PLAYBOY 22: I KNOW THE TRUTH (Special Chapter)

35 0 0
                                    

PLAYBOY 22: I KNOW THE TRUTH (Special Chapter)

JP'S POV.

HAHA. Kayo ba gusto niyo malaman kung anong nangyari?? kung gusto niyo siyempre kailangan nyong tutukan to.

I know the truth. At bakit? kasi this is my idea. I planned it all. Why?? because I like ate Jaycee so much para sa kuya kong ulognoy...kesa naman sa kung sino sinong ekstra sa kwentong ito.

Ang kailangan sa mga kontrabida...at pasira ng moment....isa lang....

ELIMINATE.

I hate asungots gaya ng babaeng yon.

At bakit ayoko sa KristinaLintang yun??? Kasi hindi ko siya feel. I hate her guts. Parang may evil sa kanya. Basta ang hirap iexplain...basta mainit ang dugo ko sa kanya.

Ang kapal pa ng mukhang puntahan dito sa bahay si kuya Cash.....ang landii!! Nakuuuu!! At itong kulangot kong kapatid...ayon...gustong gusto namang landiin siya ng Kristine na yun . Tuwang tuwa!! Siraulo talaga.

Kaya siyempre...on the move si GREAT SIS...

EH SINO PA BA??

E DI AKO.TSK. WAG KA NG MAGHANAP NG IBA.

Ay oo nga pala. May ilalahad ako sa inyo. Interesting.

Ako nga pala ang dahilan kung bakit hinabol sila kuya ng Gang nila Mr. Piggy. Nagtip lang naman ako sa lousers na grupo na nasa ganitong lugar ang kapatid ko.

Pano ko nalaman ang number?? Tsk. Tsk. Secret. I JUST KNEW IT. No need to ask more info. Basta ALAM KO......OKAY. Wag ng maurirat.....it's confidential.

At ito pa nga pala.....

Ako rin ang dahilan kung bakit kamay ni Ate Jaycee ang nahawakan ni kuya. HAHA. Ano na kayang nangyari sa Carl at Kristine na yun ngayon?? Haha.

Handa na ba kayong malaman yung whole truth??

Ganito kasi yu-----------------

"JANINEEEEEEEEEEE!!!!!!!!!!!!!!!"

"O bakit???!!" Takte. Nagulat naman ako sa pagtawag ni Mica. " Ano bang problema mo Mic Mic."

Nakarating na kami sa building na may sign na "THE FORTUNE TELLER'S OFFICE- YOUR FUTURE IS HERE.......KNOCK KNOCK SEVEN TIMES IF YOU WANNA COME IN."

"Hala..... Janine, anong gagawin natin diyan?" tanong ni Mic Mic. Mukha siyang hindi mapakali.

"Nge...malamang magpapahula. Ano bang dapat kong gawin dito?? Fortune tellers nga diba?" ako . Kainis to. Alangan namang umorder ako ng pizza, fries at hamburger dito.

"Ito naman. ang ibig kong sabihin....bakit ka magpapahula diyan?? Hindi ba gumagamit ng black Magic si ESRIA?" nahihintakutang tanong nito. "Paano kung isumpa ka niya? Baka pumangit ka pa. Kaya tara na....halika na...umalis na tayo dito." hinila niya na ako paalis.

"Hoy! Ano bang pinagsasasabi mo? Anong gumagamit ng Black Magic? Naprapraning ka na Mic Mic....kakapanood mo yan ng MIRROR OF THE WITCH NO?" ako. Nakuu..itong babae talagang to ang takaw manood ng korean novela kaya kung ano ano na ang tumatakbo sa isip niya.

"Hehe...charr ko lang yun. Pero malay mo naman.....bakit ang galing galing manghula ng babaeng yun? Sino ba siya? Bakit hindi ko pa siya nakikita? Ang sabi nung mga nakakapasok sa loob nun....nakakatakot daw sa office niya...pero black candles lang. Tapos yung lipstick na itim lang daw ang nakikita nila kasi may harang....kaya hindi nila makita yung babae. Brrrr. Nakakatakot diba?? Kaya wag mo ng tangkaing magpahula okay??" pangaral pa niya sa akin. Tsk tsk. Talaga naman ang babaeng ito ang hilig hilig maniwala sa kwento.

"Saan mo naman napulot yang tsismis na yan?" tanong ko.

"Aba bruha....hindi yun tsismis... totoo yun....galing dun sa magandang nerd na fourth year.....sino nga yun?? yung...ano....yung kaklase nila ate Jaycee....ano ngang pangalan nun....Kris.....Kirs.....ah basta yun!"

"Tch. Baka naman Kristine??" Nakaarko ang kilay na sabi ko.

"Ah..oo..siya nga."

"Bakit...nagpahula ba siya?"

"Eh...baka...diba kadate siya ni kuya mo kahapon?"

"Ha?? Saan mo nalaman yan?"

"Ay...girl...huli ka na sa balita...kalat na kaya sa Campus... Ano ka."

"WHAT?!" ako. Naku alam ko na malamang yung Kristine na yun ang nagkalat. Kagigil talaga ang babaeng yun.

" Ay patay girl! Bilisan natin.....may meeting nga pala ang Photography Club!! Kaya nga pala kita tinawag kanina.....ikaw naman tuloy tuloy sa office na yun.....nawala tuloy sa isip ko yung meeting......bakit ba naman kasi may ganun dito sa kingdom high??" umiiling na wika nito bago tiningnan ang wristwatch. "Hala ...biliiiis."

Nagpahila na lang ako.

Pasensya na readers may meeting pa pala kami...hindi ko maikwento sa inyo yung nangyari kagabi..... basta... stay tune lang kaya...

Maybe someday...sooner...

YOU'LL KNOW THE TRUTH.

:D Hello po. Nagustuhan nyo po ba yung First time na POV ni JP?? Comment down lang po. Maraming Salamat sa Paghihintay.

THE PLAYBOY'S PRINCESS SERIES 1:THE ARROGANT PLAYBOY AND HIS NERD PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon