Chapter 14

1.6K 29 9
                                    

JOSHUA'S POV

"Heidianne, are you done?" Tanong ko.

Tumayo naman siya at tinignan si Joseph. "Actually, I'm done. We're simply having a different conversation." Sagot niya habang naglalakad palapit sakin.

Napakunot noo ko. "What did you guys talk about?" Tanong ko.

Pumasok siya sa loob ng kotse at tinignan ako. "Mas mabuti pa kung 'wag mo ng aalamin." Sagot niya.

Napailing na lang ako at nagdrive papunta sa mall. Nang makarating kami sa mall, dumeretso agad kami bumili ng mga gamit sa school.

Nang matapos ay tumigil ako sa harap niya. "Saan mo gusto kumain?" Tanong niya.

She shrugged her shoulders while pressing her lips. "I actually don't know where to eat. Do you have any ideas ba?" Tanong niya pabalik.

Napaisip ako. "Yellow cab?"

Nag-thumbs siya bigla at ngumiti. "Nice choice! Let's go." Anyaya niya.

Habang naglalakad kami maraming matang nakatingin samin at nagbubulungan. Nilingon ko naman si Caitlyn at inakbayan. "Look around. Kanina pa tayo tinitignan, sabi nila para tayong—"

Hinawi niya yung kamay kong nakaakbay sa kanya at tumingin saakin. "Paanong hindi mapapaisip yung tao kung ganyan ginagawa mo? Kotongan kita diyan ih." Sabi niya.

"Anong masama sa ginagawa ko? I'm comfortable when you're with me that's why i'm acting like this." Sabi ko.

Tinaasan niya ako ng kilay. "We're close friends, Joshua. We're grown ups, do you think it's still appropriate for us to be touchy? They might get the wrong idea." Sabi niya.

"E bakit mas problem mo pa iniisip ng iba kaysa sa relationship natin—"

"Sige nga, let me ask you something. Ano ba talaga tayo, Joshua?" Tanong niya.

Napaisip ako bigla sa tanong niya, hindi ko siya masagot. Ano nga ba talaga kami? Narinig ko ang pagbuntong hininga niya bago tumingin sakin.

"Why can't you answer that question, Joshua? Kasi we're just childhood close friends. It's really simple."Sabi niya saka umalis.

Para akong nanigas sa kinatatayuan ko, nakaramdam ako ng kirot sa puso ko nang marinig kong sinabi niya saakin 'yon. Bakit ako nasasaktan? Hindi naman ganito dati.

Hinila ko siya pabalik at hinarap sakin. "Okay, i don't know why you're acting like this but i'm sorry." Sabi ko.

___

Habang nagmamaneho ako, tinignan ko si Caitlyn na natutulog sa tabi ko. Na-resolve din naman yung issue naming dalawa, gusto pa nga may peace offering na Frozen Yogurt, hindi nga ako pumayag.

Wala siya idea na dadalhin ko siya sa Tagaytay, pinark ko yung sasakyan sa tabi at tinapik si Caitlyn. "Heidianne, gising na. Nandito na tayo." Sabi ko.

Naalipungatan naman siya at dinilat ang mga mata niya. "Bahay na ba tayo? Bakit parang nasa ibang lugar tayo?" Namamaos niyang tanong.

Napatawa naman ako at tinanggal seatbelt niya. "Wala tayo sa bahay, sino ba may sabing uuwi na tayo agad?" Tanong ko.

Nanlaki naman ang mata niya at tumingin siya sa paligid. "Nasaan tayo, Josh?" Gulat niyang tanong.

Tinanggal ko rin ang seatbelt ko at tinignan siya. "Tagaytay." Tipid kong sagot.

Sinamaan niya ako ng tingin. "Josh, ano nanaman ba naisip mo at pumunta tayo ng Tagaytay?" Inis niyang tanong habang lumalabas ng sasakyan.

Nagkibit balikat ako at ngumiti. "Gala lang, ayaw ko pa kasi umuwi." Sagot ko.

She wrapped her arms around her chest and looked at me. "Then, tell me. Ano gusto mong gawin natin dito? Alangang magtitigan tayo dito." Tanong niya.

Ngumisi ako at nilapit ang mukha ko sa kanya. "I'm up for staring contest. Pwede naman na ganon na lang gawin natin hanggang sa maubos yung oras. Why not diba?" Sabi ko.

Inirapan niya ako. "Can you just answer me properly? Minsan nakakaubos ng pasensya ugali mo. Sana aware ka!" Inis niyang sabi.

"Okay, what if we wait for sunset? Gusto ko rin sana mag-stargazing with you." Sagot ko.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Josh. What if gawin mo alone 'yan? I'm too sleepy to do this with you!" Pagmamaktol niya.

Ngumisi ako. "Heidianne, wala ka ng choice kasi nandito na tayo. It's either sasama ka sakin or matutulog ka mag-isa sa kotse." Sabi ko.

Ginulo niya bigla yung buhok niya sa sobrang inis. "Okay, fine. Let's buy some snacks, mags-stress eating ako."

"Saan ka nas-stress?"

Tinuro niya yung daliri niya sakin. "Sayo, Josh! Ang hirap makipag-catch up sa mga trip mo." Sagot niya.

Nang makabili kami ng snacks, nilapag ko yung blanket na dinala ko. Umupo si Heidianne, nilalapag yung mga pagkaing dala namin.

Tinignan ko siya. "Kung hirap ka sabayan trip ko, hindi ka talaga outgoing person." Sabi ko.

Sinamaan niya ako ng tingin. "I told you before, i'm really not outgoing person."

Umupo ako sa tabi niya. "Edi sasanayin kita lumabas-labas ng bahay, but in a good way."

Napangiwi siya. "Bahala ka sa buhay mo, Josh." Sabi niya at humiga.

Napatingin naman ako sa mga batang naglalaro malapit saamin, napangiti na lang ako at humiga rin kagaya ni Caitlyn. "Do you see those kids playing? Naalala ko sila saatin." Sabi ko.

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya. "You know what's shocking? Parehas tayo ng iniisip." Sabi niya.

Inabutan ko siya ng pagkain at tinignan siya. "If bibigyan man ako ng chance bumalik sa past, i'll choose to be a kid. Do you know why? Ine-enjoy lang nila yung buhay, they have a sense of liberation from life's challenges."

"But you just dislike having responsibilities, so you wish you were a child again. Nap-pressure ka because you're the eldest in your family." 

Napatingin ako sa kanya. "How'd you know?" Gulat kong tanong. 

Nagkibit balikat siya at kinagatan yung pagkain na binigay ko sa kanya. "Usually, ganoon naman talaga nangyayari, even in telenovelas. Actually, hindi lang naman panganay ang nahihirapan. We're all under pressure since we're getting closer to the adult period and would have to deal with a lot of obligations."

Napatango naman ako, may point yung sinabi niya. Gumaan kahit papaano yung bigat na naramdaman ko sa dibdib. Para bang hinihintay ko yung advice na 'yon sa buong buhay ko, tinapik ko naman siya sa balikat. "I'm grateful. It improved my state of mind." Sabi ko.

Napangiti naman siya at nag-thumbs up. "You're always welcome!" Masayang sabi niya.

Destined to ReuniteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon