Chapter 9

1.9K 32 1
                                        

CAITLYN'S POV

Naalipungatan ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Nag-unat na ako at bumangon ako para dumeretso sa banyo upang maligo. Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako ng hagdan para kumain ng agahan. 

Nang makita ko yung tatlo, binati ko agad sila. "Morning. Okay ka na ba?" Tanong ni Joshua sakin. 

Umiling ako at umupo sa tabi nila. "I still can't get over it." Sagot ko.

Napaisip ako. "Can you tell me some details about your frenemy?" Tanong ko. 

Kumunot naman noo ni Benjamin. "Tristan?"

Tumango ako. "We already told you his intention right? Alin pa ba gusto mong malaman?" Tanong ni Joseph.

"Hindi kasi convincing yung reason niya para gawin niya lahat ng 'to, there must be another reason why he's doing this shit. Who would believe na ginagawa niya ang gulong 'to dahil interesado siya sa lahat ng babaeng nakikita niya? Nakita niyo ba na ganito rin yung ginagawa niya sa ng mga past victims niya? You guys even told me na kinekeep niya lang yung mga pictures ng mga random women na nam-meet niya." 

"And as far as i know, wala kayong namention na umaabot siya sa ganto." Dugtong ko pa.

Napatingin ako nang biglang may gumulo sa buhok ko, hinawi ko naman yung kamay na 'yon. "Let's talk about that later, okay? Kumain muna tayo ng agahan, pagkatapos ay pagu-usapan natin 'yan dito." Sabi ni Joshua.

"Can we not talk about that? Gusto ko magpakasaya! Ang mahalaga safe tayong lahat, okay?" Reklamo ni Benjamin. 

Tinuro naman ni Joshua si Ben at tinignan ako. "May point siya. What if lumabas tayo? Okay lang ba sa inyo?" Tanong ni Joshua. 

Tumango naman si Joseph. "Yes, Kuya Joss! Saktong-sakto dahil may bagong labas ng comics sa mall." Sagot niya. 

Napasimangot naman ako. "It keeps bothering m-"

He cut me off. "Sinabi ko na sayo kagabi na 'wag mo ng masyadong isipin 'yon, diba? Nagreport na ako sa police kaninang umaga." Sabi niya. 

Napatingin ako sa kanya. "You did?" 

Tumango siya. "Ano? Panatag ka na ba?"

Nag-thumbs up naman ako at tumayo. "Let's get ready, mga bros!" Masayang sabi ko. 

"Heidianne.." 

Nilingon ko si Joshua, seryoso siyang nakatingin sakin. "Mag-ingat ka lang palagi, okay? Kung gusto mong lumabas, mag-ask ka lang saming tatlo. Ayaw namin na nalalagay ka sa peligro." Paalala niya. 

Tumango ako at ngumiti. "Thank you, Joss."

___

JOSHUA'S POV

Habang nasa loob kami ng kotse papunta sa mall, nilingon si Heidianne nang mapansin kong hindi siya umiimik. Napangiwi ako nang makita ko siyang nakasandal sa bintana, natutulog. Siniko naman si Joseph na nasa tabi ko rin, tinuro ko si Heidianne. 

Napangiti naman si Joseph at kinuha yung phone niya para kuhanan ng litrato si Heidianne. "Gandahan mo ah." Bulong ko. 

Nag-okay sign bigla si Joseph. "Isandal mo na nga sa balikat mo 'yan, ako ang nangangalay sa posisyon niyan." Bulong niya. 

Tinignan ko naman si Heidianne, dahan-dahan kong sinandal ang ulo niya sa balikat ko. Hindi ako makagalaw ng ayos, hindi ko rin alam kung bakit. Pero nararamdaman ko, ang bilis ng tibok ng puso ko. 

Napaiwas ako ng tingin bigla kay Heidianne at nagkalikot na lang sa phone ko. "Ben, malapit na ba tayo?" Tanong ko habang nags-scroll sa phone ko. 

"Oo, Kuya. Pwede maghanap ka ng pwede natin kainan mamaya? Baka mahirapan nanaman tayo sa paghahanap, malipasan tayo ng gutom lahat." Sagot ni Benjamin. 

"Para di kayo mahirapan, ako ang maghahanap. Easy na lang 'yan sakin!" Singit ni Joseph. 

Tinignan ko si Joseph. "Ayusin mo mamili, yung maganda ratings piliin mo ha." Sabi ko. 

Nang makarating kami sa mall, nag-park na kami sa parking lot. Marahan kong tinapik yung pisngi ni Heidianne. "Gising na, nandito na tayo sa mall." Sabi ko. 

Dinilat niya ang kanyang mata at humikab. "Sorry, nakatulog." Namamaos niyang sabi. 

"Okay lang, Heidianne. Lumabas ka na diyan." Sabi ni Benjamin. 

Nang makapasok kami sa mall halos lahat kami sa iba nakatingin, tinignan ko naman si Heidianne. "Heidianne, may gusto ka bang puntahan?" Tanong ko. 

Napaisip siya bigla. "Wala pa. How about you guys?" Tanong niya samin pabalik. 

"Gaya ng sabi ko kanina, sa comics shop ako!" Sagot ni Joseph. 

"Ako naman, walang maisip. Mukhang si Joseph lang ready satin." Biro ni Benjamin. 

Napalingon naman ako nang makita kong inangat ni Heidianne yung phone niya. "He texted me again. You know what, iritang-irita ako sa lalaking 'to! Wala ba siyang magawa sa buhay niya?" Inis niyang sabi. 

 "Block his number. Para hindi ka na niya magulo." Sabi ko. 

"How about we go to the plushie store? Puntahan mo na lang kami Joseph kapag tapos ka na bumili ng gusto mo." Suggestion ni Benjamin. 

Nag-agree ako at tinignan si Heidianne. "Ayun! Plushie store daw, mamili ka ng gusto mo doon. Ako bahala sa expenses natin." Sabi ko. 

"Sige, mga kuya! Kitakits!" Paalam ni Joseph. 

"Ang sarap naman pakinggan non, bilhan mo rin ako ng gusto ko." Rinig kong sabi ni Benjamin. 

Tinignan ko siya. "Ano ba gusto mo?" Tanong ko. 

Ngumiti siya ng malaki. "Laptop." Sagot niya. 

Sinamaan ko siya ng tingin at sinuntok braso niya. "Kakabili lang natin last month, ang lakas mong gumastos!" Sigaw ko. 

Tumawa naman siya ng malakas. "Kakasabi mo nga lang na sagot mo lahat ng expenses ngayon." Sabi niya. 

"Oo! Pero kay Heidianne lang, hindi sa inyong dalawa, kotang-kota na ako sa inyo. Puro kayo gastos, diba Heidian-- what the heck?" Gulat kong sabi nang wala na siya sa tabi namin. 

"Nasaan na si Heidianne?" Tanong ni Benjamin. 

Nanlaki mata ko. "Nakita ba natin siyang umalis? Nasa tabi lang natin siya ah!" Sabi ko. 

"Teka, tawagan ko lang. Baka naman umihi lang, nakalimutan na tayong sabihan." Sabi niya. 

Natanaw ko naman si Joseph na may dalang mga paperbag, nagtataka siyang tumingin samin. "Oh, akala ko ba sa plushie store kayo pupunta? Naabutan ko pa rin kayo dito." Sabi niya. 

"Nagu-usap lang kasi kami ni Ben, pagtingin namin nawala na sa paningin ko si Heidianne. Ben, sumagot na ba siya?" Natatarantang tanong ko. 

Umiling siya. "Cannot be reach daw sabi dito ih." Sagot niya. 

Destined to ReuniteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon