Chapter 15

1.5K 26 10
                                    

CAITLYN'S POV 

Bumangon ako bigla at nilibot ang aking tingin, nanlaki mata ko nang marealize kong nasa kwarto na ko. Napalingon ako bigla nang biglang may pumasok, nginitian ako ni Joshua habang may dalang pagkain. "Goodmorning, Heidianne!" Bati niya. 

I groaned and covered myself with the blanket. Naramdaman ko naman na umupo siya sa tabi ko at kinalabit. "Hoy, tanghali na. Baka gusto mong bumangon?" Sarcastic niyang tanong. 

"Kuya Josh! Mauuna na kami kumain ni Kuya Ben sa baba, sumunod na lang kayong dalawa ah?" Rinig kong sabi ni Joseph. 

"Sure!!"

Nang marinig kong magsara yung pintuan ko ay inalis ko yung kumot, halos mahulog ako sa kama nang makita ko si Joshua na nakahiga sa tabi ko. "Josh! Ano ba ginagawa mo dito?" Inis kong tanong. 

Ngumiti naman siya. "Hindi ka pa nabangon ih. Edi matulog na lang tayong dalawa kung tinatamad ka pang bumaba." Sabi niya. 

Inirapan ko siya at sinipa para mahulog sa kama, narinig ko ang pagdaing niya. "Heidianne!" Saway niya. 

Binatuhan ko siya ng unan na hawak ko. "May sariling kwarto ka, bakit dito mo pa napili matulog sa tabi ko! Are you fxcking insane?" Sigaw ko. 

Napahawak naman siya sa kanyang batok. "Bakit ba? Kailangan ba may reason ako para matulog kasama ka?" Tanong niya. 

Tinaasan ko siya ng kilay. "Baka nakakalimutan mo yung sinabi ko sayo kahapon?" Tanong ko pabalik. 

Umupo siya sa sahig at napaisip. "Hmm. Alin doon ang sinabi mo? Wala akong maalala." Sagot niya. 

Napatampal ako at umalis ng kama. Hinila ko siya patayo at pinagbuksan ng pintuan. "Labas!" Sigaw ko. 

JOSHUA'S POV

Napakamot na lang ako sa aking batok nang pabagsak na sinarado ni Caitlyn yung pintuan ng kwarto niya. Gusto ko lang naman siya tabihan matulog, wala naman akong gagawing masama, parang ewan. 

Naglakad ako papuntang dining room, nadatnan ko na silang kumakain. "oh. Nasaan si Ate Heidi?" Tanong ni Joseph. 

Umupo ako sa harap niya at ngumiti. "Hehe. Nabadtrip ko ih, pinalabas ako bigla sa kwarto niya." Sagot ko. 

"Kawawa naman siya, nasisira araw niya dahil sayo." Pang-asar ni Benjamin. 

Binato ko yung table napkin na hawak ko. "Kung pwede lang na sakalin ka, nagawa ko na." Sabi ko. 

"GOOD MORNING KIDS, WE'RE HERE!"

Napantig ang tainga naming tatlo nang marinig namin ang boses ni mama, kaagad kaming tumayong tatlo at napatakbo sa living room. Nakita namin sila na nakangiti saamin. "I miss you, my babies. How are you doing?" Tanong ni Mama saamin habang nakayakap siya saamin. 

"Mom, we're doing well . Ang saya namin dito lalo na't kasama namin si Ate Heidi dito sa bahay!" Sabi ni Joseph. 

"Speaking of. Where's Caitlyn? Her parents are here also." Tanong ni Mommy. 

Nakita ko naman pumasok silang dalawa, binati namin sila kaagad. "Wait lang po. Natutulog pa lang po kasi si Heidianne sa taas." Sabi ko. 

"Ay, hijo! Don't worry, we'll go upstairs to see her." Sabi ni Tita Kath, her mom. 

Tinapik naman ako ni Tito sa balikat at nginitian. "Thank you for taking care of her, Joshua." Pagpapasalamat niya. 

Nginitian ko naman siya. "It's my pleasure to do that, Tito." Sabi ko. 

"Mom? Dad? You're here!" 

Napalingon kami nang marinig namin ang boses ni Heidiannne, patakbo siyang bumaba ng hagdan at sinalubong ng yakap sila Tito. "How are you, my sweetie?" 

Pinasadahan kami ng tingin ni Heidianne bago siya sumagot. "I'm good, mom. Do you have any pasalubongs for me?" Excited niyang tanong. 

Tumango naman si Tita Kath, her mom. "Yes naman, anak ko! Nakipagkita rin kami sa mga kuya mo, sila mismo bumili ng mga pasalubongs just for you." Sagot niya.  

"Sorry to interrupt po, would you mind to sit down first? Baka po pagod pa kasing kayong lahat. I'll tell manang to prepare some foods for you." Singit ko. 

Tumango naman silang lahat. "Thank you for minding us, Joshua." Pasasalamat nila. 

Ngumiti na lang ako sa kanila at sinenyasan sila Joseph at Benjamin na tulungan sila sa pagbuhat ng kanilang mga gamit. Nagtungo ako sa kusina at sinabihan sila manang na magluto pa ng maraming pagkain para sa kanila. 

___

"Mom, come on! You know that i don't like milk." Rinig kong reklamo ni Heidianne, padabog siyang umupo sa tabi ko. 

Lumapit naman si Tita Kath sa harap niya. "Please, anak? You're so thin, how can you protect yourself?" Tanong niya. 

Napangiti naman ako. "Tita Kath,  you don't have to worry kasi sadista po yung anak niyo." I joked.

Sinamaan naman ako ng tingin ni Heidianne at hinampas, napadaing ako. "Did you see that, Tita?" Natatawang sabi ko. 

"Listen to me for a moment, everyone! Leo and Kath, before you two head home. Would you mind visiting our resort for a vacation first?" Tanong ni Dad. 

Tinaas naman ni Mom yung kamay niya. "We shouldn't spend our holiday in our resort, in my opinion. Then, how about Boracay? I want us to have a good time." Tanong niya. 

Tita Kath agreed. "That's a good idea!"

"Hmmm. Okay, let's go there tomorrow! Pack your clothes and sleep early okay?" Paalala ni mommy, tumango kaming lahat.

"After you pack your things, tulungan niyo si Caitlyn. Baka mahirapan siya sa pag-impake." Sabi ni Dad.

Narinig ko ang mahinang tawa ni Heidianne at nagsalita. "Tito, you don't have to do that po. I can handle my things." Sabi niya.

"Sige. Leo, you can't escape me. We have to play this before we pack." Rinig kong sabi ni Dad, habang nakaturo sa phone niya.

Napatawa naman si Tito Leo, Heidianne's dad. "Truth or dare, again? We played this on our flight." Sabi niya.

Napailing na lang ako nang makita ko silang nagbabangayan na dalawa. Pumunta ako sa room ni Heidianne, nagsisimula na siyang mag-impake. "Are you done?" Tanong ko.

Tinignan niya ako, umiling siya habang nagtitiklop ng kanyang mga damit. "Not yet. Kakasimula ko lang, actually. How about you? Bakit hindi ka pa nagi-impake?" Tanong niya.

Humiga ako sa kama niya at tinignan siya. "Gusto kita tulungan mag-pack ng mga gamit mo." Sagot ko.

Napabuga siya ng hangin at inirapan ako. "I can handle this alone, Josh. Kung ako sayo, nag-impake ka na rin. Baka hindi ka pa makasama." Panga-asar niya.

Destined to ReuniteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon