CAITLYN'S POV
Napatalukbong ako ng kumot nang maramdaman kong may tumapik saakin. "Sweetheart, can you get up? Baka mahuli tayo sa flight natin." Rinig kong sabi ni mommy.
Dahan-dahan akong bumangon at kinusot ang aking mata. "Mom, the sun's not even out. Sobrang aga natin umalis." Namamaos kong sabi.
Hinaplos niya ang buhok ko at tinignan. "It's still better to come early than late, okay? now, get up and get yourself ready." Sabi niya saka tumayo.
I got out of the bed and yawned. Naninibago ako na bumabangon ako na wala pang araw. Nang matapos ako maligo at magbihis, i took out all of my things out of the cabinet. This will be my last time sleeping in this bedroom, napangiti ako at bumaba na patungong living room.
"oh. nilabas mo na lahat ng gamit mo? Looks like you're ready ha." Sabi ni Tita.
Tumigil sa tabi ko si Joshua at nag-stretch. "What if you stay here for few more days? I'm not ready for this." Malungkot niyang sabi.
Napangiwi ako. "May attachment issue ka no? That's absurd!" Sabi ko.
"That's the reason nga why we're going to have a vacation, to spend our bonding together. We have to make it more meaningful for us this time." Sabi ni Tita, their mom.
"Should i tell manang to cook some breakfast for us?" Tanong ni Benjamin.
Umiling naman ako at humikab bago sumagot. "It's better not to wake them up para lang paglutuin ng pagkain natin, let them rest for a while naman." Sagot ko.
Mom caressed my hair and slightly pinched my chin. "You're so sweet, my sweetheart. I've raised you so well!" Proud niyang sabi.
"Okay, then! Sa labas na lang tayo kakain, you can just tell me when you get hungry okay? Masamang magpalipas ng gutom." Sabi ni Tito, their dad.
___
Nang makarating kami sa boracay, kinuha agad ni Joshua yung mga gamit ko at tinulungan akong dalhin sa kwarto namin. Pabagsak akong humiga sa kama at tinignan siya. "Salamat!" Sabi ko.
Umupo naman siya sa tabi ko at may nilabas sa bulsa niya, napatingin ako sa chocolate na hawak niya. "Oh, ito. Kainin mo 'yan, tulog ka kasi kanina ih." Sabi niya.
Napangiti ako at tinignan siya. "Ikaw ha! Hindi naman heart's day para mamigay ka ng chocolates. Ang landi mo, hindi naman malakas sex appeal mo." Sabi ko.
Sinamaan naman niya ako ng tingin. "Binigyan na nga ng chocolates, nakuha pang manlait. Bawiin ko 'yan!" Inis niyang sabi.
"Ay hindi, i was just joking! Hindi ka naman mabiro." I joked.
I heard someone knocked, it was mom. "Hello, my sweethearts. Nandito lang pala kayong dalawa, kanina pa namin kayo hinahanap." Sabi niya.
Tumayo naman si Joshua at hinarap si mommy. "I'm sorry po, Tita. Heidianne and i were just talking lang po about random stuffs, i hope you don't mind." Sabi niya.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni mommy. "It's okay, hijo. Pumunta lang naman ako to ask you both kung gusto niyo ba mag-swimming?" Tanong niya.
Umiling ako. "I'm not going, mom. Medyo nagc-cramps ako, i think my period is coming anytime." Sabi ko.
Lumingon naman si Joshua sa pwesto ko, bago tumingin kay mommy ulit. "Me too, also. I'll just take good care of Heidianne and give you updates po. Would that be okay?" Tanong niya.
Gulat naman akong napatingin sa kanya, nahihibang na ata itong tao na 'to. Hindi ko naman siya tinanong kung gusto niya mag-stay dito, siya talaga nag-volunteer na bantayan ako. "Hoy. Ano nanaman ba pumasok sa maliit mong utak, bakit ganyan ang mga sagot mo?" Inis kong tanong.
"It's okay, hijo! There's no problem with that. Take care, both of you!" Paalam ni mommy bago isara yung pintuan.
Umupo bigla si Joshua sa sofa at nag-cellphone. "Sagutin mo kaya tanong ko." Nayayamot kong sabi.
Tumingin siya saakin at napakunot ang noo. "Anong tanong?"
Napabuntong hininga ako. "Bakit nagbago isip mo na di sumama sa Island Hoping?" Tanong ko ulit.
"Because you're having period cramps?"
Napairap ako. "Wow, ginawa pa akong excuse ng depungal. How does this concern you tho?"
Umiling siya. "I really don't know. Tell me if you need something, just don't ask me to buy you some pads. I hate doing that." Sabi niya.
Napatayo ako sa hinihigaan ko, sumilip ako sa bintana. "You still have time to change your mind, Joshua. Pasakay pa lang sila ng yacht." Sabi ko.
"Hindi magbabago isip ko."
Napadaing ako at napahawak sa puson ko. I waved my hand to Joshua, giving him signal na kailangan niyang lumabas ng kwarto. "Get out. Hell's about to start." Nanghihinang sabi ko.
___
JOSHUA'S POV
Lumabas ako saglit to buy some heating pad and extra pad para mabawasan yung sakit ng puson niya. Kumatok ako sa pintuan ng kwarto niya. "Heidianne, can i come in? I bought something for you." Sabi ko.
Kinabahan ako bigla nang marinig kong dumadaing siya sa sakit. Binuksan ko yung pinto at hinanap siya, i found her lying on the floor crying in pain.
Nilapitan ko agad siya at inalalayan tumayo. "Does it hurt that bad?" Tanong ko.
Tumango siya habang nakatingin sakain yung mga mata niyang namamasa dahil kakaiyak. "It's hurts like a fvcking hell." Naiiyak niyang sagot.
Binuhat ko siya at nilagay sa kama. "I bought you a heating pad, they told me na nakakatulong ito para mabawasan yung sakit diyan." Sabi ko at binigay yung heating pad sa kanya.
Tinanggap naman niya ito at nilagay sa puson niya. "Do you want some food? Like hot food? I can cook you something." Tanong ko pa.
"I want some porridge, i think that'll make me better." Sagot niya.
Tumango ako at tumayo. "Okay! I'll add some hot choco and chocolates for you, you might be craving for it." Sabi ko.
"Thank you, Joshua." She mouthed.
Nginitian ko siya bago ako lumabas ng kwarto niya para paglutuan siya ng porridge. I texted in our group chat including her parents, saying that she's really not feeling well but she's okay now.

BINABASA MO ANG
Destined to Reunite
Novela JuvenilPaano kung ang taong matagal mo nang tinatakbuhano matagal ng binaon sa limot ay ang parehong taong hindi mo kayang layuan? Caitlyn and Joshua were best friends who shared everything-dreams and laughter. Pero hindi lahat ng pagkakaibigan ay nananati...