PLAYBOY 2- FINDING MR. RIGHT
--------Party -------
At last nakarating din kami. Ibinigay namin sa Ushurette ang invitation card namin para makapasok kami ng gym kung saan gaganapin ang valentine's ball. Buti na lang at hindi pa nagsisimula.
Ewan ko kung ano na namang pakulo ng school namin. This party is a surprised ball. Ibig kong sabihin hindi namin alam kung anong gagawin namin. Impromptu kumbaga. Basta susunod lang daw kami sa sasabihin ng Emcee.Psh. Dami nilang alam. Mas masarap sanang magbasa na lang sa bahay. Hay buhay.
Napalingon kami sa entrance ng gym ng makarinig ng tilian. Hindi ko na kailangang lumingon para malaman kung sino ang tinitilian ng mga babaeng nasa paligid ko dahil mega phone na yata ang mga vocal cord nila. Tss. Ang sarap salaksakan ng dalawang jolly ang mga bunganga nila.
MY! MY! LOOK AT KIER! GRABEEE ANG SUPER GWAPO!" Kinikilig na bulalas ng mga mukhang Sophomore students.
"ANG GWAPO MO RENZ ANTHONY ALVAREZ!"
Napangiwi ako sa lakas ng sigaw. Ano ba ateng, hindi po ito palengke at lalong walang concert.Makahiyaw naman wagas? Kung One Direction pa siguro ang dumating baka makipag unahan pa akong magpaautograph.
"ENERU AKIN KA NA LANG PARA KOMPLETO NA ANG BUWAN KO! IM SURE MAS MASAYA NA ANG ARAW NG PUSO KO!"
Wow ha. Nice punchline.
"OH MY GHAD! ANG GWAPO TALAGA NG FIVE STARS!" mga babae sa paligid.
"TRUE. ANG HOT HOT NILA LALO NA SI BRENT. I'LL MAKE SURE NA AKO ANG MAGIGING PARTNER NIYA SA BALL NA TO."
Napataas ang kilay ko. Lakas makaasume ah.
"Go Samantha, I know you can do it."
Nga naman oh. Ginatungan pa. Buhay. Ano bang meron sa five stars na to? Bukod sa gwapo wala na akong nakikitang maipagmamalaki nila. Judgemental ba? Sorry naman. HATERS KASI NILA AKO. Why? Because they hurts so much women. Pero nakapagtatakang hindi pa rin sila tinatantanan ng mga babae.Mas lalo pa nga yatang dumarami kaya mas naiinis ako sa kanila. Ang sarap nilang paputukan gaya ng pangalan ng grupo nila. FIVE STARS.
"Cash will be mine tonight." bulong ng babaeng nasa may tagiliran ko.
Medyo nangilabot ako. Ang creepy kasi ng pagkakasabi nung babae. Parang do or die lang eh.
Nagsalita ang Emcee."Mukhang nandito Na ang kumikiliTi sa puso niyo. tama ba?!"
"yeeessss!!!" sabay sabay na sigaw nila.
"Psh. Masyado silang maingay." reklamo ni Loulle sa tabi ko.
"Yeah. Sarap plasteran ng bunganga! Kala mo nakalunok ng sandamakmak na palaka! Ang liligalig!"
Napangiti ako sa sinabi ni Dani. Mukhang beast mode na naman siya.
"Right ka diyan girl!"Jhun
"Mag Rite Med." si Alex.
Napatawa kami.
"Sira!" sabi ko then tinapik siya ng mahina.
Nagsalita na uli ang emcee. "Who wants to date one of the Five stars? Gusto niyo ba?! "
"YEsssss!"
"Ready na ba kayo?!"
"Of course!" the crowd shouted maliban sa aming lima.
"Okay umpisahan na natin ang saya! Pero bago yun ipikit niyo muna ang inyong mga mata para sa isang sorpresa.Magmumulat lang kayo kapag sinabi ko naintindihan nyo?" emcee
"OPOOO!"crowd
Nag dim ang ilaw tapos inutusan kami ng emcee na pumikit na. Makailang minuto pinamulat kami. Nakita ko ang magandang maskara na nasa kandungan ko.
"NAKITA NYO BA ANG MGA MASKARA SA TABI NIYO?" emcee.
"Yeessss!"
"YOURE GOING TO WEAR IT." announce ulit nung emcee.
Malamang. Alangang kainin namin yon. Hindi naman nakakabusog.
Namatay ang ilaw sa gym.
"NGAYON ISUOT NIYO NA ANG MASKARA." hudyat ng emcee.
Isinuot ko yung maskara. Pero badtrip kailangan kong tanggalin ang salamin ko. Tss. Labo pa naman ng mata ko. Bakit ba hindi ininform na masquerade ball pala ito? Nakakainis. Edi sana nakapag contact lens ako. Psh.
"NOW SINCE YOU ARE WEARING YOUR MASK. LET US PLAY A GAME. THAT GAME IS CALLED "FINDING MR. RIGHT". WHAT YOU'RE GOING TO DO AY HANAPIN ANG LALAKING MAY KAPAREHAS NA MASKARA NG SA INYO. AND HE/SHE WILL BE YOUR DATE UNTIL TWELVE MIDNIGHT. NAKUHA NIYO BA?"
Putik. Anong dami namang kaekekan ng program na ito. Hindi na ko natutuwa pero yung mga taong nasa paligid ko tuwang tuwa.
"IBIG SABIHIN LANG NUN HINDI NIYO KILALA ANG MAGIGING KADATE NYO. GETS? " emcee.
"GEEETSSSS."
"I wish si Kier ang kapareho ko ng maskara."
"Akin sana si Brent."
"Let it be Renz."
"Sana po si Eneru."
"Magdadasal po ako lagi kapag hinayaan Nyong si Cash ang maging kadate ko."
Napailing ako sa naririnig na kahilingan ng mga babae sa paligid ko.
"Sana po hindi miyembro ng FIVE STARS si Mr. Right ko." ako.
"Now you can starts finding your 'Mr. Right '. GoodlUck Everyone! " sabi nung emcee.
Author's note :
Hello po. Nagustuhan nyo po ba yung first two chapters? Sana po nagustuhan niyo kasi para talaga sa inyo yan!
BINABASA MO ANG
THE PLAYBOY'S PRINCESS SERIES 1:THE ARROGANT PLAYBOY AND HIS NERD PRINCESS
Novela JuvenilThe Playboy's Princess 1 : THE ARROGANT PLAYBOY AND HIS NERD PRINCESS One dance can change everything...... Iyan ang nangyari kay Jaycee. A simple dance and his voice. The prince's husky and adorable voice. With his mysterious green eyes and his he...