PLAYBOY 24: THE PAGEANT

29 0 0
                                    

"Good evening everyone! Are you excited?!" Ganadong tanong nung emcee. Punong puno na ang gym nung dumating kami.

"YES!!" Sigaw nung mga estudyante ng Kingdom High.

"May mga bet na ba kayo?" Tanong uli nung emcee.

"Of course!"

"Kung ganun wag na nating patagalin ang ating paghihintay. Let's now call our 8 lovely candidates from 1st year to 4rth year."

Naghiyawan ang mga estudyante.

"Jaycee okay ka lang ba? Para Kang hindi mapaihing pusa diyan."

Tanong sa akin ni Jhunicca. Pauli uli kasi ako.

"Oo nga girl, para kang turumpong pauli uli diyan." Si Loue.

Hay naku. "Can you blame me? Eh first time ko tong sumali sa pageant no."

Kinindatan ako ni Jhun.

"Don't worry girl, kaming bahala sayo. We will make you a princess. This night will be yours." Si Loue.

"Loue's right Jace, so don't worry yourself." Pag-aasure pa ni Jhun.

"Okay, okay. Sabi niyo eh." Tumango na lang ako. Kelan ba ko nanalo sa kanila? Hay.

Kaming tatlo tsaka yung iba pang candidates at tsaka kani kanilang make up artist ang nandito sa dressing room sa backstage.

Si Loue ang make up artist ko at si Jhun naman ang bahala sa mga gagamitin kong gowns and dresses. Si Alex at Dani naman ang bahala sa pagtsicheer. Ewan ko kung anong pakulo nung ng mga yun.

"O itakid mo na tong number mo. Panghuli ka pa." Si Loue.

"Hmm. That's better." Si Jhun.

"Much better ba yun? Mas maganda nga sana kung mauna ako para tapos agad ang kaba." Reklamo ko.

"Hay naku, Jaycee you really never know the real score of this pagaent. Alam mo kapag huli ka. Everyone is waiting for you. Nasa yo ang attention ng mga madlang people." Paliwanag ni Jhun.

"Yup." Sang-ayon ni Louella. "We will make sure na pinakamaganda ka sa lahat."

"Oo na. Oo na."

"Candidates please proceed to the stage as I call your name." Narinig naming inform nung Emcee.

Tumugtog na yung kantang Closer.

"Guys let's give them a big hand as I call our candidates."

Hindi lang palakpak ang ibinigay nung mga manonood. Pati lakas ng hiyawan.

Nag-umpisa ng magtawag yung Emcee.

"Our contingent number one, Ms. Kristine Saberola Castillo."

Naghiyawan yung mga estudyante ng lumabas ng entablado si Kristine.

Ang dami ding nagsisigaw sa pangalan nito.

Si Kristine yung pang-una at ako naman yung panghuli. Nakakatawa diba. Tapos kanina nung nagkasabay kami sa Powder Room ay winarningan niya pa ako. She said na sigurado nang siya ang mananalo sa pagaent na to.

Eh ano namang pakialam ko kung manalo siya. Wala naman akong paki dun. Kahit iuwi niya na lahat ng awards. I just joined this for the sake of my friends. Mapilit sila eh.

"Contingent number two, Ms. Sharmaine Joy Meran Villanueva!"

"Contingent number seven, Celina Veron Cruz."

Hindi ko nga alam kung bakit ang init ng dugo sa akin ng Kristine na yun eh wala naman akong ginagawa sa kanya. Hay naku. Bakit nga ba may ganun no? Yung tipong may galit sayo pero hindi mo alam kung anong dahilan. Tsk. Ka imbyerna diba. But hell, bahala sila. Mamatay sila sa galit.

"Last but not the least our contingent number eight, Ms. Jaycee Camille Montaña Perez."

Pero talagang nakakaasar lang. Naiirita na nga ako sa babaeng yun eh.

"Jaycee ikaw na!"

"Ha?" Nagulat naman ako sa biglang sigaw ni Loue.

"Ikaw na!"

Napatango tango naman ako at nagmamadaling lumakad palabas ng backstage.

Tsk. Kamuntik pa kong matapilok. Tss.

Turn ko na pala hindi ko pa namalayan.

"Ano kayang nangyari kay Miss Perez. What take her so long?"

Narinig ko pang sabi nung Emcee. Hay naku ang katangahan ko na naman umiral pa. Tsk.

Sa wakas naglalakad na din ako pa stage. Narinig ko namang may Naghiyawan sa may bandang gitna ng audience at muntik na kong mapatigil sa paglalakad nung matanto ko kung sino yung mga nakacheerdance ng suot. Si Alex at Dani may hawak pang pompoms. Haha. Ang cute nila.

"Go Jaycee, Go Jaycee!"

Grabe makacheer yung dalawa. Ang lakas ng boses at talagang ginaya pa yung mga fangirls ni Rokawa ng Slumdunk sa hanep ng attire.

"Wow mukhang may fans club si Miss Perez ah." Bati nung emcee.

"ANG SEKSI MO! WEWEEEET!"

Ay. Siraulo talaga tong Alex na to.

Nakashort lang kasi kami para sa production number.

Lahat kami nakawhite shirt at black short na may ternong black boots na hanggang tuhod. But the things is we're still wearing our glasses.

First time ko lahat to. Yung pagaent, yung attire, yung humarap sa madaming tao na nakaganto.

Pakiramdam ko nga nanginginig yung tuhod ko. Jeez.

"Since kompleto na ang ating mga candidates, wag na nating patagalin pa ang ating paghihintay!"

"But wait let me ask you guys. Who do you think will win the crown tonight? Let me hear yung mga bet nyo!" Tanong pa ni Miss Emcee.

"Number One!" Sigaw ng audience.

"Number Six!"

"Number Three!"

"Number Seven!"

"Syempre yung Number Eight!" May sumigaw kasi bigla sa may tagilirang bahagi nung gymnasium. "GO ATE JAYCEE! GO FOR THE WIN!"

Napangiti ako ng mapagsino yung sumigaw.

Si JP. Kapatid ni Cash. Kasama din nito yung circle of friends nito sa pagcheer sa akin.

"GO JAYCEE! GO JAYCEE!" sabay uli na sigaw nung dalawa habang winawagayway yung pompoms nila. Haha. Angq cute nung dalawa.

"Wow ha! Mukhang popular si Miss Perez ah!" Sabi nung Emcee.
"Let us not delay our audience for a long time. Let us have their production number. Game na ba kayo?!"

"YES!!!!"

"But before that let's give our contestants around the applause."

Nagsipalakpakan ang mga estudyante. Hudyat iyon para magpatugtug na ang DJ.

"Again, our contingent in their production number."

THE PLAYBOY'S PRINCESS SERIES 1:THE ARROGANT PLAYBOY AND HIS NERD PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon