Chapter 11

1.8K 31 1
                                    

CAITLYN'S POV

Binatukan ko siya bigla, napadaing siya. "Joshua, can you shut up? Naiinis nanaman ako sayo ha! Pwede ba tigilan mo ko just this once?" Inis kong tanong saka siya iniwan doon mag-isa.

"Teka lang, Heidianne!"

Nang makalapit ako kila Benjamin, tumingin siya sa likod ko. "Bakit hindi mo sinabayan si Kuya?" Tanong niya.

Napairap ako at umupo sa tabi ni Joseph. "Kung ano-ano kasi sinasabi ng kuya mo, naiinis nanaman ako!" Sagot ko.

Napatawa naman siya at inabutan ako ng paper plate. "Love language niya talaga 'yan. Kumuha ka na ng pagkain mo. Sana hindi ka pa busog sa kinain natin kanina." Sabi niya.

Tinignan ko si Benjamin. "Ben, are you serious? We ate so much earlier! How can you say that to me?" Reklamo ko.

Napakamot siya sa kanyang batok habang nilalagyan niya ng pagkain yung plato niya. "Okay lang 'yan, are you on a diet ba? You have to eat so much foods, mukha kang malnourish sa paningin ko." Sabi niya.

Napaawang ang bibig ko at napatingin ako kay Joseph na biglang nasamid sa kinakain rin niya. "What the actual fxck, Ben? Was I just perceived as someone who is malnourished?" Galit kong tanong.

"Tama naman sinabi ni Ben, kailangan mong kumain ng marami. Hindi ka mataba sa paningin ko." Singit ni Joshua.

I smiled. "As far as i know, Joshua. I'm not talking to you." Sabi ko.

"I got you, Ate Heidianne. Sakto lang body mo, it's everyone's dream body actually." Bulong ni Joseph sakin.

Tinuro ko si Joseph at tinignan yung dalawang ulupong. "See? He's the living proof from saying na hindi ako malnourish! Damn you guys." Sabi ko.

They both raised their hands, na parang they're surrendering on something. "Sige, let's stop this nonsense. Let's say you're right!" Sabi ni Benjamin.

"Btw, guys. May balak ba kayong sumakay ng Ferris Wheel?" Tanong ni Joseph saamin.

Tinignan ko silang tatlo. "Kung gusto sumakay ni Heidianne, sasakay rin ako." Sagot ni Joshua.

Umiling naman si Benjamin habang kumakain. "Baka hindi muna ko sumakay, i'm too distracted sa mga kinakain natin." Sagot niya.

Tumango si Joseph at tumingin sakin. "I agree. Kayong dalawa lang ni Kuya Joshua sasakay, okay lang ba sayo?" Tanong niya sakin.

Napaisip ako bigla. Napatawa naman si Joshua. "Parang hindi tayo magkakilala ng ilang taon ah. C'mon, you're hurting my feelings." Sabi niya.

Ngumiti ako at tumango. "Go lang! As long as mae-enjoy tayong lahat. That's all that matters! Pero hindi ba ikaw sasama, Joseph?" Sabi ko.

Umiling siya. "Nagbago isip ko, gusto ko na sumakay sa roller coaster. Gusto ko ng mas exciting na ride!" Sagot niya.

Nakita kong tumayo si Joshua. "Okay! Halina kayo, sabay na tayong pumunta para makabili na ako ng ticket natin." Sabi niya.

Tumango ako at tumayo. "Ben, ikaw na bahala dito ah! 'Wag kang matutulog, okay?" Paalala ko.

Nag-thumbs up naman siya habang kinakain niya yung pagkain. Hinila na ako ni Joshua. "Beh, kaya kong maglakad. Bitawan mo nga ako, hindi pa nawawala inis ko sayo." Sabi ko sa kanya.

Narinig ko namang tumawa si Joseph, sinamaan ko siya ng tingin. "Ano ba kasi sinabi niya sayo? Nac-curious tuloy ako." Tanong niya.

Umiling ako. "Don't ask about it, Joseph."

___

Lumapit saamin si Joshua na may dalang ticket, binigay niya ito saamin. "Ito na yung ticket natin. Joseph, kung tapos ka na sa roller coaster bumalik ka kaagad kay Benjamin ha? Sabihan mo siya na 'wag kakalimutan yung Fireworks Display dito." Paalala niya.

Nag-salute naman si Joseph sa kanya at tumango. "Yes, Kuyaa! See you later." Paalam niya at patakbong umalis.

Napatingin ako kay Joshua habang naglalakad kami palapit sa pila ng Ferris Wheel. "You didn't tell me about the Fireworks Display. Anong oras siya gaganapin?" Tanong ko.

Pinitik niya bigla yung noo ko, napadaing naman ako. "Hindi ka pa ba nakakapunta ng mga Amusement Parks before? Every 7pm may Fireworks Display dito." Sagot niya.

Napasimangot ako. "Hindi ako relate kasi hindi naman ako outgoing person." Reklamo ko.

Inalalayan niya ako pumasok sa loob ng Ferris Wheel. "Bakit hindi ka outgoing person? Do you simply enjoy being inside the house, or are your parents strict?" Tanong niya.

Umupo ako at umiling sa tanong niya. "You know my parents naman, Joshua. They're not that strict, mas nae-enjoy ko lang sa loob ng house. Usually, kinakausap ko lang mga kuya ko about their studies or something." Sagot ko.

Nanlaki mata niya. "Brothers? Like biological?" Gulat niyang tanong.

Tumango ako. "Hindi mo kasi alam kasi they were born and raised sa ibang bansa. Pero don't worry, they speak our language very clearly." Sagot ko.

"What if ampon ka? Bakit hindi ka doon pinalaki?"

Napabuga ako ng hangin. "Was that a big deal? Maayos naman ako pinalaki ah, don't you think?"

Umiling siya at tumingin sakin. "You're not even normal."

Sinamaan ko siya ng tingin at hinampas. "Alam mo, kanina pa talaga kita gusto hampasin. Ang gigil ko sayo ay abot langit!" Sigaw ko.

"Don't move! Nagalaw yung sinasakyan natin, baka mahulog tayo!" Sigaw niya.

Napangisi ako at inalog lalo yung sinasakyan namin. Napahawak siya bigla sa railings at tumingin sakin. "Heidianne!"

"Heidianne, please stop!"

Tumigil naman ako at umupo sa tabi niya. "Ano? Kaya mo pa ba?" Tanong ko.

"Alam mo, kanina pa kita sana nahalik. Pasalamat ka natakot ako sa ginawa mo kanina." Sagot niya.

Napatahimik ako, bumukas na yung pinto sa Ferris Wheel kaya kaagad akong lumabas at pinaypayan ang aking sarili. "Ayan ka nanaman sa kahibangan mo. Akala mo palagi kang nakakatuwa!" Inis kong sabi.

Hinanap ng paningin ko si Joseph. "Joseph!"

Humarap naman siya saakin, kasama na niya si Benjamin. Nang makalapit sila saamin, tinignan nilang dalawa si Joshua. "Namumutla ka ba, Kuya?" Tanong ni Benjamin.

Umiling siya. "No, nahihilo lang ako."

Tinignan naman nila ako both. "Inalog mo yung sinasakyan niyo no?" Tanong ni Joseph.

Dahan-dahan akong tumango at napangisi sa kanilang dalawa. "Nice one!" Sigaw nila pareho at nakipag-high five saakin.

Napatawa ako bigla at tumingin kay Joshua. "Ano? Sabihin mo kung uuwi na tayo, pwede natin iwan yung Fireworks display."

Umiling siya at tinignan ako. "No. We'll stay here. Ang haba ng oras na hinintay natin ngayon pa ba tayo aalis." Sabi niya.

Destined to ReuniteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon