Chapter Seven
"NASAAN si Georgette?" hanap niya, late kasi siyang dumating sa meeting place nila dahil may ipinaayos pang paperworks ang lola niya. Mabuti na nga lang at hindi siya iniwan ng mga ito, they are patience though.
"May meeting daw sila sa GS ngayon." Karylle almost spit the words, hindi pa rin kasi nila tanggap na nandoon ang kaibigan nila pero wala silang magagawa. Kapag sinumbong nila sa pulis mapapahamak sila ayon kay Gette, kapag ito naman ang nagsumbong sa pulis ipapapatay ito which they don't want to happen. Kaya nga ang choice na meron sila ay magpayaman at tulungan itong umalis sa sindikato na medyo mahirap pang gawin.
"Sayang naman," ani niya.
"Complete na kayo?" nakangiting tanong ng kuya ni Ainsley, si Eon na driver nila.
"Hello po." Ngumiwi ito sa kanila.
"Girls, ilang taon lang ang tanda ko sa inyo kung makabati naman kayo ang tanda ng pakiramdam ko." Biro nito sa kanila. Tumawa lang sila, she looked at him, Eon Villaraga-Libiran, twenty-two years old. Unlike his father and his brother hindi ito nagtangkang mag-excel sa corporate world. He race, pero sa tingin niya nasa dugo na talaga ng mga Libiran ang pagbubusiness dahil kahit na nakikipagcar racing ito, nationally and internationally, still he is doing some business. At alam din niya, years from now he is going to build his own race track business. May gut feeling lang siya.
Sumakay na sila sa van na dala nito, naupo siya sa likod habang si Ainsley at si Chloe naman ang nasa harapan. Kung akala ng iba ay tahimik na tahimik sila sa biyahe iyon ang pagkakamali nila dahil habang umaandar ang sasakyan ay hindi rin matapos-tapos ang ingay nila. They jokes, they sing and even dance if possible. Minsan nakabukas din ang bintana ng van at kakaway nalang silang bigla sa mga padaang bus at jeep tapos tatawa ng malakas. Mahaba ang naging biyahe but it seems so short kapag kaibigan moa ng kasama mo.
"Here we are." Balita ni Eon habang pumapasok sila sa isang malaking gusali. "This is tita Ash's building."
"Umuwi ba ng bansa si Ashton?" tanong ni Chloe.
"Nasa London pa rin siya matatagalan pa bago siya umuwi he is enjoying his life there." Sagot naman ni Eon bago kinabig ang manubela. "And he isn't ready yet to take over the Villaraga groups."
"And I think he won't, he would be like you dahil he is cooking for his own business. He said before he will let kuya Clive hog the empire." Tumawa lang si Eon sa sinabi ni Ainsley, iyong ibang girls walang pakialam sa usapan ng magkapatid but she is different, it's business and hearing it means knowing her foes.
"Ang laki naman nito." Inilipat niya ang pansin sa mga kaibigan niya na amazed na amazed sa building na iyon. "Oh my gosh ang daming gwapo." Tili ni Diana ng may nagsilabasan na mga grupo ng lalaki mula sa isang elevator.
"Patingin." Singit ni Karylle. "Oo nga." Nagulat pa siya sa sunod na ginawa ni Karylle dahil lumapit talaga ito sa mga boys at nagpakilala. Nasapo niya ang mukha niya dahil siya ang nahihiya sa ginawa ni K, at na-entertain naman ito ng mga lalaking iyon na nag-wave pa sa kanila.
"Kinuha mo ang number nila?" usisa ni Zyrene.
"Yeah, ibinigay naman nila. They are so kind."
"Kayo diyan kung anu-ano ang ginagawa niyo akyat na tayo." Pumasok na sila sa elevator and reached the 13th floor.
"Ang creepy naman dito sa building niyo Ainsley, 13th floor talaga? As in? Sa iba walang 13th floor pero sa inyo office talaga." Bulalas ni Crischelle.
BINABASA MO ANG
ZBS#10: Peach Firefly's Haunting Past (Book 1) -- COMPLETED
RomanceCatchline: "Hindi ko hinangad na dumating ka sa buhay ko, pero nangyari na ang nangyari, wala na akong magagawa kundi tanggapin ang pagkakamaling nagawa ko. Sana dumating din ang oras na matanggap mo rin ako sa buhay mo, kahit hindi na sa puso mo...