Chapter Nineteen
"Hexel, male-late na tayo." Kumatok ang lola niya sa pintuan ng kanyang kwarto. Pangalawang beses na nitong ginawa iyon at ang mas lalong nakapagpahindik sa kanya ay wala pa siyang mahanap na damit na pwede niyang isuot. "Okay ka lang ba apo?"
"Yes, grandmy." I can't find a dress to wear! "Kalalabas ko lang po sa banyo magbibihis lang po muna ako." Kanina pa tuyo ang buhok niya dahil kanina pa siya tapos maligo.
"Bilisan mo at malelate ka na sa first class mo."
"Magbibihis na po." Nafrufrustrate na siya habang nakatingin sa kanyang closet. Ano baa ng dapat niyang isuot? Dapat hindi masyadong pambata, dapat formal din pero hindi masyadong pangmatanda. This is a business meeting she needs to be formal--- business meeting—suddenly it sinks in. Napahawak siya sa kanyang noo at lihim na napatawa, nakalimuta niyang business meeting nga pala iyon. Masyado siyang naexcite na makikita uli si Clive mamaya.
"Gaga ka talaga Hexel huwag ka ngang ambisyosa." At least it calms her nerves. Muli niyang tinitigan ang closet niya and finally decided to pick something formal yet casual. Iyong hindi mahahalata ng mga kaibigan niyang may lakad siya mamaya, hindi pa rin alam ng mga ito ang koneksyon niya sa headmistress nila. She wanted to tell them hindi nga lang nagkaroon ng oras para doon.
After dressing up she tied in her long hair into high pony tail curling the end part of her long hair properly. She applied her daily dose of light make-up, she'll retouch later on when they met. Student muna siya ngayon at hindi business woman.
"Hollier Kaia." She said her name infront of her vanity mirror. "Be Kaia for a while saka ka na maging Hexel kapag nagkita na kayo."
Pagkatapos kuhanin ang kanyang mga gamit ay lumabas na siya, natagpuan niya ang kanyang lola na nakaupo sa sofa sa living room habang naghihintay sa kanya. "Gran, good morning." Masiglang bati niya dito.
Nagtaas ito ng tingin at napatitig sa kanya. "You took your time."
"Sorry po."
"Dalaga na ang apo ko kamukhang-kamukha mo ang mommy mo." She smiled at her grandmy's words.
"Mana po ako sa inyo."
"Dalawa na kayong dalaga ko, si Monica at ikaw. Darating din ang araw na magsasama na tayong tatlo."
"Soon po gran gagawa ako ng paraan at kapag okay na ang lahat magkakasama na tayong tatlo." She assured her grandmother. Iyon din ang hiling niya na magkasama silang tatlo. "Let's go."
"Ayaw mo bang magbreakfast?"
"Mamaya na lang po siguro." Hindi rin siya makakain ng maayos dahil sa excitement. Dahan-dahan na tumayo ang kanyang lola pero bigla nalang itong napaupong bigla sa kinauupuan nito. "Gran—what the—are you okay?" nag-aalalang tanong niya habang inalalayan ito.
"Nahilo lang ako ng kaunti."
"HUwag na lang po kayong pumasok, dito nalang po kayo."
Umiling ito. "Okay na ako Hexel nahilo lang ako ng kaunti." Muli itong tumayo this time nakatayo ito ng maayos. "See I am okay."
"Pero baka mapaano po kayo dito ka nalang sa bahay ako na ang bahalang magtapos ng mga kailangan mong tapusin sa office."
BINABASA MO ANG
ZBS#10: Peach Firefly's Haunting Past (Book 1) -- COMPLETED
RomanceCatchline: "Hindi ko hinangad na dumating ka sa buhay ko, pero nangyari na ang nangyari, wala na akong magagawa kundi tanggapin ang pagkakamaling nagawa ko. Sana dumating din ang oras na matanggap mo rin ako sa buhay mo, kahit hindi na sa puso mo...