PLAYBOY 29: CRYING SHOULDER

34 1 0
                                    

JAYCEE'S POV

"Y-you t-talked t-too m-much, it h-hurts."

Yun lang ang nakaya kong sabihin sa mga paratang niya sa akin.

What's the used kung magpapaliwanag pa ko. May magbabago ba kung idefend ko pa yung sarili ko?

Wala naman diba? Because he's too absorb sa mga sinasabi niya. He's too confident sa mga words na ibinabato niya sakin without asking me kung totoo ba ang bintang niya.

Sa drama lang uso magsabi ng sentence na let me explain. Dahil sa tunay na buhay hindi mo na kaya. Mas masakit kasi... at yun ang mas iintindihin mo kesa mag explain na hindi rin naman niya pakikinggan.

Dati tatanungin ko ang sarili ko kung bakit ako nagkakaganito sa kanya.

Kung bakit, malakas ang tibok ng puso ko pagmalapit siya.?

Kung bakit ko siya nasampal nung akala ko may nangyari sa kanila ni Judy.

Kung bakit sobrang naiinis ako sa Kristine na yon.

At yung kanina, kung bakit sobrang init ng dugo ko sa dalawang malalanding babae kanina...dahilan kung bakit ko siya biglang hinalikan.

Alam ko na ang rason.

I fall for him.

Ngayon ko lang narealize kung kelan walang wala na kong pagasa sa kanya.

Haha. Ang buhay talaga nakakatawa. Kung kelan wala na yung taong mahalaga sayo saka mo lang marerealize na mahal mo pala yung taong yun.

Ang tanga lang diba. Haha.

Ang saklap naman ng kapalaran ko. Broken hearted pero hindi naman in a relationship. Haha.

"Haha. I'm having a bad dreams right?" Tanong ko sa langit.

Pinahid ko yung luhang patak ng patak. Ang kulit naman ng bwisit na luha na to.

"OKAY NA KO BUKAS DIBA?? PANAGINIP LANG TO LAHAT. MAGIGISING DIN AKO!!!!" sigaw ko.

Parang tanga akong iiyak tapos tatawa sa gitna ng kalsada. Haha. Siraulo. Saan ba ko pupunta?

Naramdaman kong may pumatak na tubig sa braso ko.

"HAHA. NANANADYA KA BA??!!!" Sigaw ko sa langit. Bigla ba namang umulan. Haha. Asar lang eh.

"IS IT YOUR WAY OF SAYING THAT I'M NOT HAVING A NIGHTMARE??!!! NA TOTOO LAHAT TO? AT TIGIL TIGILAN KO NA ANG PAG-AASAM NA MAGIGISING AKO NA WALA NG SAKIT AT HAPDI DITO SA PUSO KO??!!!" Hindi ba talaga pwedeng panaginip lang lahat ng to?

Ang sakit! Sobrang sakit!

Hell.

Ganito ba talaga ang pakiramdam ng broken hearted.

Hindi na nakakapagtakang may nagpapakamatay ng dahil sa pagiging sawi.

Too much love will kill you.

Parang namatay ka na rin naman eh. Your heart wouldn't function the way it should. Nakakasira ng ulo.

Yun ang pakiramdam ko ngayon.

I'm losing my mind because my heart tear into pieces.

Palakas ng palakas ang ulan. Pero wala akong pakialam. Manhid na ko.

Napadaan ako sa isang playground. May nakita akong swing.

Wala sa sariling umupo ako dun. Wala ng luhang pumatak sa mga mata ko. Nadala na ng malakas na ulan.

Malakas ang simoy ng hangin pero wala akong nararamdaman.

Bigla kung naalala yung lalaking nakasayaw ko.

Nasan na kaya siya?

Wala na kong pakialam sa lalaking yun. May mahal na kong iba. Gusto ko lang siyang makita kasi siya ang unang nagturo sakin kung pano magmahal. Yes, I knew it's love. He make my heart beats so fast kaya lang Cash Joshua made my heart feel every emotion. The happiness, the pain, the loud beating of heart and the sadness. Everything. He made me feel everything.

I never knew I fall in love this hard.

Sa sobrang hard, it almost tear me apart.

Ngayon ko lang naramdaman to. Ang tanda kong sobrang sakit na pakiramdam ay 3 years ago pa.

When dad died. Akala ko yun na ang pinakamasakit, pero mas masakit pala to kasi alam mong wala ka ng halaga sa taong gusto mo kahit alam mong nandiyan pa siya. Malakas at humihinga.

Nakakabuang.

Nakakatanga.

Nakakasira ng ulo.

Nakamalfunction ng parts ng katawan.

Lalo na ng puso.

Ang sakit talaga.

Haha. Yung mga salita niya. It kills me.

Yung galit na tingin niya. Nakakasuffocate.

Feeling ko. I'm the worst person in the universe. Na napakasama kong nilalang.

Tinunga tungga ko yung duyan.

Hindi ko napansin pero madilim na pala.

Parang yung mundo ko lang ngayon.

Sobrang dilim.

Can I see brightness in this pit of darkness? Was I able to climb up again?

Can I?

No.

I can't. I can't get up.

May bigla akong nakitang panyong puti.

"I think you need this."

Napatingala ako sa nagsalita.

Ang kaninang luha na akala ko ay ubos na ay parang bukal na tumulo ngayon ng makita ko ang isang taong hindi ko akalaing darating in times like this.

Nakatulala lang ako sa kanya habang patuloy sa pagbugso ang luha ko.

"Sshh. Sige iiyak mo lang lahat yan. Wag mong pigilin. Mas mahihirapan ka kung hindi mo ilalabas."

He said habang hinahaplos ang likod ko.

"I'll never said everything will be alright because I know its far from that.... right now. But that time will comes, just don't close yourself when it happen."

Nakatulala lang ako sa kanya.

"I mean your everything will be alright. Darating din yun, but now isn't the time."

I'm glad. He's here.

Mabait pa rin ang Diyos kasi my ipinadala pa rin SIYA sa akin sa panahon ng aking kalungkutan at pag-iisa.

"For now... I'm offering my shoulder for you to cry on."

Sukat sa sinabi nito ay lalo akong humagulhol like there's no tomorrow.

I cried and cried.

I never stop myself from crying hanggang yung mata ko na ang sumuko.

Wala ng lumabas ng luha sa mata ko pero yung sakit sa dibdib ko parang hindi man lang nabawasan.

Ang sakit pa rin. Sobrang sakit pa rin, in fact. Pero I'm glad kasi nandito pa rin siya to console me from this pain.

Never I had imagine na siya ang darating.

"T-thank y-you." Sabi ko sa pagaw na boses. Ang sakit ng lalamunan ko sa sobrang Pag-iyak and worst, maga ang mata ko. I can't even see him clearly. "And I'm sorry, nabasa kita."

He just gently smiled.

"Sige, aalis na ko." Tumayo na ko ng swing pero hindi ko inasahan ang biglang pagkahilo.

"JAYCEE!!"

I heard bago tuluyang lamunin ng dilim ang kamalayan ko.

THE PLAYBOY'S PRINCESS SERIES 1:THE ARROGANT PLAYBOY AND HIS NERD PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon