Chapter Twelve

43.7K 1K 29
                                    

Chapter Twelve


One year after...


"ANG daya fourth year na si Hex samantalang tayo ay third year pa, ang haba ng bubuuin natin." Reklamo ni Diana pagkatapos nilang makapag-enroll para sa second semester nila.

"Baka nakakalimutan mong sabay lang tayong gagraduate, five years ang Architecture my dear." Natatawang sabi niya.

"Ay, oo nga pala." Natatawang ani nito. "ANg hindi lang naman natatakot na hindi makagraduate dito ay si Georgette." Sinulyapan lang sila ni Georgette. "Kasi graduate na siya." Hindi na ito nagkomento pa.

"Gutom na ako." Reklamo ni Monique. "Kain muna tayo."

"Sa Mcdo nalang tayo treat ko." Yaya ni Chloe.

"Ang bait mo talaga Chloe Claire pakiss nga." At hinalikan nalang ni Diana si Chloe sa pisngi. Sanay na si Chloe sa aktong iyon ni Diana, they already knew each other kaya nga minsan kapag nag-aaway sila hindi na nila sineseryoso, nag-aaway kanina pero nagkakabati din kaagad ni walang sorry o ano pa man.

Pumunta sila sa Mcdo at nag-order, kilala na rin sila ng manager doon dahil sila lang naman ang pinakamaingay kapag kumain doon. Sila din ang tila fiesta kung mag-order ng French fries at pinakamatagal tumayo. Akala mo tatayo na sila para bumalik sa dorm pero oorder lang pala uli, nagging instant tambayan na nila ang food chain na iyon. Minsan kapag gusto nila ng matinong pagkain ay sa Royale sila pumupunta courtesy of Ainsley and Chloe dahil may discount ang dalawa doon, kakilala ng dalawa ang may-ari. And if they wanted to have sweets courtesy of Crischelle naman, sa Little Devil's, doon din sila kapag trip asarin ni Zyrene ang kapatid nitong si Heinz.

"Karylle, may gwapong professor sa major mo hindi ba do you have his number?" excited na tanong ni Zyrene sa katabi nito.

"May asawa na iyon Zy off-limits."

"Sabi ko nga bawal maging homewrecker." Now that they've grown a year pakiramdam niya ay may nagbago sa kanila, it's not the way they treat each other, more on sa kani-kanilang sarili. Mas naging pino ang mga galaw ni Zyrene kahit na galawgaw pa rin itong kumilos, mas naging feminine si Karylle nahihilig ito sa mga fashionable clothes at make-ups. Si Chloe naman ay mas nafofocus sa sketch pad nito, she saw her designs at alam niyang may future ito sa designing, mahinhin naman talaga ito bagay na bagay dito ang kulay na yellow babaeng-babae pero hindi masakit sa mata, si Diana nandoon pa rin ang sakit nito hindi niya alam kung kailan ito mawawala mas naging berde ang utak, as for Crischelle... she knew her secret, pero batid niyang nabubulagan lang ito sa akala nito, her introvert little Georgette began to open up with them. Ito ang pinakamatagal nakapag-open up sa kanila but she's worth it. Ainsley becomes more responsible which makes her happy, mas nagiging responsible na ito sa mga ginagawa nito. Si Monique ang hanggang ngayon ay kailangan pa nilang alalayan, she might not show it but Monique's the most fragile among them kaunting himas lang mababasag na pero sa kanilang lahat ito din ang pinakamalakas dahil nagawa nitong hindi mabasag sa kabila ng lahat... irony. And her cousin, until now she is still keeping it a secret from her lalo na ngayon. Nalaman niya sa lola niya na hinahanap na ito ng pamilya ng lolo nito, kung tama ang hinala nilang may kinalaman ang pamilya ng lolo nito sa pagkamatay ng nanay at tatay ng pinsan niya kailangan nila itong protektahan. And she? Hindi niya matukoy kung ano ang nagbago sa kanya pero pakiramdam niya ay meron, mas nagging matured yata siya hindi niya alam but whatever changes he had this past few months may isang bagay na hindi nagbabago.

ZBS#10: Peach Firefly's Haunting Past (Book 1) -- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon