Chapter Thirteen

45.8K 1.2K 60
                                    

Chapter Thirteen


"WELCOME darlings!" Masayang bati ni tita Belle ng makita sila sa resort, lumapit at humalik ito sa kanyang pisngi na tulad ng ginawa nito sa ibang kaibigan nila. "When will I see you complete my angels?"

"Who knows po tita baka malapit na." natatawang sagot niya dito. Agad niyang napansin ang asawa ng kausap niya kailangan pa nga niyang kumurap dahil kahit saan mo angulong tingnan kamukhang-kamukha ni tita Claude ang mga anak nito.

"Huwag mo ng pansinin ang tito Claude mo ganyan talaga iyan hindi namamansin."

Napangiti rin siya may naalala kasi siya sa ugali ng asawa nito, mukhang dito nagmana si Clive. Gusto sana niyang tanungin kung nasaan si Clive, dalawang taon din niya itong hindi nakita kaso nahihiya naman siya baka ano kasi ang sabihin at isipin nito kapag nagkataon. She doesn't want to jeopardize her friendship with Ainsley dahil lang crush niya sa kapatid nito.

"Okay lang po tita Belle."

"Puntahan ko muna ang husband ko kanina pa niya ako hinahanap." She smile sweetly at her, hanggang ngayon kapag nakikita niya ang mag-asawa ay iniisip pa rin niya kung ganito rin baa ng parents niya. Kung sweet din ba ang mga ito o kaya naman ay may iba pa siyang kapatid na hindi niya nakilala dahil malayo siya.

"Girls dito ang room natin!" tawag ni Ainsley sa kanya, sinulyapan niya ito Ainsley is wearing black shirt, black shorts and black flipflops. Mabilis siyang pumanhik sa third floor ng resthouse ng tito ni Ainsley. Ang sabi nito sa mag-asawang Ashley at Jaxon ang lugar na iyon, Chloe said na originally sa daddy talaga nito ang bahay pero binili ng kapatid ni tita Belle noong mga panahon na pinupursue pa nito ang ngayon ay asawa na nito.

"Hindi pa rin nakakasawa ang lugar na ito." Narinig niyang komento ni Monique habang nakatingin sa magandang lugar na iyon. It's actually breath taking, papalubog na ang araw kaya nakikita lang ay ang makulay na langit at ang magandang pagkislap ng dagat. It was picture perfect.

                "Saan ka pupunta?" tanong ni Monique sa kanya ng bigla nalang siyang umalis sa may bintana at binuksan ang bag niya upang kunin ang kanyang camera

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Monique sa kanya ng bigla nalang siyang umalis sa may bintana at binuksan ang bag niya upang kunin ang kanyang camera.

"Sa beach, I'm going to take pictures."

"Bukas nalang Hex hindi k aba napagod sa biyahe? Ang haba ng biniyahe natin." Pigil ni Diana sa kanya habang nakahiga na ito sa kama. Dalawang rooms ang gagamitin nila, si Ainsley ay may sariling silid doon kahit na si Chloe na nasa second floor. Kaya ang natitira nalang ay siya, si Diana, si Monica at si Crischelle. Sa kabilang silid naman sina Zyrene, Karylle at Monique but for sure mamaya ay sa iisang silid din sila matutulog just like before.

"Sayang ang scenes." Excited na siyang Makita ang buong paligid.

"Hayaan mo na si Hexel hindi mawawala iyan and besides safe ang resort." Ngumiti siya sa sinabi ni Chloe, nagmamadaling bumaba pa siya. At dahil nasa third floor sila kailangan pa niyang daanan ang second floor sa pagmamadali niya ay muntik na siyang matapilok mabuti nalang at tsinelas lang niya ang tumilapon sa kabilang panig malayo sa hagdanan. Agad niya iyong kinuha at sinuot sabay napatingin sa pintuan na nasa kanyang harapan. Noong una akala niya ay walang tao pero mukhang meron dahil may ilaw siyang nakikita sa pinakababang bahagi ng pinto.

ZBS#10: Peach Firefly's Haunting Past (Book 1) -- COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon