they were thinking, base sa paraan ng paggalaw ng kanilang mga mata alam niyang pinagtatawanan siya ng mga ito.
"Ikaw ang apo ni Helenita Domingo?"
"I am Hexel Marie Domingo, Sirs." Inilapag niya ang mga folders sa ibabaw ng mesa. "And yes, I am here to propose something..." she captured the man's eyes. "We want to buy your island." Isang malakas na tawa ang pinakawalan ng matanda na binuntunan naman ng mga kasama nito ng iling at tawa. Alam niyang nakakaasar kapag nakakakita siya ng ganitong eksena, nakakainis dahil seryoso siya but these people won't take her seriously.
BINABASA MO ANG
ZBS#10: Peach Firefly's Haunting Past (Book 1) -- COMPLETED
RomanceCatchline: "Hindi ko hinangad na dumating ka sa buhay ko, pero nangyari na ang nangyari, wala na akong magagawa kundi tanggapin ang pagkakamaling nagawa ko. Sana dumating din ang oras na matanggap mo rin ako sa buhay mo, kahit hindi na sa puso mo...