PLAYBOY 4: HOW IT STARTED

72 6 6
                                    


PLAYBOY 4: HOW IT STARTED

JAYCEE'S POV

"Mama...aalis na po ako. Late na ko eh!" Sabi ko kay Mama. Naglalambing na naman kasi siya.

"Baby girl, don't you miss Mama? Paalis na naman ako bukas. Maiiwan ka na naman dito." Pagdadrama ni Mama Grace.Hay naku, ang nanay ko talaga ang daming kadramahan sa buhay.

Niyakap ko siya. Tsaka hinalikan sa pisngi. "Ma, may pasok kami di po ba? At tsaka para namang ngayon lang tayo magkakalayo ah. Halos every month ka kayang wala." sabi ko.

"Yeah. That's because of our business. Pasensiya ka na baby kong hindi na kita naaalagaan gaya ng dati. Kung nandito pa sana ang papa mo......"

"Hay naku Ma, ano bang nakain niyo?"

"Ha? Bakit?" Nagtatakang tanong ni Mama. Hehe. Mukhang nalayuan siya sa tanong ko.

"Ang drama niyo kasi." sabi ko then kiniss ko uli si Mama sa pisngi."Sige Ma, alis na ko. Text me kapag nasa London kana."

Tumango si Mama. "Okay, baby girl. Sigurado ka bang ayos ka lang dito? Kung gusto mo kay Tita Eunice ka na lang muna tumira. O di kaya kay ninong June mo. What about kay Tita Jessie mo, gustong gusto ka nung tumira sa kanila. Welcome na welcome ka------."

"Mama, okay lang po ako. I'm not your little girl anymore. I'm already 17, big girl na po ako. At saka mas malapit po tong bahay natin sa Kingdom High. Kayang kayang lakarin."

"Hay naku. Mukhang hindi ko na mababago ang desisyon mo. Basta mag-iingat ka dito ha. Kung may problema ka, tawagan mo ako. Kung may kailangan ka,magsabi ka okay?"

Napailing na lang ako sa mga habilin ng nanay ko. Para namang first time niyang umalis ng bansa. Dapat pala nirecord ko na lang yung sinabi niya nung nakaraang buwan. Inulit niya lang eh.

"Aye! Aye! Captain." sabi ko at sumaludo pa.

Nakahinga naman ng maluwag si Mama. "Sige lakad na at baka mahuli ka pa. Kasalanan ko na naman."

Nginitian ko si Mama. "Bye bye po." Tumalikod na ako.

"Ay baby girl sandali."

Lumingon ako. Bakit kaya?

"Ma, bakit po?"

May box na ibinigay siya sa akin.

"Ano po ito?" Tanong ko.

"Open it."

Binuksan ko nga. Nakita ko ang isang salamin. Halos kaparehong kapareho nung nawala kong salamin nung valentine's ball. Maliban sa mga letter na nakaengrave sa gilid nung handle. M & J. "Ma....?" Nagtanong ang mga mata ko.

Ngumiti si Mama. "Alam ko kung gaano kahalaga sayo yung salamin na bigay ng papa mo nung 15th birthday mo, kaya ayan. I'm giving you another eyeglass kesa magtiis ka diyan sa contact lens na hindi ka naman comportable. Advance gift ko para sa 18th birthday mo."

Nginitian ko din siya. I really love my Mama. I love my parents. "Thank you, Ma."

"Sige na, tsupi na. Malelate kana."

Tumango ako at umalis na.

************************************************************************************************************************

Hala putik. Five minutes late na ko!!! Nasa third floor pa naman ang room namin ngayong umaga.

Lakad takbo na ang ginawa ko para makaabot sa first period namin. Hindi ko na napansin ang kasalubong ko kaya nabangga ko siya ng di sinasadya. Buti na lang nasa bag ko lahat ang mga libro ko kaya walang nangalaglag. Medyo masakit lang ang kanang balikat ko.

THE PLAYBOY'S PRINCESS SERIES 1:THE ARROGANT PLAYBOY AND HIS NERD PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon