Chapter 8

2K 34 0
                                    

CAITLYN'S POV

Dalawang araw ng nakalipas nang makalabas ako sa hospital. I shouldn't overwork myself, advised ng doctor sakin. As of now, we're watching a movie ulit habang pinaglulutuan kami ng meryenda ni Joshua sa kitchen. Sa kalagitnaan ng aming panonood, may kumatok sa pintuan.

"Manang, pabuksan po ng pintuan." Rinig kong utos ni Joseph.

Sinamaan ko siya ng tingin, binato ko sa kanya yung unan na hawak ko. "Why don't you open it? Wala ka bang kamay?" Tanong ko.

Aangal pa sana siya pero pinandilatan ko siya ng mata, tinuro ko yung pintuan para buksan niya. Napakamot na lang siya sa kanyang batok at tumayo.

"Ano nanaman ginagawa mo dito, Tristan?" Rinig kong tanong ni Joseph.

Napalingon naman ako sa likod ko, nakita ko si Joseph na kausap yung Tristan. "Masama bang dumalaw para makita yung taong pinupusuan ko?" Tanong niya.

Napangiwi ako bigla. "Hoy, kung ako sayo umaalis ka na. Matagal ka ng rejected." Sagot ko.

Pumasok bigla si Tristan at naglakad palapit sakin. "T-teka! Hindi ka pwede pumasok, Tristan!" Pagpipigil ni Joseph.

Tinignan niya ako at bumulong. "Isn't it great that i'm here to pursue you? Ang ganda mo pala talaga sa personal." Bulong niya.

"Tristan, pwede ba? Umalis ka na!" Sigaw ni Benjamin.

Napabuga ako ng hangin, sinamaan ko siya ng tingin. "Pursue your ass, man. Ni hindi nga tayo magkakilala. And to make this clear, wala kang chance kaya makakaalis ka na." Sabi ko at tumayo.

He pulled my arms, tinignan ko siya. "Bitawan mo ko!" Sigaw ko.

Nanlilisik yung mata niyang nakatingin sakin. "I already told them na kukunin ko yung dapat akin lang, so you're basically mine!" Sigaw niya.

Nagpumiglas ako at sinipa yung manlyhood niya, napatumba rin ako nang sipain ko siya. Tinulungan naman ako nung dalawa tumayo. "Are you okay?" Tanong sakin ni Benjamin.

Tumango naman ako at tinignan si Tristan na dumadaing sa sakit. "Why did you do that?!" Galit niyang tanong.

Ngumisi ako at tinignan siya. "Anong gusto mong gawin ko? Hayaan ka na saktan ako? Damn you!" Sabi ko.

"Kahit babae ka pa, kayang-kaya rin kitang patulan!" Sigaw niya.

Lumapit ako sa kanya at sinapak siya. "Then, do it bastard! You think i'm scared?" Panga-asar ko.

"Heidianne, tama na. We called the guards, sila na bahala kay Tristan." Sabi ni Benjamin.

"Heidianne!"

Napatingin ako sa tumawag ng pangalan ko, nakita ko si Joshua lumapit sakin habang nakasuot ng apron. "Did he hurt you? Sorry, i was cooking." Sabi niya.

"You'll pay for this, y'all!" Galit na sigaw ni Tristan habang hinihila siya palabas.

Tinaas ko yung middle finger ko at pinakita sa kanya. May humawak ng kamay ko, pagtingin ko si Joshua pala. Sinamaan niya ako ng tingin saglit. "Hindi mo dapat ginawa 'yon." Sabi niya.

"Are you okay?" Pagu-ulit niya sa tanong niya kanina.

Tinignan ko si Joshua, ngumiti ako. "I'm not hurt, but i kicked his balls. Sayang hindi mo nakita." Pagtutukoy ko kay Tristan.

"Where did you learn those moves? Nag-taekwando ka ba before?" Tanong sakin ni Joshua.

"Oo nga, ang galing mo kanina. You handle it so well!" Puri ni Joseph.

Nginitian ko naman si Joseph, as a sign of thank you. "Nagpaturo ako mag-taekwando, but kaunti lang alam ko. Hindi ko rin natapos agad because i got bored." Sagot ko.

"Gusto mo i-apply kita sa taekwando class? Para maging black belter ka." Sabi ni Joshua.

Umiling ako. "I'm good! No need to worry about me." Sabi ko.

"Everyone, let's set up the table first. Sinabihan ako ni manang na ihahain na niya yung meryenda natin." Sabi ni Benjamin.

"I'll set up the table, mga bro. Tulungan niyo si manang mag-prepare ng meryenda natin." Sabi ko at nagtungo sa lamesa para punasan bago ito i-set up.

Nang matapos kong mag-set up ay sakto ring lumabas yung tatlo na may dalang mga pagkain. Umupo ako at tinignan silang maglapag ng pagkain. "Wow, dami! Until dinner na ba 'to?" Tanong ko.

Umiling si Joshua. "Light meal lang 'yan, iba pa yung dinner." Sagot niya.

"All set! Kain na tayo!" Excited na sabi ni Joseph.

Umupo na sila sa tabi ko at nagsikuhaan na ng meryenda. Kumuha ako ng plato para paglalagyan ng kakainin ko. Pinigilan ako ni Joshua sa pagkuha, tinignan ko siya. "What?" Tanong ko.

Kinuha niya yung plato ko, naglagay siya ng meryendang kakainin ko. "Ako na maglalagay ng pagkain sayo, maghintay ka na lang diyan." Sagot niya.

Ngumiti naman ako. "Ayos, thank you!" Sabi ko.

Habang kumakain kami nag-vibrate yung phone ko, napatigil ako sa pagsubo ng pagkain at kinuha yung phone ko. Napakunot noo ko nang makita ko sa screen na may natanggap akong text from unknown number, napailing ako at binasa yung text dahil baka wrong number lang yung nabigay.

Unknown number:

Hintayin mo ko, Caitlyn. You'll be mine soon! Akin ka lang, tandaan mo 'yan!

Napatakip ako sa aking bibig dahil sa gulat. The heck, si Tristan ba 'yan? How did he know my number?

"May problem ba, Ate Heidi? Bakit parang nagulat ka?" Tanong ni Joseph.

Dahan-dahan kong binigay kay Joshua yung phone ko since magkatabi naman kami, tinignan niya ito. "Damn, paano nalaman ni Tristan yung number mo?" Galit ni tanong ni Joshua.

Hindi ako nakasagot. "What do you mean? Tinext ni Tristan si Heidianne?" Tanong ni Benjamin.

"Oo."

"What does it say?" Tanong ni Joseph.

Binigay naman ni Joshua yung phone ko sa dalawa, binasa nila yung tinext sakin. Napahawak na lang sila sa kanilang sentido nang mabasa nila yung text. "Nahihibang na talaga siya." Sabi ni Benjamin.

Joshua cupped my face. "Okay ka lang?" Tanong niya.

Dahan-dahan akong tumango. "Nakakagulat lang. Grabe na yung mga ginagawa niya, kailangan na natin siyang i-report sa mga police." Sagot ko at tumayo. "Excuse me, nawalan ako ng gana kumain. Magpapahinga na ako." Dugtong ko pa.

Tumayo din si Joshua at hinawakan ako sa braso. "Ihahatid na kita."

Nang makarating kami sa kwarto ay tumigil siya sa harap ko, hinawakan niya ang balikat ko at tumingin sakin. "You should rest, okay? Don't mind his text, forget it." Sabi niya.

Tumango ako, ngumiti naman siya. Nanigas ako nang hinalikan niya ako sa noo. "Goodnight!" Paalam niya.

Sinarado ko agad yung pintuan, napaupo ako at napahawak sa dibdib ko. Ang bilis! Bakit ang abnormal ng tibok na puso ko?

Destined to ReuniteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon