PLAYBOY-1: FRIENDS

328 7 6
                                    

PLAYBOY-1: FRIENDS

Jaycee's POV

"Anong petsa na, wala pa rin si Alex?!" Tanong ko kay Jhun. Kahit kailan talaga napaka ng babaeng yun. Balak kasi naming sabay sabay pumunta ng valentines ball. Ang dami kasing kaetchusan ng eskwelahan namin kaya obligado kaming umatend ng okasyon. Dahil kung hindi magpafines kami. NG MALAKI. Hindi naman AKO mayaman kaya wala kaming magagawa kung hindi ang makipagplastikan sa mga plastic na nagkalat sa school namin sa gabing iyon. At usapan namin na sa bahay ang meeting place dahil malapit lang kami sa Kingdom High School.

Umiling si Jhunnica. "Knowing Alex hindi ka na dapat nagtaka. When did she arrived on time, aber? Kahit yata ang presidente ng Pilipinas hindi kayang mapaaga ang dating ng babaeng yon. Alam mo na, 'better late than never 'nga daw diba?"

Tss. "Oo nga no. Letseng yon pag intayin ba naman tayo."

Nagpasensiya pa kami maghintay.

5 minutes ......

10 minutes ....

15 minutes ....

Putik. Wala pa rin ang bruha.

"Hoy! Loue, tawagan mo na nga yung babaeng yun! Aba anong petsa na wala pa rin ang anino nya. Sabihin niya lang kung may balak pa siyang dumating. Hindi ba alam ng babaeng iyon na sawang-sawa na akong maghintay?!" sigaw ni Dani. Mukhang sumabog na ang luka. Haha. At ano yung sinabi niya? Hugot?!

"Kalma lang girl parating na daw siya." si Louella na kakapatay lang ng phone.

"Mabuti naman." sabay sabay na sabi namin.

10 minutes later.

"WHAT THE FROG! AKALA KO BA PARATING NA ANG BABAENG YUN? WHERE THE HELL DID SHE GO?!"

Hala nag alta presyon na naman si Dani. Sa grupo, siya ang may pinakamaikli ang pasensiya. No one of us messed with her beast mode. Alam niyo na bumibitchy bitch yan kapag ganyan. Wag ka nalang makialam kung ayaw mo mabatukan. Kung hindi niyo naiitanong may pagkaboyish yang babaeng yan.

"Let's give her another five minutes. At kapag hindi pa siya dumating where making our way to school." si Loue. Nakadekwatruhang nakaupo lang siya sa couch.

Siya naman ang pinakamahinahon sa aming lahat. Ewan ba pero hindi ko pa yata siya nakitang nagpanic over something. Ang kalma kalma lang niya sa lahat ng oras.

"Alright. Let's give her a second chance." ako.

Kung hindi nyo pa alam ako ang utak ng grupo. Hindi ko naman sinasabi na bobo yang mga yan ...pero parang ganun na nga.Haha joke lang. What I mean is ako ang pinakamatalino sa amin hindi man sa pagbubuhat ng bangko pero totoo yun. Tamad kasing mag aral yang mga yan. Kung hindi pa mag eexam hindi pa sila mag aaral. Hindi sila vibes ng mga libro sa library kaya gumawa ako ng time frame para sa group study namin. May kanya kanya kasi sila ng hobbie kaya para siguradong papasa kami at walang maiiwan sa grupo we decided to have a review session every saturday afternoon sa lessons namin sa buong linggo kaya ayun ang resulta lahat kami kasali sa top.

"Hindi sa lahat ng pagkakataon kailangang may second chance kasi hindi mo alam sa pangalawang pagkakataon pala na yun mas masasaktan ka. You also need to consider the person na pagbibigyan mo ng second chance if he's deserving or not." komento ni Jhun.

Siya ang fashionista sa grupo. Pang model ang figure, ang tindig and everything in her shouted fashion kaya hindi ko alam kung saang balon niya nahukay ang mga sinabi niya. Ang lalim eh!

"Wow ha! Nice line Jhun. San mo napulot yon?" si Loue.

"Malamang sa palengke ang bitter eh. Umaampalaya." si Dani.

Nagtawanan kami lahat. Loko talaga tong mga kaibigan ko. Pero buti na lang kaibigan ko sila.

Sumimangot si Jhun. "Ang sama niyo talaga."

"Hoy bruha ng magsabog ang Diyos ng kagandahan sa akin kaya lahat napunta." banat ni Loue.

"WHAT?!" sabay sabay naming sabi. Lakas talaga ng hangin ng babaeng ito.

"Eww ka Louella. Disgusting. Kita mo yung dos por dos na yon?" tanong ni Dani.

"Yup. So?" taas kilay na sagot nito.

"Kasing kapal niyang mukha mo!" banat naman ni Dani.

Nagtawanan uli kami. Mga siraulo talaga. Yan kami eh at walang magbabago.

"Ouch ha. Masakit din yun Daniella. " Loue

"Yeah, right. "

"HELLO GUYS. DID YOU MISS ME?"

Napatingin kami sa pintuan. Makasigaw wagas? Buti na lang at dumating na si Alex. Thirty minutes din naman kami naghintay.

"Hay salamat dumating din." komento ni Loue.

"Asa ka. Buti at nakarating ka. Akala ko hindi mo na nakita bahay ni Jaycee ah." pasaring ni Dani

"We think natabunan ka na ng something eh." si Jhun.

"Hindi ako natabunan, tinalamsikan lang naman ako." naiinis na wika nito. "Bwisit na may-ari ng Lamborghini nayon patay siya sa akin pag nakita ko ang kung sino mang umang na driver ng sasakyan. Wala akong paki kahit gaano pa kaganda ang sasakyan niya. Lintik lang ang walang ganti!" nanggagalaiting monologue nito.

Saka lang namin napansin na medyo basa nga ito at ang damit nito ay madumi dahil sa putik.Puti pa naman.

"Now, anong susuotin ko." tumingin ito sa damit nito. "Damn the driver of that expensive car! Hindi ko talaga siya mapapatawad!"

"Yah. I have a spare here." Inilabas ni Jhun ang isang revealing dress sa Luise Vuitton na bag nito. "Wanna try?"

Nagusot ang mukha ni Alex ng makita ang dress. "Seriously, yan ang ipapasuot mo sa akin?"

"Yeah. What's the problem?" sinipat ni Jhun ang damit. "Maganda naman ah!"

"Hindi ko naman sinabing pangit. Ayoko lang niyan. Sobrang ikli. Dress pa ba yan?" si Alex.

Nanlaki ang mata ni Jhun. "Of course! FYI, ito kaya ang uso ngayon. It's fashion!"

Nagkibit balikat si Alex. "Nothing's change. AYOKO.NIYAN." bumaling siya sa akin. "Pahiramin mo na lang ako ng disenteng dress mo diyan Jaycee."

Tumango ako.

Inirapan ni Jhun si Alex. "Fine! Kung ayaw, edi wag. Choosy pa daw ba? Psh."

Binelatan lang ito ni Alex. Lukaret talaga ang mga kaibigan ko kahit kailan. Hay.

Sa huli pinahiram ko ng dress si Alex bago kami tumuloy sa party.

THE PLAYBOY'S PRINCESS SERIES 1:THE ARROGANT PLAYBOY AND HIS NERD PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon