Chapter Six

45.4K 1.1K 60
                                    

Chapter Six


MATIIM na nakatingin siya sa mga pictures na ipinakita sa kanya ng kanyang lola, hindi pa rin niya matukoy ang gusto nitong ipakita sa kanya. "What for granmy?" she asked with a knot on her forehead.

"Can you tell who they are?"

"Ay, manghuhula na po pala ako ngayon." She joked, tumikhim lang ito telling her that this wasn't a joke but a serious matter.

"If you wanted to be a businesswoman you need to read people and what they are doing, I want you to know them by looking at them Hexel. I want you to tell me what kind of business they are running." Lumubo ang utak niya sa gustong ipagawa ng kanyang lola sa kanya. Hindi siya manghuhula at mas lalong hindi siya psychologist.

"But I wanted to be an architect-." She saw the look her grandmother gave her, she almost forgot their deal. Kung gusto niyang makasama ang mga kaibigan niya kailangan niyang gawin ang lahat ng gusto ng lola niya and that means she needs to run their family business. "Opo." Wala siyang magagawa kundi ang sundin ito, for now. Darating din ang oras na magagawa din niya ang lahat ng gusto niya.

She wants to design and build buildings and houses, to create bridges and more... not business. Pakiramdam kasi niya hindi siya hinulma para sa ganoong bagay, she's not business-minded person.

Muli niyang tinitigan ang mga tao sa pictures, most of them were cut from magazines and newspapers and printed. Iba-iba ang mukha ng mga ito at maging sa edad ay iba-iba din sila but they share the same aura, they look so professional and dignified.

Kinuha niya ang ibang pictures at isa-isang tiningnan, "This one, I think he owns restaurants, this one too, and this one and this one." Halos lahat ng nasa kamay niya ay inihanay niya sa ganoong kategorya. "These people, they owned hotels." At ganoon din ang ginawa niya. "And these—aray!" napahiyaw siya ng paluin ng granmy niya ang kanyang kamay.

"Wrong!" muli sana nitong hahampasin ang kamay niya mabuti nalang at naiwasan niya. "Pag-isipan mong mabuti." She pouts.

"Gusto ko ng samahan ang mga friends ko gran." Maktol niya.

"Hindi ka na bata and I need to train you Hexel, seventeen ka na."

"Dapat nag-eenjoy po ako with my friends tulad ng normal na mga bata."

Tinitigan siya ng lola niya, "Hindi ka lang normal na bata Hexel, you are my granddaughter and you are your father's child. Kailangan maging magaling ka sa lahat ng bagay at kung pwede mo siyang ungusan ay gagawin mo."

"But I am not my father." Mahinang sabi niya. "I don't even know if my parents were alive or not." Alam niyang narinig iyon ng lola niya. Alam niyang hindi sasabihin ng lola niya ang totoo, there's no letters from her parents on the first place. Lahat ng natatanggap at nababasa niya ay pawang mga hindi totoo, they were fraud made by her grandmy to make her feel complete. But she knew the truth.

"Lalabas ako kailangang pagbalik ko ay alam mo na ang sagot diyan."

Malungkot na tumango siya at hinintay na umalis ang lola niya sa opisina nito. Muli niyang tiningnan ang mga larawan sa mesa at isa-isang pinulot ang mga iyon. Pagkatapos niyang magtapos sa kursong gusto niya ay gagawin niya ang isang bagay na pinakaayaw niya, running a business. But she needs to, nakalimutan niya ang goal niya. Kapag magaling na siya sa business ay hahanapin niya ang kanyang mga magulang at itatanong niya sa mga ito kung bakit hindi nila magawang bisitahin siya o kaya naman ay tawagan siya. She wants to know where they are, gusto niyang alamin kung may mga kapatid ba siya. If she was really wanted or not, there's a big hollow space inside her heart wanting to be filled with them, with their memories.

ZBS#10: Peach Firefly's Haunting Past (Book 1) -- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon