Chapter 7

2.2K 41 1
                                    

JOSHUA'S POV

Tinignan ako ni Caitlyn. "Who's that person?" Tanong niya sakin. 

Lumapit ako, umupo sa harapan niya. "Friend namin siya before, Heidianne." Sagot ko. 

Napaawang bibig niya. "Before? That means you're not friends with him anymore. Atsaka, why is that bastard acting like he knows me already?" Tanong niya pa. 

Hindi kami kaagad nakasagot sa tanong niya, pinasadahan ko ng tingin sina Benjamin. Hindi ko kasi alam kung pwede ba sabihin. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Caitlyn. "You know what, just tell me already. Hindi ko kayo matitigilan kung hindi niyo pa sasabihin sakin ngayon 'yan." Sabi ni Caitlyn. 

"He's a creep, Ate Heidi." Sabi ni Joseph. 

"He already knows you ever since. Madalas kasi namin ikaw nak-kwento sa kanya. Tinigilan namin makipag-communicate sa kanya dahil nalaman namin na he's been collecting some pictures of random women he likes." Sagot ni Benjamin. 

"Ngayon, we're worried na baka masama ka sa target nung lalaking 'yon. Kaya nga iniiwasan namin na magkita kayong dalawa." Sabi ko. 

Pero grabe, hindi ko talaga alam kung paano niya nalaman na nandito kami. Nakakainit talaga ng dugo yung lalaking 'yon. 

Nanlaki naman ang mata niya. "You didn't report him to the police?"

"Nakasuhan na siya dati, nakalaya lang dahil sa pera." Sagot ko. 

Napangiwi naman siya, saka sumubo sa kinakain niyang ice cream. "Ang dami talagang alipin ng pera." Sabi niya. 

"May na-encounter ka ba na may nagbibigay ng gift sayo before pero unknown person lang nakalagay?" Tanong ni Joseph. 

Napaisip bigla si Caitlyn, ilang sandali ay tumango siya. "Oo, it happens every year. Every Heart's Day and Birthday ko, laging akong may natatanggap na regalo galing sa unknown person. Pero may kasamang card letter 'yon. And as far as i know, letter T lang lagi niyang nilalagay." Sagot niya. 

Nanlaki ang mata ko, hinarap ko si Caitlyn sakin. "Tapos tinatanggap mo lang? What if may hidden camera doon?" Inis kong tanong. 

She raised her hand. "Chill. I never said na kineep ko yung mga regalong bigay niya every year. Tinatanggap ko lang pero tinatapon ko rin kaagad." Sagot niya. 

"I think, si Tristan yung nagbibigay sayo ng gifts every year. Gaano na katagal nangyayari sayo 'yan?" Tanong ni Benjamin. 

"3 years? I think. Pero wait, yung minemention niyong Tristan. Siya ba yung intruder kanina?" Tanong niya.

Napatampal na lang ako sa aking noo at tinignan yung dalawa. "Fxcking shit. He must be out of his mind!" Gulat na sabi ni Caitlyn. 

"Do you think he's a bit kind of obsessive?" Tanong ni Benjamin. 

Tinignan ko siya. "Yes, more likely. In most cases, if you're stalking someone you're interested in that's addiction which can also lead to obsession." Sagot ko. 

That would be quite dangerous if nasa stage na ng obsession si Tristan. Hindi ko talaga kayang i-tolerate yung kinukuhanan niya ng mga litrato yung ibang babae. Dapat ina-admit yung ganitong pagi-isip sa mental. 

"Kaya ikaw, Ate Heidi. You can't go out alone, okay? If you want to go somewhere, let us know. It seems like, ikaw ang next target ni Tristan." Sabi ni Joseph. 

Nag-thumbs up naman siya at tumango. "Noted, mga lodi. Should i tell this to my parents?" Tanong niya.

Umiling ako. "Much better kung 'wag na, kung kaya naman natin i-handle yung problem right? As long as you're okay." Sabi ko. 

Tumango naman siya. "Ah, sige. Hihintayin pala muna natin na mabalian ako ng buto bago ko sabihin sa mga magulang ko." She joked. 

"Are you still hungry pa ba? Ice cream at fruits lang kinain natin, may gusto ka pa bang kainin?" Tanong ko. 

Nagtaas naman ng kamay si Joseph, napasimangot siya. "Pwede ako naman magbigay ng suggestion dito? Kapatid niyo rin naman ako ah, bakit nakakaranas ako ng unfair treatment dito?" Sabi niya. 

Napatawa naman ako. "Kayang-kaya mo na sarili mo, bakit sa lahat ng araw ngayon mo pa napiling maglabas ng sama ng loob?" Tanong ko.

"Wala lang, feeling ko kasi nal-left out na ako. Mahal niyo pa rin ba ko bilang kapatid niyo?" He joked. 

Binato naman siya ng unan ni Benjamin. "Kung makapag-drama ka naman akala mo pinabayaan ka namin. Pinapakain ka naman ng tatlong beses sa isang araw!" Sigaw ni Benjamin.

Nagsimula nang magbangayan yung dalawa, tinignan ko naman si Caitlyn na natutuwang nanonood sa kanila. "Heidianne, anong gusto mong kainin?" Tanong ko. 

Hindi niya pa rin ako masagot, masyado siyang abala na panoorin yung dalawang naga-away. Napangiti ako habang masaya siyang nanonood, ang ganda mo naman pala ngumiti. Bakit kapag kinakausap mo ko, hindi ka ganyan?

Kinalabit ko siya, tinignan naman niya ko. "Hindi mo ata ako narinig kanina." Sabi ko.

Kumunot naman noo niya. "Bakit? May tinatanong ka ba? Hindi ko kasi napansin ih."

Pinitik ko noo niya, napadaing siya. "Nagtatanong ako kung ano gusto mong kainin, kasi magpapadeliver na sana ako." Sagot ko.

Napaisip siya, sasagot na sana niya tanong ko nang may pumasok sa kwarto. Tumayo ako at bumati kay doc. "Good afternoon, i'm here to observe this patient."

"Later ko na lang sabihin." She mouthed.

Nag-okay sign naman ako at lumabas kami saglit ng kwarto para maobserbahan nila ng maayos si Caitlyn.

___

Nang matapos siyang obserbahan, tumayo ako at nilapitan siya. "Nakaisip ka na ng kakainin habang ino-observe ka ng mga doctor?" Tanong ko.

Tumango siya. "I already know what food i want to eat." Sagot niya.

Napangiti ako at tinignan siya ng diretso sa mata. "Talaga? Tell me." Sabi ko.

Lumapit naman siya at bumulong sa tainga ko. "Can you please order chicken wings with fries? I really want it so badly." Bulong niya.

"How about rice? Do you want it?"

Umiling siya. "I just want chicken wings and fries only. Pero if you guys want to add some rice, there's no problem with that." Sabi niya.

"Ayos ng choice nito ah! Chicken wings at fries pero naka-admit pa sa hospital." Sabi ni Benjamin.

"Bakit? May rules ba dito na bawal kumain ng chicken wings at fries sa hospital? You should be thankful na kasama ka sa pagbibilhan!" Sigaw ni Caitlyn.

"Joke lang! Ito naman hindi ka mabiro sa lahat ng bagay!" Sabi ni Benjamin.

Destined to ReuniteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon