The book 2 is shorter than the first one, and I have not finalized it yet but I guess I will work on a sequel which will tackle about-- secret, edi na spoil kayo kung ano ang possible content nung book 2.
PROLOGUE:
Naramdaman ko ang saksak ng wrinkled na yaya ni Jasmine. Alam kong natamaan nito ang stomach ko, ang sakit. Nagkahalo-halo ata ang mga kinain ko sa iba kong internal organs.Iniwan na ako nina wrinkled Linda. Napatingin ako kay Eruck sa likod ng sakit, napatingin din siya sa akin kaya ngumiti ako, siyempre dapat maganda parin ako kahit na mamamatay na ako.
May bumagsak sa akin, katawan ng higanteng kalapati, wala na akong lakas. Gusto kong umiyak sa sakit, ni hindi ako makagawa ng mahika.
Maya-maya pa, ramdam ko ng mauubos na ang lovely bloods ko.
"Tsism," rinig kong sabi niya sa isip ko. napangiti ako. Eruck, patayin mo ang Tasio na 'yan.
"Tsism lumaban ka, hindi kita malalapitan, may kalakasan ang mangkukulam na ito."
Weh? Concern ka ba dahil maganda ako?
"Tsism sumagot ka."
Hindi ko na kaya. Sabi ko sa isip ko, alam kong kaya niyang basahin ang beautiful mind ko.
"Tsism, kapag hindi ka namatay may sasabihin ako." Unti-unti ng humihina ang boses ni Eruck.
"Tsism ma--"
At dumilim na ang lahat.
Idinilat ko ang aking magagandang mga mata. Buhay ako?
Bumangon na ako, nandito ako sa dating bundok ng mga Briguda na damo nalang ang laman. Matagal na ba ako dito? Kinapa ko ang sarili ko at eww!
Ba't ang haba ng hairs ko sa kili-kili? Nakakawala ng ganda! Sinubukan ko itong gawing abo, gumagana pa pala ang mahika ko.
Wait ano bang nangyari? Tinignan ko ang paligid. Binuhay niya ba ako? Tumingin ako sa paligid, hindi ko na siya maramdaman. Patay na si Eruck. Kung titignan ang pagbabago, one month na marahil ako dito.
Natatandaan n'yo pa ba ako? Ako si Tsismosa, pero ang pangit ng name na 'yon like eww...
Kaya naman take two okay? Ako si Tsism, at pangunahing mahika ko ay gawing abo ang lahat.
Mangkukulam ako, at very beautiful at ngayong patay na si Eruck, mag-iipon ako ng lakas.
Babalikan ko kayo, pero bago 'yon, gamit ang lovely eyes ko ay hahanapin ko ang napapabalitang mundo ng mga Nekoruk. Nagbabasa din 'ata ako, asset ng magaganda ang katalinuhan.
Kapag nangyari 'yon, matatalo ko na si Tasio, at magkakaroon na ng magandang reyna ang Telt Asian.
Nag shape-shift na ako sa isang white bat with flawless skin. Para sa 'yo 'to Eruck.
Ang ganda ko talaga!
BINABASA MO ANG
Tasio'ng Mangkukulam
FantasyTelt Asian... Lugal na kapag napuntahan mo'y kailangan mong mag-ingat ng mabuti, dahil kaunting lihis lang ng landas na iyong tinatahak, hindi mo alam kung masisilayan mo pa ang susunod na isang segundo ng iyong hinaharap. P...