PLAYBOY 27: FALLING

31 1 0
                                    

JAYCEE'S POV

Balik na uli sa normal ang buhay ko. Bahay, School, Bahay, Tutor.

Parang dati uli. Kaya lang parang may nag-iba.

O baka feeling ko lang yun.

"Hi Manong Guard." Bati ko sa guard dito sa Bernardo Subdivision. Nginitian na ko ni Manong. Haha. Close na kasi kami. Sa tagal ko ba namang nagtatrabaho sa mansion eh.

"Jaycee, ikaw ha. Hindi ka nagpapahalata, nanalo ka pala sa pageant eh, kagaling mo talagang bata ka. Beauti nay breyns pa.

"Sus. Manong. Tsamba lang yun." Ako naman napakamot ng ulo. Hanggang ngayon nahihiya pa rin ako. Pero at the same time natutuwa din ako.

"Ay hambol na bata pa." Puri pa ni manong.

Nginitian ko lang siya. "Sige Manong tuloy na po ako sa mansion."

"Ay siya sige."

****

"Naku Miss Jaycee, pasensiya na po pero wala pa rin po si young master." Balita sa akin ni Harliquen.

"Ah, ganun po ba?" Saan na naman kaya nagpunta yung lalaking yun this time?

Simula nung pagaent day, hindi pa kami nagkakaroon ng matinong tutorial session. Lagi itong wala at lagi ko lang iniiwan  ang mga modules at work text tapos ipapasa sa akin kinabukasan na may sagot na.

Nakakainis diba? Hindi ko nga alam kung siya ba ang gumagawa ng lahat ng modules at worktext na iniiwan ko.

At ang mas nakakaasar pa, pati pagbibigay ng mga iyon ay ipinaaabot pa nito kay Harliquen.

Alam ko namang mabantot ang ugali ng damuho na yun pero hindi aakalain na mas malala pa pala siya.

Ang nakakafrustrate pa, I don't know the reason kung bakit parang umiiwas talaga siya sa akin.

Naiisip ko nga kung ano bang nagawa ko.

Did I do something wrong?

Egoistic pa naman yun. Baka naman natapakan ko ang pride niya.

Pero wala naman akong natandaang mga pangyayaring maaaring makasakit ng pride niya.

Tsk. Sakit ng ulo talaga ang lalaking yun.

"Miss...miss." pukaw sa akin ni Harliquen.

"Po?" Napatingin naman ako dito.

"Pasensiya na Miss Jaycee, pero may problema ka ba? Mukhang malayo kasi ang iniisip mo." Puna nito.

"Ah, wala naman po. May naalala lang ako." Sagot ko.

Tumango lang naman si Harliquen at hindi na nang-intriga pa.

"Miss, ang bilin lang naman ni Young Master ay iiwan nyo na lang daw po yang mga modules at work text. Siya na daw ang bahala." Sabi nito.

"Ah. Okay po. Isasama ko na rin po tong mga libro ko kasi merong mga keypoints dito na kilangan nyang pag-aralan." Iniabot ko sa Butler yung mga dala dala ko.

"At tsaka po Mr. Harli, please pakiinform naman yung maarteng lalaking yun na magpakita siya sa akin bukas." Pilit na ngumiti ako.

Tumango lang naman ito. "Sige po alis na ko."

"Mag-iingat ka Miss Jaycee."

Nginitian ko siya bago tumalikod.

***

"Ate Jaycee sandaliiiii!!"

Napatigil ako sa paglalakad palabas ng mansion ng marinig ko ang tawag ni JP.

THE PLAYBOY'S PRINCESS SERIES 1:THE ARROGANT PLAYBOY AND HIS NERD PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon