Chapter 12

1.8K 28 0
                                    

CAITLYN'S POV

Kinabukasan, bumaba agad ako ng hagdan at binati silang lahat. Gulat na napatingin saakin si Joseph at tumingin pa sa oras. "Himala, ang aga mong nagising? Napatingin pa ako sa oras." Bati niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ah ganon? So, matutulog na lang ako ulit?" Tanong ko.

Tumawa naman siya at umiling. "Ang aga, mainit nanaman ulo mo." Sagot niya. 

"Pake mo ba!" 

"Wow, sigawan sa umaga? Pwede ba, relax ka lang!" Singit ni Benjamin. 

Umupo ako sa tabi nilang dalawa at napasandal. "Ay, Kuya Ben. May gagawin ka ba ngayong araw?" Rinig kong tanong ni Joseph. 

"Wala naman. May kailangan ka ba?"

"Nakalimutan ko kasing sabihin sa inyo kahapon na bumili na ng gamit for school, kasi malapit na yung pasukan natin." Sagot niya. 

Nakit ako naman tumayo si Benjamin. "Ah, gusto mo ngayon na tayo bumili? Pwede naman! Magbihis ka na kung ganon." Sabi ni Benjamin. 

Tumayo naman si Joseph at patalon pang umalis sa pwesto niya, hindi naman halata na excited siya sa sinabi ni Benjamin sa kanya. Umupo naman sa harap ko si Joshua at binigyan ako ng kape. "Anong agenda nung dalawa?" Tanong niya. 

Uminom muna ako ng kape bago sumagot. "Bibili school supplies for pasukan. Nakalimutan daw sabihin ni Joseph saatin kahapon." Sagot ko. 

"Huy! Bakit nakaupo pa kayong dalawa diyan?" Tanong ni Benjamin. 

Napatingin kami pareho sa kanya, kumunot noo ko. "Anong sinasabi mo diyan?" Tanong rin ni Joshua. 

"Baliw, sasama rin kayong dalawa samin no!"

I raised my hand. "I don't want to go, guys. Kakaalis lang natin kahapon, my feets are killing me." Reklamo ko.

Hinila naman ako patayo ni Joshua. "Walang magbabantay sayo dito. Baka pumunta nanaman yung Tristan dito kapag wala kami sa tabi mo."

"But, i don't want to go!"

Napabuntong hininga naman siya at tumingin kila Joseph. "Joseph, kayo muna mamili ha? Maiwan muna ako kasama si Heidianne." Sabi niya. 

Napatingin naman ako sa kanya. "Joss! Bakit hindi ka sa--"

He cut me off. "Heidianne, 'wag ka na magreklamo. Itikom mo yung bibig mo!" Sabi niya. 

"Okay, may gusto ba kayong ipabili saamin? Anything, guys." Tanong ni Benjamin. 

"Can you guys buy desserts for me? I'll pay later!" Sabi ko. 

Umiling naman siya at nagwave sila saamin paalis. "Bakit hindi napayag 'yon na bayaran ko siya? Parang ikaw lang Joshua." Sabi ko. 

"Tss! Kung ako sayo nagluluto ka na lunch natin para mamaya." Sabi niya sakin.

Nagulat ako at tinuro sarili ko. "Teka, ako? Paglulutuin mo ng lunch natin pareho? Nahihibang ka ata." Sabi ko.

Tinignan naman niya. "Hindi ka siguro magluto no? Kaya ka ganyan magreact." Sabi niya.

Napairap ako. "Marunong ako! Hinamon mo pa talaga ako." Sabi ko at nagtungo na sa kusina.

___

Nang matapos akong magluto, nilapag ko na yung pagkain sa lamesa at tinawag si Joshua. Nang makalapit siya, nagtaka ako dahil isang plato lang kinuha niya.

Nagtaka ako. "Ikaw lang ba kakain?" Inis kong tanong.

Tinignan niya ako at umiling. "Sino may sabi ako lang kakain?" Sagot niya.

Napairap ako. "Isang plato lang kinuha mo!" Sabi ko.

"Ah, hati na tayo dito. Sayang pa sa plato kung gagamit ka pa, nakakatamad na maghugas ng pinggan." Sabi niya.

Napaawang ang bibig ko sa gulat. "Are you serious? Maghahati tayo sa plato? Yuck!" Sigaw ko.

Tinuro niya ako. "Grabe ka! Tayong dalawa lang naman dito sa bahay, magsasayang ka pa ba ng plato?" Dahilan niya.

"Hoy! Napaka-unreasonable mo para maghati tayo ng plato, ako na lang maghuhugas pinggan kung gust--"

Hindi ko na natapos sinasabi ka nang subuan niya ako ng pagkain. Sinamaan ko siya ng tingin habang natawa siya.

"Ano? Happy ka na niyan?" Inis kong tanong nang malunok ko yung pagkain na sinubo niya sakin.

Tumango siya. "Ang cute mo kumain." Sagot niya.

Napangiwi ako at kumuha ng sariling plato. "Ang landi mo, hindi halatang babaero ka." Sabi ko.

Kinuha niya plato ko at nilagyan ng laman. Napatingin ako sa kanya bigla, ang gentleman naman pala ih. Kailangan ba awayin bago gawin 'yan? Jusq.

"Gusto talaga kitang subuan ng pagkain. Don't you like it?" Tanong niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Yes, i don't like it. Hindi mo ako madadaan sa mga ganyan, Joss. Kabisado na kita." Sagot ko.

Nagkibit balikat siya. "Sayo ko lang ginagawa 'to." Sabi niya.

Sinubo ko ang pagkain at nilunok bago sumagot. "So, that means i have a special place in your heart? Stop, nakaka-cringe ng sobra." Sabi ko habang nakangiwi sa kanya.

Tumango siya. "You do have a special place here." Sabi niya habang nakaturo sa dibdib niya.

Napailing ako. "Hindi ka ba nakiki-cringe sa mga sinasabi mo? Baka immune ka na kasi sinasabi mo 'yan sa mga babae mo." Sabi ko.

"Ay bakit? Nagseselos ka ba, sabihin ko lang titigilan ko."

Tumayo ako at tinignan siya. "Tapos na ako kumain. Ikaw ba?" Pagi-iba ko ng usapan.

Nag-thumbs up naman siya at sinubo yung last bite sa plato niya. Binigay niya ang plato sakin at ngumiti. "Nagbago na pala isip ko, ikaw na lang pala maghugas ng pinggan since nag-insist ka naman kanina." Sabi niya.

Inirapan ko siya at kinuha yung plato niya. "Ang panget mo kahit kailan!" Panlalait ko.

Nilapit niya yung mukha niya sakin, kaunting galaw na lang baka mahalikan niya ako ng wala sa oras. "Tignan mo ko ng mabuti, Heidianne. Nasaan ang definition mo ng panget dito?" Pagtutukoy niya sa kanyang mukha.

Hinampas ko yung mukha niya palayo sa akin, napadaing. "Lubayan mo na ako kahit ngayong araw lang, Joss. Nagi-init ng sobra yung ulo ko dahil sayo!" Sigaw ko.

___

Nang matapos akong maghugas ng pinggan, naisipan kong pumunta sa music room nila. Nung nakaraang araw kasi habang naglilibot ako, nakita ko sila Benjamin at Joseph na madalas pumunta doon para tumugtog.

Hindi ko naisip kung nasaan man ngayon si Joshua kasi wala talaga akong pakialam ngayon. Nasisira ang araw ko dahil sa kanya.

When i got inside their music room, kinuha ko agad yung guitar at umupo sa stool. Nag-start na agad ako mag-strum ng guitar while humming.

Destined to ReuniteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon