Sa isang malaking kompanya, kakatapos lang magpresent ni Yael ng presentation to their investors. Yael is a business man in a famous company in the Philippines. Their company is responsible for furniture production. He was in his tux as he sent the investors his farewell. All of them shook his hand as they exited the room.
"nice presentation Mr. Yuzon," Sabi ng isang investor bago lumabas ng room.
"thank you." Yael smiled. He was fixing his laptop and projector when his phone rang.
Loves calling...
Medyo nawala ang stress niya sa caller ID. Ang napakaganda niyang asawa, si Karylle ay tumatawag. Kaagad niya itong sinagot.
"hi loves."
"loves, hi!" sagot nito sa kabilang linya. Nagmamaneho si Karylle sa kotse niya ngayon. "How is your day?"
"eto, kakatapos ko lang with my presentation."
"really? How did it go?"
"it was nice. Nagustuhan ng mga investors ang new furnitures ng designers namin," sagot ni Yael. "siya nga pala, baka gabihin ako mamaya. May meeting pa kasi kami eh."
Yael held his cellphone using his shoulder dahil dala dala niya ang mga blueprints, isang laptop, at projector. Hindi umimik si Karylle sa kabilang linya.
"loves?" muling tugon ni Yael. "you okay?"
Habang nagmamaneho bigla nalang napasimangot si Karylle. Again. I guess masasanay na ako. Eversince their first 2 years of marriage Yael has always been busy with work. Late siya umuuwi palagi kaya siguro hindi pa sila nagkakanaak hanggang ngayon. Wala naman kasi siyang trabaho. Kahit gustuhin niya pinipigilan siya ni Yael. And she doesn't get it. Ano naman ang gagawin niya sa bahay?
"yea, I'm fine.." pero napansin ni Yael ang katamlayan sa boses ni Karylle.
"K,...." Yael said apologetically. "I'm really sorry. Babawi ako promise."
"okay lang." karylle formed a small smile. Lagi naman."kakagaling ko lang sa gym. Daanan kita diyan for lunch, okay lang ba?"
"yea, sure! I got to go. I love you loves!"
"I love you too.."
"bye!" pinindot na ni Yael ang end call at lumabas sa room. Si Karylle naman ay nagpatuloy lang sa pagmamaneho nang maalala niya ang lalaking nanghingi ng number sa kaniya kanina.
"so, how did it go?" Sabi ni Billy pagkatapos makita ang kaibigan na bumalik.
"she's married." Plain na sagot ni vice. "how is that possible?"
"I don't know." Billy scratched her chin. "can hot girls stop being younger than you, fictional, a celebrity and married?"
"I still want her number." Vice said with a groan at napaupo ulit. "I think she lied. Ganun naman ang mga babae diba. Kunwari may boyfriend wala naman pala."
"akala ko ba married?"
"yun na rin yun. Wala siyang wedding ring 'no." pangangatwiran ni Vice.
"Baka bumalik siya bukas."
"you think?" lumingon si Vice kay Billy.
"I think after knowing na all boys 'tong gym na to ay hindi na siya babalik." Vice showed a look of frustration on his face.
"Masyado kang nega. Edi gawan mo ng paraan! Ikaw pa!" tinapik ni Billy ang braso ni Vice at nawindag si Vice rito.
"paano?"
YOU ARE READING
Paramour - ViceRylle
FanfictionA paramour is a lover, and often a secret one you're not married to. So it's best not to kiss and make eyes at your paramour in public, unless you want to be the center of a lot of gossip. That's what exactly Ana Karylle is trying to hide. She got t...