Chapter Three
NAPANGITI siya habang nagsusulat ng mga letters sa magiging members ng kanyang binuong sorority. Hindi niya mapigilan ang saya niya dahil sa wakas ay nabuo na rin niya ang mga kaibigan niya, ilang sandali nalang ay pwede na niyang makasama ang mga batang dati ay kasama niya sa hospital. Napaka-pathetic man na pakinggan na siya ang gumagawa ng paraan para maging kaibigan ang mga babaeng iyon pero sa tingin kasi niya hindi na mabubura sa sistema niya ang kagustuhan na makitang muli ang mga ito.
"Mukhang masaya ka Hexel."
"Good morning Granmy." Bati niya sa lola niya ng pumasok ito sa study room. Agad niyang pinalitan ang nasa screen ng laptop at muling ibinalik sa naunang trabaho niya. She is checking the university's finances and auditing them at the same time. "Opo masaya ako dahil wala pong problema sa budget ng school last month, well, may kaunting aberya pero nagawan naman ng solusyon."
Umupo na ito sa kaharap na upuan niya sa dining table. "Aberya?"
"Yes po, pero hindi naman malala. Natawagan ko na ang mag-aayos ng room 222, nagkaroon kasi ng faulty wirings doon. Naireport na sa akin ng technical team ng pumunta sila sa office niyo kahapon and then ang restroom sa buinding D ay nawalan ng tubig dahil sa leaking sa likod."
"Kung nagawan mo ng paraan mabuti." Inasikaso ng katulong nila ang almusal ng lola niya habang siya ay nagsimula ng magtipa ng monthly report sa laptop habang nasa bibig niya ang toasted bread na kanina pa niya hindi maubos-ubos. "Tigilan mo muna ang pagtatrabaho Hexel, kumain ka ng maayos."
"Mabilis lang ito granmy, kailangan ko lang itong tapusin. May aaralin pa kasi ako mamaya para sa class ko." Tukoy niya sa kursong kinuha niya.
"Sinabi ko naman na hindi mo kailangang gawin iyan, you can focus running the university since magiging sa iyo din naman iyan kapag nagretiro na ako." Umiling siya sa sinabi ng lola niya.
"This is what I want granmy, I want to be an architect like mama." Agad na lumungkot ang mukha ng lola niya ng ipaalala niya ang tungkol sa nanay niya.
"Sinagot mo na ba ang letter na ipinadala niya sa iyo?" she gave her grandmother a smile and nod. It was an obligatory letter at alam niya na hindi naman talaga nababasa ng mommy niya ang kanyang mga sulat. She doesn't know what happened all she knew was her grandmother was lying to her about her parents whereabouts.
Isa lang ang totoo—patay na ang daddy niya. Walang alam ang lola niya na alam na niya, hindi rin nito alam na gumawa siya ng paraan para malaman ang totoo. At wala itong alam na alam niyang ito ang sumusulat sa mga sulat na galing 'raw' sa mama niya. Her grandmother is hiding it from her... and the fact that she was using a different name is a proof to that.
Aalamin din niya iyon sa tamang panahon, she wants to be powerful so she can do whatever she wants. She is quite ambitious, hindi naman siguro masaya iyon. Sa tingin kasi niya kailangan ng isang tao na may ambisyon dahil iyon anng nagsisilbeng drive nila para maging successful. Yes, she wanted to be a businesswoman too, gusto niyang malaman ang pasikot-sikot sa mga negosyo and she wants to have a lot of connections para sa paghahanap niya sa kanyang mga magulang.
"Wait for her reply then."
"Yes po granmy." Masigla pa rin na sagot niya dito. May tamang oras para sa bagay na iyon, hindi dahil sa nagsinungaling sa kanya ang kanyang lola ay magagalit na siya dito. She needs to open her eyes, baka nagawa lang nitong magsinungaling dahil pinoprotektahan siya nito.
BINABASA MO ANG
ZBS#10: Peach Firefly's Haunting Past (Book 1) -- COMPLETED
RomanceCatchline: "Hindi ko hinangad na dumating ka sa buhay ko, pero nangyari na ang nangyari, wala na akong magagawa kundi tanggapin ang pagkakamaling nagawa ko. Sana dumating din ang oras na matanggap mo rin ako sa buhay mo, kahit hindi na sa puso mo...