Chapter Twenty-One
"WOW!" manghang usal ng mga kaibigan niya ng makita ang kabuuan ng bahay ng lola niya. Tinulungan siya ng mga ito na ihatid ang pasyente nila sa bahay and since wala ng sekreto sa pagitan nilang lahat kaya malaya na rin ang mga itong makalabas at pasok sa kanilang tahanan.
"Ang yaman mo Hex." Hinila pa ni Zyrene ang mangas ng suot niyang t-shirt habang nakatingin sa buong bahay nila.
"Sa lola—mali, sa grandpy ko ang bahay. Sila ni grandmy ang mayaman."
"Diyos ko bahay ang tawag mo sa palasyong ito? Palasyo ito! Palasyo!" react naman ni Diana. Natawa nalang sina Chloe at Ainsley, alam niyang hindi na naninibago ang mga ito sa nakikita dahil hindi lang maykaya ang mga ito, mayaman talaga sila.
"And all these years akala namin ay working student ka iyon pala isa kang prinsesa?" ngumiwi siya sa sinabi ni Karylle. Malayo sa pagiging prinsesa ang buhay niya, may kaya sila sa buhay pero lahat ng nakukuha niya ay pinaghirapan niya. Kailangan niyang magtrabaho at mag-aral, hindi nga lang tulad ng sa iba pero pareho pa rin iyong trabaho. Her grandmother trained her that way. Kaya nga nagpapasalamat siya na hindi sa kanila lumaki si Monica, hindi niya kayang makita itong nahihirapan sa pag-aaral at pagtatrabaho. Ibibigay niya ang lahat ng para dito ng hindi nito napapansin hanggang sa dumating ang araw na handa na nitong tanggapin ang lahat-lahat.
Siya muna sa ngayon, years from now kapag kaya na ni Monica ililipat din niya ang pamamahala ng WInhlan University sa mga kamay nito. Sa kanilang dalawa mas karapat-dapat si Monica sa posisyon na iyon lalo pa at education ang major nito. Madali nalang sa kanya na turuan ito ng kung ano at hindi dapat gawin dahil matalino ang pinsan niya. Hindi lang ito matalino, masigasig din ito sa pag-aaral at alam niyang mas mapapamahalaan nito ng husto ang pinaghirapan ng lola nila. Soon...
"Kumain muna tayo." Yaya niya sa mga ito para umiwas sa usapan nilang tungkol sa yaman. "Anong gusto niyong kainin?"
"Oreo cheesecake!"
"Red velvet."
"Chocolate sin."
"Mango cheesecake."
"Tuna turn-over."
"All of the above."
"Girls, dapat yata pumunta tayo sa little devil's mukhang wala kami ng mga gusto niyong kainin." Natatawang ani niya.
"Kanin nalang, magluto tayo." Suhestiyon ni Monique. Iyon ang pinakamagandang bagay na narinig niya sa mga ito.
"Magpapaluto ako."
"Tayo nalang ang magluto, halukayin natin ang refrigerator niyo dito Hexel." At nauna na ang mga ito sa kusina. At home na at home ang mga kaibigan niyang namulabog sa ref nila na halos ipasok na ang mga katawan doon.
"High tech naman itong refrigerator niyo." Komento ni Karylle. "Gette kaya mo bang iconvert iyong refrigerator namin ng tulad nito?"
"Subukan natin kailangan lang nating imodify ang physical features niya para ma-accommodate ang mga changes. Tapos lagyan natin ng micro-chip na programmed na, madali lang ang magprogramme sana ay compa-."
"Mag-iipon nalang ako at bibili ng ganito huwag mo nga akong paandaran ng microchip na microchip na iyan. Ang chip na kilala ko ay potato chip at chippy." Reklamo agad nito. Muling bumalik ang mga ito sa pagluluto ng biglang sumigay si Crischelle.
BINABASA MO ANG
ZBS#10: Peach Firefly's Haunting Past (Book 1) -- COMPLETED
RomanceCatchline: "Hindi ko hinangad na dumating ka sa buhay ko, pero nangyari na ang nangyari, wala na akong magagawa kundi tanggapin ang pagkakamaling nagawa ko. Sana dumating din ang oras na matanggap mo rin ako sa buhay mo, kahit hindi na sa puso mo...