A/N: You can listen to the song link to this update, sa mga Bisaya I know you can understand it very well, sa mga Tagalog wala akong translator eh. hahhaa.. choooreee!
Chapter Eighteen
Hanggang ngayon ay hindi pa mawala sa isip niya ang huling sinabi ni Clive at kung bakit ito galit sa kanya. Gusto niya itong balikan at itanong uli iyon kaso baka isipin nito na masyado siyang atat at mapansin nito na may gusto nga siya dito.
"Ms. Domingo? Are you with us?" napakurap siya at napatingin sa ka-meeting niya ng mga oras na iyon. Nagtataka ang mga ito kung bakit hindi na siya nagrereact. Clive is really bad for her health she needs to rid him off her system.
"Yes, I'm just thinking." Yeah, thinking about someone. Kinuha niya ang kanyang tasa na may lamang kape at sumimsim. "About the plan." These are people who wants to invest in the island where they acquired recently.
"AVE Malls will always be in your side Ms. Domingo, we've been working hand in hand with your grandmother for decades now." Tumango siya sa sinabi ng may edad na lalaki na kilala na rin niya simula noong bata pa siya.
"I know that's why I included you in this meeting Mr. Lopez, however, this La Tierra might not be as big as Manila but it's a sole island with no signs of modern civilization. Lahat ng mga nakatira dito ay kailangan na pumunta sa mainland para maranasan ang hindi nila naranasan sa isla. Isa lang naman ang gusto kong mangyari at iyon ay hindi na nila kailangan pa na pumunta nang mainland to experience the city life. And AVE Mall is a good step." Tumingin siya sa mga kameeting niya. "But where's the challenge there everyone? I won't make it easy for Ave Mall to have it all that would be unfair that's why I am allowing other fast growing malls to enjoy the leisure as well."
Nagkatinginan ang iba pero halatang hindi nagustuhan ni Mr. Lopez ang sinabi niya, ang gusto lang nitong mangyari ay magkaroon ng monopoly ng mga consumers.
"If that's what you want Ms. Domingo but who wants to invest in a rural island other than me?"
"Oh many actually Mr. Lopez." Ipinakita niya sa mga ito ang mga folders na may lamang proposals ng mga malls. "Here are some of the fast-growing malls who are interested." Of course, who wouldn't be interested when she laid out her plans carefully. "
"How many would you pick?"
"As of now four would do." She stood up and pressed the projector button. "Here's the layout of the island, nakapost na ito sa apat na sulok ng isla."
"Wow, nice lay-out, who did this?"
Ngumiti siya. "Me." She proudly said.
"Ms. Domingo hindi ka lang pala maganda at magaling sa business,"
Tumikhim siya. "Architecture is my course Sir."
"Kaya pala ang swerte ng mapapangasawa mo hija." At tuluyan ng namula sa mga sinasabi ng mga ito kaya sa bandang huli ay nauwi sa tuksuhan ang meeting bago tuluyan iyong natapos. Kailangan pa nilang mag-extend ng thirty minutes upang matapos lang ang meeting.
"If you have time Ms. Domingo and if you don't mind my son is free." Segunda ng isang kameeting niya pagkatapos ng meeting.
"Sir, I would love to see your son in the business room soon." Aniyang umiiwas sa topic, pagkatapos magpaalam ng mga ito ay siya naman ang dahan-dahang nag-ayos ng mga gamit. Hanggang ngayon ay pulang-pula pa rin ang mukha hanggang leeg niya sa inabot na panunukso mula sa mga nakakatanda. Pero dahil din sa nangyari ay naging light ang meeting na nangyari at nawala ang awkwardness dahil napunta sa kanya ang lahat.
BINABASA MO ANG
ZBS#10: Peach Firefly's Haunting Past (Book 1) -- COMPLETED
RomanceCatchline: "Hindi ko hinangad na dumating ka sa buhay ko, pero nangyari na ang nangyari, wala na akong magagawa kundi tanggapin ang pagkakamaling nagawa ko. Sana dumating din ang oras na matanggap mo rin ako sa buhay mo, kahit hindi na sa puso mo...