Chapter 13

1.7K 31 3
                                    

JOSHUA'S POV

Nag-unat ako nang matapos ako sa nilalaro ko. "Ang boring naman ng hapon na 'to!" Sigaw ko.

Hinanap agad ng paningin ko si Heidianne, tumayo ako at lumabas ng kwarto para hanapin siya.

All i knew this morning when i woke~

Is i know something now , know something now i didn't before~

And all i've seen since eighteen hours ago , is green eyes and freckles and your smile in the back of my mind making me feel like~

Napatigil ako sa paglalakad nang may marinig akong boses, napatingin ako sa likod. Nanggagaling yung boses sa music room, pumunta ako doon at sumilip sa pintuan.

Nanlaki mata ko nang makita kong si Heidianne kumakanta. May tinatago pa lang talent 'tong babaeng 'to! Bakit hindi manlang nagsasabi samin 'yan?

Dahan-dahan akong pumasok sa loob para mapakinggan ko ng malinaw yung boses niya habang kumakanta. Kinuha ko yung phone tsaka ko sinimulan i-record siya.

Habang kinukuhanan ko siya ng video, hindi ko na namamalayan na napapangiti ako habang pinapakinggan ko siyang kumanta. Napailing ako dahil bakit nagiging ganito ako sa hindi ko malaman na dahilan.

Nang matapos siyang kumanta ay tinago ko ang phone ko bago lumapit sa kanya. Gulat siyang napatingin saakin, nginitian ko siya. "Narinig mo?" Gulat niyang tanong.

Tumango ako at kinuha yung gitara sa kanya. "May tinatago ka pa lang talent saamin, bakit hindi mo sinabi saamin?" Biro ko.

Umayos siya ng upo at tinignan ako. "Hobby ko lang naman, hindi ko naman gusto." Sabi niya.

Napangiti ako lalo nang makita ko siyang namumula. "You're blushing, Heidianne." Natatawang sabi ko.

Hinawakan niya yung pisngi niya at umiling. "Baliw, mainit kasi dito sa loob." Pagsisinungaling niya.

Napailing na lang ako at umupo sa tabi niya. "Sabayan mo ko kumanta. Alam mo ba yung More than Words na kanta?" Tanong ko.

Tumango siya at kumuha pa ng isang gitara. Umupo siya sa tabi ko at nagsimula ng mag-strum ng gitara.

___

Naalipungatan ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko, napatingin ako sa orasan. Maaga pa lang kaya bumangon agad ako at naghanda.

Buong gabi, nag-usap lang kami ni Joshua about sa mga bagay-bagay. Napatingin ako sa pintuan dahil biglang may kumatok, sumilip si Joshua at nginitian ako nang makita niyang gising na ako.

Tuluyan na niyang binuksan yung pinto, nagulat ako na sunod pumasok yung dalawa na may dalang pagkain.

Nilapag nila ito sa harap ko at binati. "Goodmorning!" Bati nila.

Kinusot ko ang mata ko bago sila batiin. "Morning bros!" Bati ko.

"Kumain ka na, aalis pa tayo." Sabi ni Joshua.

Napatingin ako bigla sa kanya, nanlalaki ang mata. "Where are we going?" Tanong ko.

Inayos niya yung buhok na nakaharang sa mata ko bago siya sumagot. "Sa mall, tayo naman bibili ng gagamitin natin sa school." Sagot niya.

Nagtaka ako bigla. "How about them?" Pagtutukoy ko sa dalawa.

"Don't worry about us, Heidi. Maiiwan muna kami ni Joseph dito sa bahay." Sagot ni Benjamin.

"Btw, we're going downstairs. Dinala lang namin yung breakfast mo dito." Sabi ni Joseph.

Napaawang bibig ko. "Bakit niyo ginawa 'to? Sana ginising niyo na lang ako." Sabi ko.

Umiling naman si Benjamin. "It's okay, Heidi! Gusto talaga namin na dalhan ka ng breakfast. Enjoy!" Paalam niya at hinila palabas si Joseph.

"Sunod ako sa inyo mamaya!" Sigaw ni Joshua at tumingin saakin habang nakain ako.

Tinignan ko siya pabalik, nilunok ko muna yung kinakain ko bago ako nagsalita. "Baka matunaw ako sa tingin mo, Joss." Sabi ko.

Ngumisi siya. "Bakit? Kinikilig ka?" Panga-asar niya.

Napabuga ako ng hangin at binato yung unan sa kanya. "Lumayas ka na sa harap ko, please lang." Sabi ko.

Imbes na umalis siya sa harap ko, lumapit pa talaga siya. "I'll be honest with you, hindi ko talaga maalis tingin ko sayo ngayon. Ang sarap mong titigan kahit kumakain ka lang." Sabi niya.

Napatigil ako bigla sa pagkain ko at tinignan siya. "Nahihibang ka na ba? Nagugutom ka lang." Sabi ko.

Umiling siya. "Ang ganda mo palagi." Sabi niya.

Nabilaukan ako bigla. "Joshua?! You're acting weirdly today, can you stop that?" Inis kong sabi.

Tumawa naman siya bigla at kinurot pisngi ko. "Ito naman, hindi ka madaan sa biro. Ang cute mo magalit." Sabi niya.

Pinakita ko sa kanya yung nakataas na middle finger ko at inirapan siya. Bwisit siya! Kung ano-ano na lang lumalabas sa bibig nito, halatang ang daming babae ng nabilog nito.

Tumayo siya at tinignan ako. "Okay fine. I'm sorry, okay? Nagbibiro lang talaga ako. Bilisan mo ng kumain para makaalis na tayo." Sabi niya.

I pouted. "If you do it again, di lang middle finger makukuha mo. Idadagdag ko pa yung sapak nang matauhan kang hayop ka." Inis kong sabi.

Nang matapos akong kumain ay inayos ko muna yung kama bago ako naligo. Nagbihis agad ako at hinanap ng paningin ko si Joshua.

Nakita ko naman si Joseph na nakaupo sa sofa, lumapit ako sa kanya. "Where's your kuya?" Tanong ko kay Joseph.

Pinasadahan niya ako ng tingin at nagkibit balikat. "Nakita ko silang magkasama ni Kuya Ben pero hindi ko alam kung saan." Sagot niya.

Umupo ako sa tabi niya. "Your kuya is acting weirdly earlier. He told me na ang ganda ko palagi while eating my breakfast." Sabi ko.

Humarap siya saakin at tinignan ako. "What's wrong with that?" Tanong niya.

Napairap ako. "He never gave me a compliment and never did this." Sagot ka.

"Maybe you're overreacting, Ate Heidi. Besides, Kuya Joshua is telling the truth. You're very pretty,  na-appreciate ka niya dahil sa beauty mo." Sabi niya.

Napatango ako bigla sa sinabi, i think that was it. No other than that. Maybe, that was the reason why he said those words. "Well, i think you're right. Thank you, Joseph." Sabi ko.

"No problem."

"Since you're skilled at giving advice, people can trust you. That means, i trust you also." Puri ko.

Napatawa naman siya bigla sa sinabi ko. "I'll take that as a compliment." Sabi niya.

Destined to ReuniteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon