"please... Kahit gawin mo na lang para sa'kin." Pagmamakaawa ni Karylle.
"Why? Porket ba gusto kita?" Vice said in an angry face this time. Hindi niya akalaing pagkatapos ng nangyari, pupuntahan lang siya ni Karylle para manghingi ng tulong. At tungkol pa sa asawa niya.
"No. Kahit kailan hindi ko gagawing advantage ang feelings mo. And I never wished na magustuhan mo'ko." Galit na sabi ni Karylle. "Hell, i wish we never met in the first place."
"I should know, ginusto mo rin ang gabing yun." Before Vice knew it, Isang malutong na sampal ang dumampi sa kaniyang kaliwang pisngi. Bumaling ang kaniyang ulo sa kanan.
"Never kong nagustuhan ang isang napakaduwag na krimeng nagawa ko sa asawa ko. At habang buhay ko yung pagsisisihan." Bakas ang gigil sa mukha ni Karylle sa paghinga ng malalim. "what happened, it was all on you because you were a desperate maniac!"
"About the favor you're asking me. The answer is still no." inayos ni Vice ang suit at tumayo. "My dad is about to do the announcement. Excuse me, I need to go back to our table."
Naiwan si Karylle sa table. Bigo siyang makumbinsi si Vice at parang Malabo nang pumayag ito dahil nagkasagutan pa sila. She should've been careful with her words pero si Vice na rin ang nauna. Walang na nga talagang patutunguhan ang gabing ito para sa kanila.
~
Oras na para sa pinakaimportanteng announcement sa gabing iyon. Ang announcement na si emman nga ang magmamana ng kompanya at hindi si Vice. Pumunta si Mr. Viceral sa harapan ng lahat at kinuha ang microphone. Lahat ng atensyon ng mga guests ay nakatuon sa kaniya.
"Good evening Ladies and Gentlemen. I would like to thank all of you for your presence tonight as we celebrate this masquerade ball. As you all know, I am having health issues. Mabuti nga at nakatayo pa ako sa wheelchair ko just for tonight." Huminto saglit si Mr.Viceral para tignan ang kanyang tatlong anak na nakatayo malapit sa table nila.
"I am satisfied to say that I need to pass the viceral enterprises to one of my wonderful sons. First, allow me to introduce my first born, Jose Marie Viceral: The CEO of Viceral Enterprises!"
Pumalakpak ang mga tao kasabay ng pagtayo ni Vice para samahan ang ama sa harap.
"My second son, Eduardo Viceral!" Kagaya ni Vice, lumapit din si Bobot kasabay ng hiyawan at palakpakan ng mga tao.
Vice formed a small smile habang inaakbayan siya ng ama na para bang cinocomfort siya nito sa susunod na sasabihin. "and now, My oldest son, and the new president of Viceral Enterprises, Emmanuel Viceral!"
Magarbo ang palakpakan habang papunta na si Emman sa harap. Pero halata ang pagkadismaya ni Vice. I can't be happy for you Emman. Because I have been through lots of shits today.. Lalo pa't naiisip kong ako sana ang tinatawag ni papa ngayon instead of you. Well, kasalanan ko rin naman. Ugh!! Patuloy ang pakikipag gera ni Vice sa konsensya niya.
"Emman, do you have something to say to our guests?" tanong ni Mr. Viceral sa anak.
Tumango si Emman sa ama at sinimulan na ang kaniyang pagsasalita. "unang una sa lahat, nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil ibinigay niya sa akin ang blessing na ito.. At first parang hindi ako naniwala kasi si Vice naman talaga ang paborito ni papa."
Nagtawanan ang mga audience sa sinabi ni Emman. Pero kabaliktaran si Vice.. Yumuko lang siya at tumingin sa sahig.
"Matindi talaga ang kompetesyon namin.. I won't deny it.. Diba pa?" Emman said focusing his gaze to his father. Ngumiti lang si Mr. Viceral sa kaniya.
"buti na lang, nagkamali si Vice..and I still won the fight." Sabi ni Emman na sinundan ng maliit na tawa. Dahil dito, natahimik ang venue lalo na sina Karylle, Billy, Vhong, at Anne.
YOU ARE READING
Paramour - ViceRylle
Hayran KurguA paramour is a lover, and often a secret one you're not married to. So it's best not to kiss and make eyes at your paramour in public, unless you want to be the center of a lot of gossip. That's what exactly Ana Karylle is trying to hide. She got t...