--71--

5 2 0
                                    


***71***

[angelo]

Saan na naman kaya nagsuot si Eunice, gabing-gabi na pero wala pa rin siya dito, nagaalala na tuloy ako sa kanya..

hinanap ko siya sa buong bahay, nagbabakasakaling nandun siya, pero wala eh, wala talaga, ang nakita ko lang doon ay si GeLla na natutulog, lumapit ako sa kanya at hinmas ang ang kanyang ulo..

me:gella, labas lang ako ha, kailangan kong hanapin mommy mo eh.. hehe.. cge!

baliw noh? pati aso kinakausap, tulog pa.. hayz..

lumabas na ako ng gate, nagtaka pa nga ako dahil may ilaw sa bahay nila Adrian, masama ang kutob ko pero siguro multolang un nandyan.. patawa?!

nagpalakad-lakad lang ako, hanggang sa may nakita akong babae na naglalakad, parang wala siya sa sarili, palapit na siya ng palapait at unti-unti namang pumasok sa utak ko na si Eunice na pla iyon, nag-lakad ako papunta sa kanya ng mapansin

ko ung kotse na papalapit sa kanya..

"kung magpapakamatay ka wag ka ngang mandamay.."

narinig ko na lang na sinabi nung driver, ano ba naman itong si eunice..

eunice:sala-.......... angelo!?

me:may balak ka bang magpakamatay!?

eunice:anong ginagawa mo dito?

me:anong ginagawa ko dito? well, hinanap lang naman kita dahil alalang alala na ako sayo..

eunice:iwan mo na ko, kaya kong mag-isa

me:kaya mo? e muntik ka na ngang masagasaan eh, ano bang nangyayari sayo?

eunice:pwde ba? wala akong panahong makipag-away sayo.. kaya umalis ka na

alam kong may problema siya kaya kinulit ko siya ng kinulit, nagalit pa nga siya eh, pero wala akong pakialam,gusto ko malaman kung ano problema niya, baka sakaling matulungan ko siya..

eunice:gusto mo talagang malaman? well, nag-break lang naman kami ni Adrian.. ngaun, masaya ka na!?

and right on cue, bumuhos ang isang napakalakas na ulan..

nung mga oras na yun, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman, kung masaya ba o malungkot.. masaya dahil,wala na sila at may pag-asa pa ako, o lungkot dahil nakikita ko siyang nasasaktan.. sa sitwasyon ko ngayon, mas nangibabaw ang lungkot, hindi ko siya kayang makitang ganyan.. mas nasasaktan ako para sa kanya eh..

nakayuko na siya nun, iyak siya ng iyak, lumapit ako sa kanya at saka ko siya niyakap.. alam kong masakit sa kanya ang mga nangyari, humanda lang ang Adrian na yan at baka hindi na niya masilayan ang araw..

habang nakayakap ako sa kanya, damang dama ko ang kalungkutan niya..

eunice:angelo bakit gnon? mahal na mahal ko siya eh..

hindi ko alam kung anong sasabihin ko, hndi lang niya alam pero pareho lang kaming nasasaktan.. mas hinigpitan ko ang

yakap sa kanya..

eunice:ang sakit, *sniff* ang sakit sobra.. binigay ko lahat sa kanya *sniff* tapos ganito?

me:tahan na, wag ka ng umiyak..

matagal-tagal din kaming nakatayo doon, umuulan pa nun pero hindi namin pinapansin.. masaya na rin ako kahit papano, atleast nalaman ko na may pag-asa pa ako..

hinawakan ko siya sa mga cheeks niya, kahit na umuulan alam ko pa ring umiiyak siya.. hinalikan ko siya sa noo at niyakap ulit.. yun lang ang alam kong gawin para mabawasan naman ng kunti ang dinadala niyang problema ngayon..

pina-angkas ko siya sa likod ko, ung parang piggy back ride.. kanina pa kasi kami nauulanan eh..

eunice:angelo, salamat ah..

me:wala yun, basta tandaan mo, nandito lang ako para sayo..

pagkarating naman namin sa bahay, naligo lang kami at nagpalit..

pumasok ako sa kwarto ni eunice para tingnan kung ok siya, pero hndi eh, halos madurog ang puso ko nung nakita ko siyang umiiyak na naman dahil lang sa isang walang kwentang lalake..

tinabihan ko siya sa kama at ipinatong ko ang ulo niya sa balikat ko

me:iiyak mo lang yan..

totoo naman e, mas maganda kung ilalabas niya iyon, mas makakatulong un sa kanya..

me:pero dapat ngayon lang ha, ayokong nakikita kang malungkot..

eunice:thanks..

me:you're always welcome.. sige na, magpahinga ka na

at yun nga, nahiga na siya sa kama at umupo naman aq sa upuan sa gilid ng kama niya..

kinapa ko ang noo niya, sabi na nga ba eh, may sakit siya.. siyempre ang tagal ba naman namin naulanan kanina eh, sana wag akong mag-kasakit kasi pano ko nalang siya maaalagaan..

pinakain ko muna siya para makainom siya ng gamot..

mayamaya lang din ay nakatulog na siya, kumuha naman ako ng basang towel at pinatong sa ulo niya..

tinitigan ko lang siya habang natutulog, ang ganda niya talaga, pero bakas pa rin sa mukha niya ung kalungkutan,g*go yang Adrian na yan, ang kapal ng mukhang saktan ung babaeng pinakamamahal ko.. ang swerte niya nga, mahal na mahal siya ni eunice, tapos lolokohin lang pla niya si eunice.. OMG! ang sarap manapak..

tinangal ko ung buhok na nakatakip sa mukha niya, hinimas ko ang mga buhok niya..

me: haay eunice.. sabi naman sa iyo eh, baka lokohin ka lang ni Adrian, pero hndi ka naniwala.. ako, nandito lang ako para

sayo, hindi kita sasaktan, hindi kita iiwan, ikaw naman kasi eh, ayaw mong maniwala sa akin.. naiinis din ako sa sarili ko,

ang dami kong inaksayang panahon, sana sinabi ko na sa iyo nung una palang.. hay, ang ewan ko talaga, ngayon ko sinasabi

kung kelan tulog ka.. pero eunice, there's just one thing that I want you to bear in mind

I Love You, and I always will."

after nun, tumayo na ako at lumabas na ng kwarto..

pagkalabas ko, napasandal ako sa pintuan.. hala.. kinakabahan ako, narinig kaya niya!? matapos ko kasing sabihin yun,

nakita ko siyang...

ngumiti...

(#Wattys2016) No Ordinary Love by baby_loislane04Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon