PLAYBOY 23: TRANFORMATION DAY

54 2 1
                                    

PLAYBOY 23: TRANFORMATION DAY

JAYCEE'S POV

Naku naman.....kahit kailan. Pauso talaga ang school na to. Nung una Surprise Valentines Ball....ngayon naman TRANSFORMATION DAY??!!

Ang dami nilang kaekekan.

"Wow.....masaya to!" komento ni Jhunnica.

"Yups... I'm looking forward to it." Si Daniella.

Sus. Ito namang si Dani makaagree wagas. Kakaiba no. Palibhasa may balak akitin. Tsaka supaahhh pretty nya ngayon. Pursigidong manalo sa bet. Ikaw ba naman magkaroon ng lamborghini diba?? Huhu.

"Me too. I'm excited." si Louella.

Edi wow. Sige kayo na!!

"Hmmm... parang masaya nga." sang-ayon din ni alex na akala ko ay siyang tatanggi. Pero obviously akala ko lang yun! Maraming namamatay sa maling akala....pero siyempre HINDI AKO KASAMA DUN.

Sige kayo na talaga!! Ang saya nyo masyado ha. Tch.

"Ikaw Jaycee, what can you say??"

Sumimangot ako. "No comment."

"Hay naku......ang boring talaga ng life mo girl." komento ni Jhun.

"Okay lang." ako. Eh ano namang gagawin ko? Hindi ako mahilig sa ganyang kaechusan. Sila na lang...Wag na lang nila akong idamay. Tahimik na ang mundo ko...nung isang araw pa. Simula nung isang gabi na wala akong maalala kung bakit katabi ko sa kama yung hudyong Joshua na yun.... tumahimik din sa wakas ang ang buhay ko. Ayoko ng isipin kung ano yung totoo ang mahalaga...walang nangyari....virgin pa rin ako... oaky...that's only what matters.

" STUDENTS..... QUITE..." Tumahimik naman yung mga estudyanteng tuwang tuwa sa Transformation Day na yun. Kagaya na lang nitong mga best beast ko. Hay Buhay.

Nakinig na lang kami sa sasabihin ni Teacher Annie.. Adviser namin.

"MERONG MAGAGANAP NA PAGEANT SA GABI... MISS TRANSFORMATION GIRL...... SIYA YUNG MANANALO KUNG MAKIKITA YUNG MALAKING PAGBABAGONG NAGANAP SAYO PHYSICALLY. ANG ALLOWED LANG NA MAGING PARTICIPANT NG PAGEANT NA ITO AY YUNG MGA NERD. THAT WAS ACCORDING TO OUR PAGEANT COORDINATOR."

"NERD??!!" Bulalas ng mga kaklase ko. Ayan na naman...nag-evolve na naman sila sa palaka. Nakuuu..ang ingay.

"YES. AND WE NEED TWO PARTICIPANTS PARA IREPRESENT ANG SECTION NATIN." Informed pa ni Ma'am. "AND THANKFULLY......WE HAVE TWO BEAUTIFUL NERDS HERE."

Okay. Tama. Meron nga kaming two nerds sa seksyong to. Si Kristine, tsaka ak--------------TEKA AKOOO?

Napansin kung nahahati ang tingin ng mga classmate ko sa aming dalawa ni Kristine.

OMO. No. no.no. again. Ayoko niyan. Wala namang ganyanan.

"GAME KA BA KRISTINE?? ARE YOU WILLING TO JOIN??" tanong ni Ma'am kay Kristine.

"AH---"

"Sige na Kristine...sali ka na."

"Maganda ka naman talaga." udyok ng mga classmate namin.

Toinks. Ano yun??

"IN KA BA MISS CASTILLO??"

" AH...sige na po Ma'am....mukhang wala na kong magagawa....nakakahiya namang tanggihan ang suporta ng mga kaklase ko." si Kristine. Tss. Pabebs siya.

"Tch. Kunyari pa gusto din naman." si Daniella.

"Sinabi mo pa." si Jhunnica. "Kainis talaga yang babaeng yan."

THE PLAYBOY'S PRINCESS SERIES 1:THE ARROGANT PLAYBOY AND HIS NERD PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon