Chapter 16 - The Homecoming

1.8K 60 5
                                    


Papunta na si Vice sa bahay ni Billy. Aaminin niya, namiss niya rin ang Manila. Kahit gaano pa kaganda ang Cebu, uuwi at uuwi pa rin siya sa Manila. Excited siyang makita ang bestfriend pero hindi siya excited na makita sina Emman. Hindi niya alam ang gagawin mamaya pag-uwi niya sa mansyon. Nag doorbell siya sa gate ni Billy at pinagbuksan siya nito.

Niyakap ng mahigpit ni Billy ang kaibigan. "bestie...na-miss kita sobra.."

Tumugon rin sa yakap si Vice. "to naman.. Isang linggo lang ako nawala, hindi isang taon."

"kahit na..." ngumiti si Billy at inakbayan si Vice. "pumasok muna tayo sa loob. You owe me a story.."

~

Karylle's POV

Gabi na pero hindi pa rin ako mapakali. Sinabihan ako ni Yael na pag-iisipan niya muna ang paghingi ng tulong kay Vice. Para san pa't magkikita rin naman kami sa Lunes? Pero pano kung di s'ya pumayag? Last memory namin together is yung sinabihan ko siya ng masakit disregarding the fact that he saved me from drowning in that pool.

Damn, I really feel guilty... But I shouldn't be.. what I did was right..Yun nga lang, maliit na talaga ang chance na pumayag siya. "after what you said to me?" for sure yan ang line niya kasi nasaktan ko siya. Pero hindi naman siguro siya naging broken hearted dahil sa'kin 'no? I mean, that's what playboys do right? They don't get hurt, they are stone cold. Kakapalan ko na lang talaga ang mukha ko.. after all, i still treat him as a friend. I won't forget him. He made a huge difference in my life. Ang ikinakatakot ko lang is what if may kapalit? Another date? halik? sex? I'm pretty tired of his games.. I rolled my eyes as I sighed.

End Of POV

~

General POV

Pagkatapos ikwento ni Vice ang mga experiences niya sa Cebu ay gusto niya sanang sa bahay na lang ni Billy matulog pero gusto nitong umuwi siya sa mansyon.

"why are you making me do this?" Vice says as he looks at Billy.

"because you're my friend.. You need to be there. Reconcile and do some shit." Billy handed the keys to Vice.

"pwde naman akong magpakita sa party.. Just not now.."

"eh kailan pa? Di ka pa ba nakuntento sa 1 week break mo sa Cebu? I think it's time Vice." Billy said. "at pinaka car wash ko yan kahapon lang. Your baby should be in good condition.."

"Right. Thanks." Vice entered his lamborghini

"you're welcome."

Binuksan ni Vice ang bintana ng kotse para belatan si Billy..

"This is it! ipagpray mo'ko!" he joked as the car's engine started

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"This is it! ipagpray mo'ko!" he joked as the car's engine started...

~

Nang makarating sa harapan ng mansyon, abot tanaw na ng guard ang palapit na sasakyan ni Vice. Taranta niyang binuksan ang gate para makapasok ito. Napansin naman ni Vice ang gulat na reaskyon ng guard kaya binaba niya ang bintana saglit.

"okay ka lang? Para kang nakakita ng multo." Tanong niya sa guard.

"ah... w-wala ser.. W-welcome back." Nauutal na sabi ng guard.

"sure?" sabi ni Vice dahil hindi pa rin nawawala ang expression sa mukha ni kuya na parang natatakot na ewan.

"yes ser!"

Tumango tango si Vice. "okay good.. Sila papa nasa loob ba?"

"opo ser.. Sigurado akong matutuwa yun pag nakita ka."

"sana nga." Vice flashed a smile bago niya sinara ang bintana at ipinasok na ng tuluyan ang kotse sa garage nila.

Nang makalabas mula sa garage ay napansin ni Vice ang mga butlers. Kaagad na nagbulung bulungan ang mga 'to habang papalapit siya sa mansyon.

What are they doing? Lumayas lang ako, hindi ako pumatay ng tao. Kung makatitig sila sa'kin parang may mga utang ako sa kanila.

Isa sa mga butlers ang pumasok sa loob siguro para ipaalam kay Mr. Viceral na nakauwi na siya. May isa pang lalaki na lumabas ng mansyon na sobrang excited. Walang iba kundi ang kapatid niya na si Bobot. Tumakbo ito papunta kay Vice na halos mangiyak ngiyak.

"vice!!!" inambakan niya si Vice kaya muntik na silang mahulog sa fountain. "san ka galing!! Jusko!!"

"Kuya bobot, hindi na ako makahinga." Poker face na sabi ni Vice dahil yakap yakap pa rin ni Bobot ang leeg niya.

"Ay sorry.." kumawala si Bobot mula sa mahigpit na yakap sa kapatid at tinignan ito na parang tuta na natagpuan ulit. "San ka ba nagpunta, ha?" 

"at may bago ka pang pakulay sa buhok mo ha." ginulo gulo niya ang buhok ni Vice.

"Sa Cebu lang bot." Sabi ni Vice. "buti ka pa, namiss ako."

"oo naman! Sino bang hindi makakamiss saýo? Wala nang dumadaot sa Computer Games ko!"

Natawa si Vice sa kapatid.. "grabe s'ya." 

"Kalimutan mo na yung sinabi ni papa. Pinagsisihan niya na yun.. Walang araw na hindi hindi ka niya hinahanap. I'm sure miss na miss ka na niya." 

Natahimik si Vice. "talaga ba?"

"yes.." isang pamilyar na boses ang narinig nila sa may pintuan. Lumingon sila para makita ang ama na nasa wheel chair. Mas pumayat si Mr. Reynaldo at mukhang mas lalong lumubha ang asthma nito. 

Kinuha ni Bobot ang kamay ni Vice at sinamahan ito papunta sa ama.

"Welcome home, My son." Sabi ni Mr. Viceral.

"bakit ang payat mo na? dapat inaalagaan mo ang sarili mo." Pilit na tinatago ni Vice ang emosyon mula sa ama.

"Okay naman ako, inaalagan ako ng mga nurses ko." Mahinahon na sabi ni Mr. Viceral. "Vice... masayang masaya ako na umuwi ka na."

Natahimik ang lahat..

"Well, pamilya ko pa rin kayo kaya uuwi pa rin ako dito." Sabi ni Vice. Ang awkward pa rin ng tingin niya sa ama.

"I know ayaw mong pag-usapan pero sana mapatawad mo ako."

"totoo ba?"

"ang alin?"

"na pansamantala mo lang ibinibigay kay Emman ang kompanya?"

Napayuko si Mr. Viceral bago sumagot kay Vice. "oo.. pero hindi mo ako hinayaang magsalita.. Umalis ka kaagad."

"I can't believe this. Paano-"

"Emman knows.. at may magandang trabaho na siya. Bakit ko naman ipagkakatiwala sa kaniya ang kompanya?" sabi ni Mr. Viceral. "You are my CEO Vice, hindi siya."

So tama nga yung sinabi ni Emman. Nilapitan ni Vice ang ama at pinaikot ang wheel chair para pumasok na sa loob. "kumain ka na ba?"

"oo.."

I am still his favorite... "Mabuti.. Ayoko na namamayat ka dahil sa'kin. Dahil nandito na ako, gusto ko palagi kang malusog." Tuluyan nang naiyak si Vice habang tinutulak ang Wheel Chair.

Paramour - ViceRylleWhere stories live. Discover now