Chapter Thirty-Two
"TUTULUNGAN kitang makatakas mula dito, total wala din si Clive kaya hindi magtataka ang mga tao kung bakit wala ka rin sa party. Sasabihin kong wala ka dito sa suite mo at maaring isipin nila na magkasama kayong dalawa somewhere else." Pigil sa kanya ni Monique pagkatapos niyang isara ang pintuan ng kanyang suite. Napatingin siya dito sa katunayan ay naisip na rin niyang gawin ang sinasabi nito.
"I can't do that."
"Tama ng may isang martyr sa grupo natin, save yourself from further embarrassment Hexel. Kayong dalawa ni Clive ang involve dito and it takes two to tango. Kung wala siya dapat wala ka rin, huwag kang maging superhero sa kasalang ito dahil alam natin na talo ka. Take it from me Hex, please listen to me."
Marahang hinawakan niya ang braso ni Monique at ngumiti dito.
"I can do that." Sabi niya. "But I won't do it."
"Why?"
"Dahil hindi na ako bata Monique, hindi dahil mapapahiya ako ay kailangan ko ng tumakbo at magtago. Ginusto ko ito kaya dapat ko itong harapin. Dumating man siya o hindi nasa kanya na iyon ang mahalaga nandito ako, kasama ko kayo, humarap ako sa mga tao na nakataas ang noo."
Hindi ito umimik sa kanyang sinabi. Kung ayaw ni Clive magpakita sa mga tao puwes hindi niya ito pipilitin. Pupunta siya doon, sa ibang paraan nalang siya gaganti. Hindi man niya ito masaktan physically at emotionally hindi rin ibig sabihin ay wala siyang gagawin. This is the Libiran's turf, nandito at bisita nila ang mga business associate ng mga ito. At dahil magiging asawa siya ni Clive pwede niyang dahan-dahang sulutin ang mga ito mula sa lalaki.
Wedding or no wedding, friends or not, a commander should never leave his or her turf unattended. Mahirap na baka masulot pa ng iba. Hindi na siya matatakot sag alit nito kapag nalaman nito ang kanyang gagawin, galit na ito sa kanya kaya susulitin nalang niya ang galit nito.
"Iba ka talaga Hex kung ako ang nasa lugar mo baka kanina pa ako nagtago. Hindi pa talaga ako mature."
"Hindi pa rin ako mature Monique and I no one can ever say she or he is already matured enough dahil sa tingin ko wala naman talagang ganoon. Each one of us has its own maturity and immaturity, nakatago lang. This is not maturity... this is desperation."
Alam niyang naiintindihan siya ng kanyang kaibigan, mabuti nalang at nandito ito sa kanyang tabi. Maaring may mga baya na hindi niya magawang sabihin dito, hindi rin niya alam kung paano nito tatanggapin. Ang importante ay may nakakausap siya at kung anuman ang mangyari ay matatakbuhan siya.
"Hexel always remember kaibigan mo ako at kung anumang mangyari sa iyo nandito lang ako. You can always count on me. Kung iniisip mo na baka magalit ako o kaya ay magtampo alam mong hindi ko magagawa iyon dahil sa atin dalawa alam mo rin kung ano ang nagawa ko. You are my family Hexel, hindi man sa dugo pero ikaw lang ang kinikilalakong pamilya sana ay ganoon ka rin sa akin." Anito.
"Thank you Monique. Thank you very much." She hugged her friend tightly, thanking her for everything she's doing to her.
Sabay silang bumaba at nakaalalay lang ito sa kanya, laking pasalamat niya dahil nandito ito sa kanyang tabi. Binati siya ng kanilang mga kaibigan, she already masked her unwanted emotions and buried it six feet under.
"Ang ganda mo talaga Hexel hindi nakakasawa ang ganda mo." Puri ni Zy sa kanya. "Iba talaga ang ganda kapag ikakasal na ano? Masyadong blooming." Biro pa nito. Ngumiti lang siya dito.
"Magaganda kasi ang lahat ng nakikita ko kaya blooming ako."
"My daughter." Isang masayang mukha ng mommy ni Clive ang sumalubong sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Medyo nagulat pa nga siya sa ginawa nito dahil hindi niya iyon inaasahan. "You are so beautiful hija and my son is very lucky to have you." Inayos nito ang ilang hibla ng buhok na nakawala sa likod ng kanyang teynga.
BINABASA MO ANG
ZBS#10: Peach Firefly's Haunting Past (Book 1) -- COMPLETED
RomanceCatchline: "Hindi ko hinangad na dumating ka sa buhay ko, pero nangyari na ang nangyari, wala na akong magagawa kundi tanggapin ang pagkakamaling nagawa ko. Sana dumating din ang oras na matanggap mo rin ako sa buhay mo, kahit hindi na sa puso mo...