Chapter 3

3.4K 53 2
                                    

JOSHUA'S POV

"Where's Ate Heidi?" Tanong ni Joseph habang naglalaro.

Kinagatan ko muna yung mansanas bago ako sumagot. "Lumabas siya, nainis ata." Sagot ko.

"Ilang beses nang nainis ngayong araw 'yon?" Tanong ni Benjamin.

Nagpanggap na nagbibilang si Joseph sa mga daliri niya. "Di ko mabilang!" Biro niya.

Napailing na lang ako at tumayo. "Btw, did you do something in the past? Parang may galit sa mundo si Ate Heidi." Tanong ni Joseph.

"Well, i did. Nag-sorry ako earlier, but she said it's all good naman daw. Atsaka, away bata 'yon before but still nanghingi pa rin ako ng sorry." Sagot ko.

"Ah, ganun pala kapag may ginawa kang masama. Nagbabago ugali ng tao." Singit ni Benjamin.

"That actually explains a lot, Kuya Ben. Nakita naman natin si Ate Heidi ih." Biro niya.

Naglabas naman ako ng tseke galing sa bulsa ng pants ko. Nilapag ko 'yon sa mini table. "Anyways, here's my promised to you guys. 5K each! Thank you for helping me today!" Sabi ko saka lumabas ng kwarto ni Heidianne.

Hindi ko alam kung lahat ng gusto niya noong bata pa kami ay gusto niya pa rin ba hanggang ngayon. Kung nagbago nga ugali niyan, baka pati mga ayaw at gusto niya nagbago na rin. Di ko talaga mabasa ang attitude ng babaeng 'to. 

Habang naglalakad ako, hinahanap ko si Heidianne. Saan nanaman kaya napunta yung babaeng 'yon? Di mapirmi sa iisang lugar. "Manang, nakita niyo po ba si Heidianne?" Tanong ko. 

"Ay, Hijo! Baka nandoon siya sa pool area, nanghingi siya ng papel at ballpen saakin kanina lang." Sagot niya.

"Salamat po, magpahinga na po kayo. Malalim na ang gabi." Sabi ko. 

Tama nga si Manang, nakita ko si Heidianne doon. Nakaupo siya sa sulok habang may ginagawa sa papel na hawak niya, lumapit ako at sumilip sa ginagawa niya. I was surprised to see her drawing, ang ganda at ang linis niyang tignan. 

Kinalabit ko siya, sinamaan naman niya ako ng tingin. "Chill." Sabi ko.

Napabuga siya ng hangin. "What do you want?" She asked. 

Nginuso ko ang ginagawa niya. "Are you almost done? I like your drawing." Puri ko. 

Tumango siya at binigay yung papel sakin. "Keep it if you want!" Sabi niya at tumayo. 

I stop her from walking by holding her arm. "Teka, i just want to talk to you. Also, can you talk to me nicely? Para kang may galit sa mundo." Inis kong sabi. 

"Diba sabi mo you like my drawing? Then keep it! What's your problem?" Tanong niya. 

"I should be asking you that. Anong problema mo, Caitlyn?" Tanong ko. 

Napakunot ang noo niya at napairap. "Wala ka ng pake doon!" Sagot niya. 

"Are you always like this, Cait? Hindi ka ganito before, alam mo 'yan!"

Nilingon niya ko. "I know, di ako ganito before. Maybe, naubusan na ako ng pasensya. Nagsawa na ako sa dating ako. Can you just accept it? Wala naman ako sinabi sayo about your personality. It's still the same." Sabi niya. 

She has a point. Pinigilan ko ulit siya maglakad. "Ok ok! I'm sorry, okay? Thank you sa drawing na binigay mo sakin. Do you want to do something?" Tanong ko. 

"Wala. I want to rest!" 

"Okay, but we're going out tomorrow ha. We'll have our bonding tomorrow, i hope na ma-enjoy ka." Sabi ko. 

She raised her hand and made an okay sign habang naglalakad siya papalayo. Napangiti na lang ako at tinignan ang drawing niya na binigay sakin. 

"What are you smiling at, bro?" 

Napatingin ako kay Benjamin na nasa harap ko. Pinakita ko sa kanya yung papel na hawak ko. "Heidianne made it." I proudly said. 

Nagulat pa si Benjamin sa sinabi ko. "This one is a future architect." Puri niya. 

I shook my head. "Di naman siya mahilig mag-drawing dati diba?" 

Binatukan niya ko. "Di makaget-over? Lahat nagbabago! You know what, let's go inside. We should sleep!" Sabi niya.

Habang naglalakad kami papasok sa loob, nagtaka ako dahil may nagi-ingay sa living room. Nakita ko si Joseph at Heidianne nanonood ng movie. "Hoy, ba't di kayo nagsasabi?" Sabi ni Benjamin. 

Nagulat kami pareho nang ngumiti si Heidianne saamin at sinenyasan na lumapit kami pareho. Naglakad naman kami palapit sa kanila. "We decided to watch a movie, sit with us!" Anyaya niya. 

Napailing ako, it feels weird. "Marunong ka naman palang ngumiti ih." Sabi ko. 

Tinignan naman niya ko. "Malamang. Pero nakakasira ng araw kung ikaw ang ngingitian ko!" Sabi niya. 

Napatawa naman ako at naglakad patungo ng kusina. "Magluluto lang ako ng popcorn, para may makain tayo." Sabi ko. 

"Pwede ako sama?" Tanong niya. 

"Sure, 'wag mo lang ako sungitan ng malala." I joked. 

Binato niya ako ng throw pillow at patakbong pumunta ng kusina. Nilingon ko naman ang dalawa at sinenyasan na maghanap ng mapapanood namin na palabas. Naabutan ko si Heidianne na naghahanda ng mga gagamitin sa panluto. 

"You knew how to cook popcorn?" I asked. 

Tumango siya. "Yup, napaka-easy nitong gawin. Hbu?" 

"Alam ko rin kung paano magluto. I always cook for them every single day." Sabi ko. 

I saw her eyebrows furrowed. "Wow, you're flexing that?" She said. 

Napabuga ako ng hangin. "Look, i'm just stating the facts okay? And, para maniwala ka. I'll cook you something tomorrow. Tell me what you want." Sabi ko. 

Tinignan niya ako at umalis saglit. I overheard her ask my brothers if i'm a good chef, nang bumalik siya ay nginitian niya ako. "So, you're telling the truth." Sabi niya. 

Nagulat ako sa sinabi niya. "Wait, you think i'm lying? Are you having trust issues?" I asked. 

Tumango siya at nag-peace sign. "Sorry for that, bro. At least i know that i can trust you, right?" Sabi niya while looking at me. 

Tumango naman ako at nilipat siya sa tabi ko, nagtaka naman siya. "Baka matalsikan ka, malalagot ako sa parents at mga kapatid mo." Sabi ko. 

She laughed. "Gentleman, i like it." Sabi niya. 

"Edi naf-fall ka na sakin?" Asar ko. 

Nandiri naman siya sa sinabi ko. "How's your bruise? Di ba masakit yung sapak ko kanina?" Tanong niya, while avoiding my question. 

"Bakit mo iniiwasan tanong ko?"

She rolled her eyes. "Look, Joshua. Ang taas ng tingin mo sa sarili mo, as if na magkakagusto ako sayo. Kamukha mo lang naman yung aso ko dati na si Bobby!" Sabi niya. 

"Aray, kinompare ako sa hayop. Grabe level ng kapogian ko!" Sigaw ko. 

"Nakakainis!" 

Destined to ReuniteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon