Chapter Twenty-Three
KUNG nakakamatay ang tingin ay kanina pa natunaw si Ainsley habang abala ito sa pag-aapply ng lipstick sa labi nito. Ang ganda-ganda nito samantalang siya ay hindi maipinta ang mukha, buhaghag ang buhok at halatang bagong gising pa. Sino ba ang makakapaghanda kung bigla ka nalang hilahin mula sa kama mo papunta sa kwarto nito. At dahil lamang iyon sa paranoid nitong kapatid na akala yata ay mamamatay na ang kapatid nito samantalang heto abala sa pagpapapula ng labi at wala kahit katiting na bahid ng sakit o ano pa man.
"I told you my brother would follow my whims." Kinuha niya ang unan sa tabi niya at humilata sa malamig na tiles ng silid nito. "Hex, dito ka nga sa bed huwag ka diyan baka magkasakit ka."
"Don't talk to me galit ako sa iyo ngayon." Palki niya dito.
"Wala naman akong ginawang masama ah." At talagang ayaw pa nitong umamin sa kasalanan nito. "I am innocent."
"Innocent your face. At nagdrama ka pa talaga para lang masunod ang gusto mo." Dumapa na siya sa tiles habang nakapatong ang noo sa unan.
"Because you won't listen to me, may ipopropose lang naman akong plano."
"Na may kinalaman sa kapatid mo. Ayoko! Iba nalang."
"Kung may makikinabang sa kapatid ko dapat ikaw lang iyon. This is a life and death situation Hexel and I really need your help." Sabagay, hindi aakto ng ganito si Ainsley kung hindi talaga importante ang sasabihin nito o kaya ang mga nangyayari. She's really desperate that's what she knows.
"Ano bang meron?"
"I saw a ring."
A ring?
"And?"
"Kuya Clive bought a very expensive engagement ring." Tila may sumipa sa puso niya habang nakikinig kay Ainsley. "And I think he will give it to that Tara girl." Magpopropose na si Clive kay Tara?
"Talaga?"
"Anong talaga? I am pretty sure about that dahil narinig kong nagpabook si kuya ng flight two months from now. Hexel hindi pwedeng makasal si kuya at si Tara. I'd rather have my brother single for the rest of his life than marry that bitch."
Napabangon siya ng wala sa oras sa sinabi nito. May balak na talaga si Clive na magpakasal kay Tara. Paano naman siya? Ang gaga talaga niya, baliw na, paano naman siyang nasali sa eksena ni Clive at ni Tara? Hindi dahil sa hinalikan siya nito sa banyo ng villa ng resthouse ng pamilya nito, paminsan-minsan ay pagsulpot nito ay may papel na agad siya sa love story ng dalawa. Nagkataon lang na para siyang extra sa buhay ng mga ito at kahit decoration ay hindi siya papasa.
"May Nakita akong papers sa office ni kuya during my visit. I don't know if he had read it na pero kinuha ko."
May kinuha itong brown envelope sa loob ng drawer ng night stand nito at saka ibinigay sa kanya. "Kay Tara ito, bakit mo kinuha."
"Hindi lang iyan ang Nakita ko pero iyan ang nakuha ko." Nakaselyo pa ang sobre kaya halatang hindi pa iyon nabubuksan. Dahan-dahan niya iyong binuksan at kinuha ang laman. Tulad ng inaasahan sulat iyon pero hindi iyon normal na sulat.
"What is this?" takang-tanong niya.
"Oh my God." Bulalas ni Ainsley na nakibasa din sa laman ng papel. "That's her bank's statement of account." Kumunot ang noo niya sa papel. Malaking halaga ang kailangang bayaran ni Tara sa banko kung pagbabasehan ang numerong nakalagay doon. Hindi iyon peso, hindi rin dollars, Pounds ang halaga. "May balak bang ibankrupt ni Tara ang kapatid ko sa loob ng ilang buwan? Marami na tayong batang mapapaaral hanggang college sa halagang ito."
BINABASA MO ANG
ZBS#10: Peach Firefly's Haunting Past (Book 1) -- COMPLETED
RomanceCatchline: "Hindi ko hinangad na dumating ka sa buhay ko, pero nangyari na ang nangyari, wala na akong magagawa kundi tanggapin ang pagkakamaling nagawa ko. Sana dumating din ang oras na matanggap mo rin ako sa buhay mo, kahit hindi na sa puso mo...