PLAYBOY 6: WRONG DECISION

66 5 3
                                    

PLAYBOY 6: WRONG DECISION

Yung akala mong maling desisyon....yun pala yung tama.

JAYCEE'S POV

Sabi sa akin ni Ma'am Tiongson pumunta na lang daw ako sa Bernardo mansion. Binigay niya sa akin yung address ng bahay.

"Kuya, dito na lang po." sabi ko kay Manong driver. Hindi kasi allowed ang taxi sa loob ng subdivision. Pang mayaman kasi.

"Magkano po?"

"Isang daan ineng."

"Grabe naman kuya, isang daan agad? Eh halos diyan lang kami sa kabilang subdivision ah." reklamo ko kay Kuya driver.

"Mahal ang gasolina ngayon." Mukhang nainis na si Kuya.

"Kuya, kakapanuod ko lang po ng balita kagabi, roll back po ang gasolina ngayon."

"Singkwenta na lang nga." nayamot na si Kuya.

Binigay ko yung 100 pesos. Tapos bubulong bulong pa si Kuya driver habang inaabot ang sukli ko.

"Sa susunod maglakad ka na lang Miss. Masyado kang makwenta." Agad na inarangkada ni kuya ang taxi niya paalis.

"Sige kuya, salamat. Sa susunod po sasakyan na ang bibilhin ko. Bye, bye. Drive carefully!" pahabol ko. Sa akin pa nagalit si kuya eh totoo naman yung sinabi ko. Bakit ba may taong nananamantala ng kapwa?

"Ayos neng ah. Tama lang yung ginawa mo."

Nagulat naman ako sa nagsalita. Si Manong guard pala.

"Salamat po Manong. Mukhang minasama po ni kuya driver eh."

"Hay naku ne, ganyan talaga. Kunyari magagalit sila kasi wala na silang masabi. Anong pakay mo, parang ngayon lang kita nakita dito ah."

"Eh pupunta po kasi ako sa bahay ni Mr. Miguel Bernardo. Alam niyo po ba kung saan yun?"

"Ah si Sir Miguel. Madali lang naman mahanap yung bahay nila. Basta may makita kang pinakamalaki at pinakamagandang bahay, yun na yun."

"Sige po salamat po." Pinapasok na ako ni Tatay sa gate.

"Ikaw ba si Jaycee?"

"Ay opo. Bakit po?"

"Ipinaalam ka na sa akin ni sir kanina. Akala ko naman kasi lalaki. JC kasi ang pagkakaintindi ko, hindi Jaycee."

Nginitian ko lang si Tatay. Hindi rin siya palakwento no? But he's friendly. Bigla ko tuloy namiss si papa.

"Sige ne, tumuloy ka na. Hinihintay ka na ni sir." Pagtataboy niya sa akin.

"Tatay, bakit po sir ang tawag niyo kay Mr. Miguel?" Naisip ko lang itanong bago ako umalis. Kanina ko pa kasi napapansin na sir siya ng sir.

"Kasi anak, siya ang may- ari ng subdivision na ito. Tingnan mo yun oh."

Tumingin ako sa itinuro ni tatay.

May nakaengrave na mga letra.

BERNARDO VILLAGE

Ah. Ang bobo ko. Ngayon ko lang nabasa.

"Ahehe. Oo nga po pala. Bernardo nga pala ang apelyedo ni Mr. Miguel. Sige po, alis na po ako."

Tumango ang guard.

"Wow, ang ganda ganda nung bahay nila! Ang laki laki pa tapos ang daming Close- Circuit Television (CCTV)." Halatang pangmayaman talaga tong bahay--- oops... mansion pala nila. Malaki din namang yung bahay namin pero yung bahay na ito, grabe! To the highest level sa sobrang laki. Hindi ko man makita ang loob kasi ang taas nung pader, kita ko naman yung mansion. Hindi talaga nakapagtatakang magbayad ng biente singko mil, yung Miguel Bernardo na yon. Yaman yaman nila eh!

THE PLAYBOY'S PRINCESS SERIES 1:THE ARROGANT PLAYBOY AND HIS NERD PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon