Chapter Fourteen
"Hi, kuya Clive." Muntik na niyang mahulog ang hawak na kutsara at tinidor ng biglang batiin ni Ainsley ang kapatid nito. Wala ni kahit anong pagkilos ang ginawa niya upang masulyapan ito o kaya naman ay batiin dahil hanggang ngayon naguguluhan pa rin siya sa kanyang nararamdaman.
Ang weird kasi ng ganito, iyong bagong discover moment pa lamang ng feelings mo sa isang tao. Nakakatakot na nakakakaba at nakakawindang ng isip. Mamaya kapag tulog na ang lahat ay tatawagan niya si Georgette, right now ang kaibigan niyang iyon ang pinakasafe na pwedeng pagsabihan ng problema niya. Kapag sinabi niya sa mga kasama niya ngayon baka mabuko lang siya dahil tutuksuhin siya ng mga ito.
"Why so grumpy?" pang-aasar ni Ainsley dito.
"Ainsley stop bothering your brother may jetlag pa siya." Sita ng mommy nito. Kasama nila sa mesa ang mga kaibigan niya at ang buong pamilya ni Ainsley. Kahit na si Eon ay nandoon din at nakikipag-usap sa kanila. Sa tatlong magkakapatid si Eon ang pinakafriendly, si Ainsley iyong tipong pinipili ang kakaibiganin at ang pinaka-aloof sa kanilang tatlo ay si Clive.
"Kailan darating si Tara, Clive?" humigpit ang hawak niya sa kubyertos ng marinig ang pangalan na iyon. His girlfriend, bakit ba nakakalimutan niyang may girlfriend na ito at hindi siya kailanman mapapansin ni Clive?
"Tomorrow, susunduin ko siya."
Bukas niya makikilala ang girlfriend nito.
"Let's eat." Putol ni tita Belle sa usapan ng mag-ama, savior niya ito.
Maingay ang buong mesa habang kumakain sila, masarap ang mga pagkain pero wala siyang ganang kumain.
"May sakit ka ba Hexel?" nag-aalalang tanong ni tita Belle.
"Ho?"
"Ayaw mo ba sa foods? Do you want something else?" napatingin ang mga tao sa mesa sa kanya kaya medyo nakakaramdam siya ng hiya.
"Oh no tita the foods are great," sansala niya agad.
"You weren't eating." Bakas talaga sa mukha nito ang pag-aalala kaya nag-isip siya agad ng palusot upang hindi na ito mabahala sa kanya.
"Busog lang po ako sa dami ng kinain namin ni Diana habang nasa biyahe kami." Mabuti nalang at nasa tabi niya si Diana at abala sa pagsubo ng pagkain kaya ng magtangkang umamin ito ng totoo ay agad niyang naapakan ang paa nito ng hindi napapansin ng mga tao sa mesa.
"O-opo tita ang dami naming kinain sa biyahe." Mabuti nalang at nakagets ito sa kanya. Inilibot niya ang tingin sa mga kasama niya hanggang sa mapasulyap siya kay Clive na abala sa pagkain nito. Tila wala itong naririnig o napapansin sa mesa.
Tumitig sa kanya si tita Belle, "You know what Hexel you remind me of someone."
"Ho?"
"Hindi ko lang maalala kung saan at kalian pero parang may naalala akong pamilyar kapag nakikita ka."
"Common lang ho ang mukha ko tita kaya pwede niyong makita kung saan-saan." Natatakot siya sa sinabi nito baka maunahan pa siya nitong mabuko keysa ng mga kaibigan niya.
"Sa magazine?"
"Baka po sa magazine ni tita Ashley two years ago mommy nandoon din kami eh." Salo ni Ainsley sa kanya.
BINABASA MO ANG
ZBS#10: Peach Firefly's Haunting Past (Book 1) -- COMPLETED
RomanceCatchline: "Hindi ko hinangad na dumating ka sa buhay ko, pero nangyari na ang nangyari, wala na akong magagawa kundi tanggapin ang pagkakamaling nagawa ko. Sana dumating din ang oras na matanggap mo rin ako sa buhay mo, kahit hindi na sa puso mo...