PLAYBOY-3: HE FOUND ME

73 6 3
                                    

PLAYBOY 3- HE FOUND ME

Love moves in mysterious ways....hindi mo alam kong kelan darating...at lalong hindi mo alam kong kelan ka tatamaan.....

Someone's POV

Ano ba namang kaartehang to. Do they really need to do this? I prefer glass of hard drinks rather girls right now. Anong mapapala ko dito?

"Hoy pare, ayaw mong makijoin?"

"This is interesting."

What? Interesting? Eh this is somewhat a gay thing to me. Pa-finding Mr. Right pa silang nalalaman. Pauso.

Sobrang dami na ng crowd at ang dami narin ng mga babaing paikot ikot kakahanap ng Mr. Right nila kuno.

"AFTER NYONG MAKITA ANG PARTNER NYO, GO TO THE USHURETTE NEAR THE ENTRANCE AND GET YOUR TABLE NUMBER AT DOON KAYO UUPO. " dagdag announce nung emcee.

Madami dami na din ang partners na nakasettle na sa kani kanilang table. Yung mga lokong myembro ng Five Stars ay okay na rin yata. May partner na sila. Pero yung babaeng may kapareho ko ng maskara wala yatang balak hanapin ang Mr. Right niya.

Kung ayaw niya. Wala naman sigurong masama kong ako ang maghanap sa Ms. Right ko diba?

"I thought you're not interested?" sabi nitong right side of my brain.

Im just going to try it. Wala namang mawawala sa akin diba? Kaya ayun hinanap ko din siya.

Jaycee's P.O.V

Arrrggh. Nakakaasar wala akong masyadong makita. Masyado pang madaming kumukutitap na ilaw. Yung apat nilayasan na ako sa table namin. Hahanapin na daw nila si Mr. Right nila. Kaya ako nalang mag-isa.

"Excuse me, Miss. You can get out, this is our table."

Napatingin ako sa nagsalita. I knew her! May kasama siyang lalaki na nakatuxedo at kaparehas niya ng mascara. Ngumuso ako. So she found her Mr. Right ha.

"Pwede ba Daniella, wag mong gamitin yang bitchy tone na yan sakin."

Hinampas niya ako.

"Aray. Ano ba?"

"Don't ruin the game. He doesn't supposed to know me." Reklamo nito.

Ahaha. Oo nga pala. "Sorry." Umalis na ako sa upuan. Now where should I find this Mr. Right of mine? Malabo pa naman ang mata ko. Huhu.

Ilang minuto narin akong parang tangang patanaw tanaw sa paligid ko despite my situation.My eyes situation. Pinipilit kung inaaninag ang Mr. Right kong nowhere to be found pa o ayaw lang talaga magpakita. Kagaya ko rin ba siya na naaasar sa mga kaekekan ng programang ito at walang balak makipagparticipate on the first place? Kung ganon nga ang sitwasyon, I'm only making fun of myself here. Mukha akong tangang nakatayo dito habang yung iba ay halos settled na at may kanya kanyang ng partner. Wait. Naiinggit ba ako? Oh c'mon. It's a big no. Hay naku. Nubayan. Bakit ba kailangang may ganito pang game?

Magigive-up nalang sana ako at tinanggap na wala na akong pag-asa. Kesa naman daw ulaga akong naghihintay sa wala at parang ulol na nakatayo dito ay mas mararapatin ko na lamang na mag intay sa bleachers sa gilid ng gym. Pero hindi pa ako nakakaisang hakbang ng mapalingon ako. Nagulat na lang ako ng bigla may kamay na humawak sa braso ko.

"Hi. I'm afraid you will be my date tonight."

Napatingin ako sa nagsalita. Wow. Ang gwapo ng boses! Ang husky. Brrrr. Mukhang hindi papayag ang Diyos na umistambay lang ako sa bleacher ah! Gusto Niya rin akong makisawsaw sa araw na ito. Or Cupid just didn't want to see some nerdy girl on the bleachers while others are busy with their Mr. Rights?

THE PLAYBOY'S PRINCESS SERIES 1:THE ARROGANT PLAYBOY AND HIS NERD PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon