Chapter 10

1.8K 32 3
                                    

CAITLYN'S POV

Napatingin ako bigla sa likod habang naglalakad, nagtaka ako dahil hindi pala sumunod yung dalawa sakin sa paglalakad. Akala ko ba pupunta na sa plushie store? Kinuha ko yung phone ko para i-text sana sila pero nagulat ako walang signal sa kinatatayuan ko. 

Napakamot ako bigla sa aking ulo. "Bakit naman kasi walang signal dito?" Tanong ko. 

May natanaw akong foodcourt, doon ako pumunta at umupo muna. Nagkaroon na ng signal, pagbukas ko ng phone may missed call ako galing kay Benjamin. Nag-pop up naman yung name ni Joshua sa caller id, sinagot ko agad ito. 

"Hello?"

"Heidianne? Nasaan ka? Buti nagkaroon ka na ng signal!"

Tumingin ako sa paligid ko, ang daming tao kahit ganitong oras. "Oo, sa pinuntahan ko kanina mahina signal ih. Btw, nasa foodcourt pala ako! I'll wait you guys here na lang." Sabi ko.

"Oo, stay ka lang diyan. Okay? 'Wag kang pupunta kung saan-saan." Sabi niya then ended the call.

Nang matanaw ko sila, tumayo agad ako at tinaas ko yung kamay ko para makita nila agad ako. Patakbong silang lumapit sakin. "Akala namin nawala ka na! Nag-alala kami sayo." Sabi ni Joseph. 

Ngumiti ako, pero nawala din agad nang maramdaman kong may yumakap sakin galing sa likod. Nanigas ako bigla nang maramdaman ko hininga niya sa tainga ko. "Please, 'wag ka ng mawala ah? I was worried." Mahinang sabi niya. 

Napatulala ako nang maramdaman kong bumilis tibok ng puso ko, natatameme ako bigla. Pumiglas ako sa yakap niya at nilingon siya. "Ah, oo! Sorry, akala ko kasi sumunod na kayo sakin kanina nung nagu-usap kayo ni Benjamin." Sabi ko. 

Hinawakan niya bigla wrist ko at tinignan ako. "Para maiwasan na mahiwalay ka samin." Sabi niya. 

"Let's go! Punta na tayo sa kakainan natin, for sure magugustuhan niyo 'to." Sabi ni Joseph. 

Dinala niya kami sa korean samgyupsal, nang dumating na yung order namin. Nag-start nang mag-grill ng pagkain sina Benjamin at Joshua, kapag may luto ng pagkain ako agad yung una niyang binibigyan. 

Sumubo ako. "Waah! Ang sarap!" Masayang sabi ko.

Napatingin ako bigla kay Joshua nang mahuli ko siyang nakatingin sakin, nilunok ko muna yung kinakain ko bago magtanong. "May dumi ba ko sa mukha, Joshua?" Naiilang tanong ko. 

Umiling naman siya at napatawa ng mahina. "Wala naman. Dahan-dahanin mo lang kumain, baka mabulunan ka." Paalala niya. 

Tumawa naman yung dalawa nung marinig nila yung sinabi sakin ni Joshua, sinamaan ko sila ng tingin pero hindi sila natinag. Kung nakakamatay lang tingin ko edi sana matagal na silang nasa hukay ngayon!

___

Nang matapos kaming kumain, tinignan ko sila. "Saan na tayo pupunta next?" Tanong ko.

Nagkibit balikat sila. "Hindi pa namin alam, pero ayaw ko pa umuwi ng bahay ih." Sagot ni Benjamin.

"Ay, pumunta na tayo ng parking lot. Pumunta tayo kahit saan." Dugtong na sagot ni Benjamin.

Napakunot noo. "Meron bang lugar na kahit saan?" Inis kong tanong.

Umiling naman si Joshua. "Malay natin. What if search mo sa google map?" Panga-asar niya.

Inirapan ko siya at sinabayan kong maglakad sina Joseph. "Saan tayo puntaa?" Tanong ko pa din.

Tinignan niya ko. "Hmm, nagsabi ako kay Kuya Ben na dalhin niya tayo sa bilihan ng video games. May gusto rin akong bilhin doon." Sagot niya.

Nagtaka ako. "Ay, ano ba binili mo kanina? Hindi ba video games 'yon?" Tanong ko.

Umiling siya. "Comics yung binili ko kanina, Ate Heidi. Video games naman ngayon para may bago kaming malaro nila Kuya." Sagot niya.

Nang makapasok kami sa kotse. "Kuya Joshua, what if ikaw na mag-drive. Pagod na ko." Sabi niya.

Kinuha naman niya yung car keys and he started the engine. "Sige, diba sabi niyo video games  muna? Since malapit na tayo doon, sa park na lang tayo pumunta." Sabi ni Joshua.

"Ano gagawin natin sa park?"

Nilingon niya ko. "Kung ano lang matripan nating gawin. May dala akong card games, just in case." Sagot niya.

Tinuro ko yung daan dahil siya yung nagd-drive ng sinasakyan namin.  "Mag-focus ka kaya muna sa daan." Sabi ko. 

___

Nang makarating kami sa park, nagulat ako may rides pala dito. "Wow, di ko ine-expect na may rides dito." Mahinang sabi ko.

Inakbayan ako ni Joshua. "Hindi ka na badtrip niyan?" Tanong niya sakin.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Sayo lang ako nababanas, alam mo ba 'yon?" Inis kong tanong.

Nagpanggap siyang nagulat sa sinabi ko. "Hala, hindi ko alam." Sagot niya.

Inirapan ko siya, nawala inis ko nang may matanaw akong dagat. Tinuro ko 'yon. "May dagat pala dito!" Sabi ko at tumakbo papalapit doon.

"Alam mo, sabi ng inner thoughts ko gusto kitang itapon diyan." Biglang sabi ni Joseph.

Hinarap ko naman siya. "Edi sana ginawa mo." Sabi ko.

Ngumiti naman siya. "Joke lang! Hindi ka naman mabiro oh!" Sabi niya.

"Ako lang dapat mang-asar diyan kay Heidianne." Singit ni Joshua.

Napairap ako. "Binigyan ba kita ng karapatan?" Loko 'to ah!" Sigaw ko.

Umalis sa tabi ko si Joseph nang tawagin siya bigla ni Benjamin. Napaatras ako nang biglang nilapit ni Joshua yung mukha niya. "Ang cute mo naman mainis. Kapag hindi ka pa nanahimik baka kung ano pa gawin ko diyan sa labi mo." Sabi niya. 

Umiwas ako ng tingin, napahawak ako sa pisngi ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya. "Are you blushing?" He asked. 

Napairap ako at pinaypayan sarili ko gamit ang aking kamay. "Are you crazy? Namumula ako kasi mainit dito no!" I lied. 

"Kuya, Heidianne! Come here, meryenda's here na!" Sigaw ni Benjamin saamin. 

Hinanap ko si Benjamin at tinignan si Joshua. "Tara na, tinatawag na nila tayo." Sabi ko at kaagad na naunang maglakad. 

"What if may gusto ka sakin?" Biglang tanong ni Joshua.

Napatingin ako sa ibang direksyon, mabilis naman ako maglakad pero nasasabayan niya pa rin ako. Napabuga ako ng hangin at napairap. "As if na magkakagusto ako sayo, Joshua. Lakas ng tama mo, hindi ka ba nac-cringe sa mga sinasabi mo? Baka magsisi ka." Sagot ko. 

Tumigil siya sa harap ko, napatigil rin ako. Muntikan na nga ako mauntog sa dibdib niya, tinignan ko siya. "Josh, ang luwag ng daanan. Bakit tumigil ka pa sa harap ko?" Tanong ko. 

He looked at me straightly. "There's so many possible ways to make you in love tho. Hindi ako magsisisi sa mga sinasabi ko sayo. Malay mo totoo." Sabi niya. 

Destined to ReuniteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon