Jhunnica's POV
"Oh my God! May nag aaway daw sa gym!"
I almost rolled my eyes and stop reading my precious wattpad story. It's title? "EXCLUSIVELY HIS". Exciting na nga ang nangyayari kaya lang hindi ko maitutuloy ang pagbabasa hanggat maraming bubuyog sa paligid.
Gee. Nakakaasar.
"Nandiyan na naman sila." Narinig ko ring sabi ni Loue sa tabi ko. Busy din siya sa pagbabasa and we're both hooked on the story kaya ang buong barkada maliban kay Jaycee ay nagbabasa ng ebook na yun.
BESTFRIEND, I LOVE YOU. Yan kasi ang title nung binabasa niya.
Saka ko na babasahin yun, pagkatapos na nito. Pero palagay ko matatagalan ako dito kasi ang dadaldal ng queen bees sa paligid. Buti pa si Daniella at Alex nakakapag concentrate pa rin sa pagbabasa.Nakakahili sila samantalang kami ni Loue ay nawawala sa mood kapag maingay ang paligid.
"Nasan si Jace?" tanong ni Daniella.
"Sa cr yata. Hindi ba nagpaalam sa inyo?" tanong din ni Alex.
"No." si Loue. "Guys, didn't you feel something strange about Jaycee?" Nakakunot noong tanong nito.
"Haha. Strange? Sus. Wala yun." si Alex. "Pero parang may something strange nga kay Jaycee simula pa nung sa ospital siya."
Ang gulo talaga ng babaeng ito. Wala daw pero at the end meron din pala.
Tsk. Pero ano nga kaya yun? Feeling ko din kasi may hindi siya sinasabi sa amin.
"Aherm.... guys." Dani.
Naku agaw attention talaga si Dani.
"I have something to tell you." seryosong sabi nito.
Agad kaming napatingin sa kanya. Sumeryoso din ang bawat isa sa amin.
Alam kasi namin na importante ang sasabihin nito.
"Ano yun?/ What is it? / Sabihin mo na." We said in choros.
Ako. Si Loue at si Alex ay matamang nakatitig sa kanya.
"Nung gabing dinala sa hospital si Jaycee, galing siyang THE BULL."
Nanlaki yung mga mata namin.
"The b-bull? " Hindi makapaniwalang tanong ni Loue.
"Anong ginawa niya dun?" ako. I know I'm having a big eyes. Pano ba namang hindi? Kataka takang ang isang Jaycee Camille Perez ay pupunta sa lugar na iyon."Totoo? Si Jaycee??" Hindi rin makapaniwalang bulalas ni Alex.
Hindi na kataka takang ganito ang reaksyon namin. Si Jaycee yun, not Dani, Alex, me or Loue. She never enter a place like that.
"Diba, exclusively for men lang ang bar na yun? You can't enter unless may kasama kang lalaki." Alex.
Napatingin kami pare pareho sa isat isa.
Iisa lang ang nasa isip namin.
Sinong kasama ni Jaycee?
"Sinong kasama niya?" di na napigilang tanong ni Loue.
"Bakit hindi niya sinabi sa atin." ako.
"I don't know pero siguro she's thinking about me." sabi ni Dani
"About you?!" sabay sabay uli kami sa pagsasalita.
The story is getting more complicated. Si Jaycee then si Dani? I can't see the connection.
"Si Eneru ang nagdala sa kanya sa ospital." sabi nito.
Halos lumuwa mga mata namin.
"WHAT?!" my jaw almost drop.
Yung cold, woman hater na si Eneru Jim na yun? Dinala sa hospital si Jaycee. Unbelievable!So kaya, hindi sinabi sa amin ni Jaycee kasi nag aalala syang baka magalit si Dani. Kasi inlababo na ang friendship namin sa lalaking yun. She quit the bet na nga eh. Ayaw niya na daw lokohin si Eneru. O diba? Nainlove din siya dun sa lalaking yabang na yabang siya. Tss. The mystery of love nga naman.
Ngayon, I see the connection na.
"Eneru called me, saying na nasa ganyang ospital si Jaycee, na nasa number 127 siyang room. Na bigla not na lang daw siya nahimatay." patuloy na kwento ni Dani.
"Akala ko si Carl ang nagdala kay Jaycee sa ospital?" tanong ni Loue.
Oo nga. Kasi naabutan na namin dun si Carl.
"Hindi ko rin alam. Pero nakiusap sa akin si EJ na kung pwede wag ko ng ipaalam na siya ang nagdala sa ospital." Pagtatapos ng kwento ni Dani.
"Paano mo nalaman lahat to?" tanong ni Alex.
Nangunot din noo ko. "Oo nga? How come ikaw lang? Okay given na yung alam mo kung sinong nagdala sa kanya sa ospital, pero kung saan siya nanggaling, nakakapagtaka." ako.
"Jhun has a point, Dani." Loue. " Where did you get this info?"
May kinuha itong black card at may nakaengrave dung mga letra. "What to know something? Come at FORTUNE TELLER'S OFFICE."
~ESRIA.
Tapos sa likod ng card ay ito ang nakalagay sa gitna ng may salamin na larawan.
"THE FORTUNE TELLER'S OFFICE- YOUR FUTURE IS HERE.......KNOCK KNOCK SEVEN TIMES IF YOU WANNA COME IN."
"Fortune teller? ESRIA? What the hell is that?" si Alex.
"Is it some kind of frank?" ako.
"Yan din ang akala ko. But when I received the next note, at napatunayan ko na totoo, naniwala na ako." sabi pa nito.
"Next note?"
"Jaycee went to the exclusive men's bar." ~ESRIA.
Yun ang nakalagay sa pangalawang note tapos sa likod ay picture naman ni Jaycee ang nasa larawan ng salamin.
"Hindi ako naniwala kaya ako mismo ang pumunta sa lugar na iyon. I disguised myself as a guy and asked the butlers kung may pumunta nga bang babae sa lugar na yun nung Monday ng gabi. I gave them the picture of Jaycee. And they confirm it to me, but never gave other details kung sino ang kasama niya. They said its confidential." mahabang paliwanag nito. "And that's when I received the third note."
"Third note?!" kaming tatlo uli
"Yes.""What was it said."
Pinakita niya uli sa amin yung pangatlong card.
"I'm right, didn't I? I know you want to know more."~ESRIA
Tapos yung likod sa larawan ng salamin ay nakalagay ang picture ng tatlong lalaki.
Cash Joshua Bernardo, Eneru Jim, and Carl James Arellano.
Clue ba ang mga picture na yun?
Isa ba sa kanila ang kasama ni Jaycee?
Cash Joshua Bernardo, Eneru Jim, and Carl James Arellano.
Kung ganun sino sa kanila?
Or it is the other way?
Baka naman lahat sila?
BINABASA MO ANG
THE PLAYBOY'S PRINCESS SERIES 1:THE ARROGANT PLAYBOY AND HIS NERD PRINCESS
Ficção AdolescenteThe Playboy's Princess 1 : THE ARROGANT PLAYBOY AND HIS NERD PRINCESS One dance can change everything...... Iyan ang nangyari kay Jaycee. A simple dance and his voice. The prince's husky and adorable voice. With his mysterious green eyes and his he...