Chapter 35 - The Heartache

1.3K 40 0
                                    


Tulala lang si Vice habang nagddrive ng kotse niya. Hindi pa rin siya makapaniwala na nagawa niyang makipagbreak kay Bea kanina sa café. I broke her heart... Gosh I hate myself.

Wala na siyang gana bumalik sa kompanya kung kaya tinawagan niya na lang si Jay-R to take care of things. Dumiretso siya sa mansion at hindi sa condo niya dahil gusto niyang bisitahin ang ina at ama.

"Oh, maaga ka ata ngayon?" pababa ng hagdanan si Nanay Rosario nang pumasok si Vice sa loob. Hindi sumagot si Vice at umupo lang sa sala.

"Is there a problem, anak?" tanong ng ina kay Vice. Tumabi ito sa kaniya sa sofa.

Nang biglang niyakap ni Vice ang ina. "I just miss you."

Napangiti si Nanay Rosario at hinaplos ang buhok ng anak. "I miss you too tutoy."

"Nay?"

"yes?"

"gusto ko kumain." Tumingin siya sa ina na parang bata.

"Hindi ka pa ba nag lunch? Oh cge sasabihan ko mga maids natin."

"Gusto ko 'yung luto mo. Ipagluto mo ko please?" nag pout si Vice.

"ikaw talaga. Oh cge, magbihis ka muna magluluto ako ng curry."

"yes!" sigaw ni Vice at hinalikan ang pisngi ng ina. "I love you nay."

"Hmmm! I love you too anak. Kwentuhan mo ko mamaya kung ano man 'yang nasa dibdib mo. Ilang araw ka na ring di nakakadalaw dito."

"Cge po."

~

Bea's POV

Ang bilis... sobrang bilis... we didn't even got to know each other better... Am I not enough? Ano bang meron si Karylle na wala ako?

Sa sobrang lutang ko hindi ko na namamalayan na nakarating na pala ang taxi sa harap ng bahay namin.

"miss, nandito na tayo." Sabi ni kuya kaya natauhan ako.

"Ay sorry kuya. Ito po ang bayad." Sabi ko at bumaba na ng taxi.

Kumatok ako sa gate at pinagbuksan ako ng kapatid ko na si Althea.

"Oh, ate. Kamusta yung date niyo?" yun kaagad ang tinanong niya sa kin kaya mas lalo lang akong nalungkot.

"Wala na kami." Tipid kong sagot at tsaka pumasok.

"Ha? Bakit?" tanong niya pero di ko 'to sinagot. Pumasok ako sa loob at nagmano sa nanay at tatay ko at tsaka dumireto sa kwarto.

"Anong nangyari dun?" narinig kong sabi ni tatay.

"ewan ko." Sagot ng kapatid ko. "wala na daw sila ng bf niya."

Kahit nasa kwarto ako rinig ko pa rin ang mga salita nila. Hindi naman kasi kami mayaman. Hindi rin kami mahirap. Nasa first floor lng ang kwarto ko kaya maririnig ko pa rin ang usapan sa labas. "Hayss... Sabi ko na nga ba walang magandang maidudulot ang lalaking yun. Pag mayayaman ganiyan talaga eh! Tingin nila kaya nilang saktan ang mga babae ng basta basta lang."

"kaya ikaw Althea, 'wag kang gagaya sa ate mo. Piliin mo ng mabuti yung lalaki. Kahit di mayaman basta pahahalagahan ka lang. Wag yung hanggang salita lang at puro papogi."

Binagsak ko ang sarili ko sa kama at tsaka humagulgol.

"Pag pumunta yun dito susuntukin ko talaga yun!"

"Tay, kumalma ka po."

End of POV

~

Takam na takam si Vice habang tinitignan ang bagong lutong curry ng ina. 

Paramour - ViceRylleWhere stories live. Discover now