PLAYBOY 7: WRONG DECISION PART 2

71 4 1
                                    

PLAYBOY 7: WRONG DECISION PART 2

Minsan gumagawa tayo ng desisyon na akala natin mali...pero sa huli magpapasalamat tayo kasi yung maling desisyon pala na yon ang magbibigay ng tamang resulta para sa atin...

Never regret decisions that we make...because that's where we learn things.

JAYCEE'S POV

Kulang ang salitang nabigla ako. My jaw dropped sa sobra sobrang pagkabigla. At as in! Lumivel up to the maximum level ang pagkaasar ko sa lalaking ito. Hindi pa rin niya ako binababa takte!

"Hey...honey. Anong nangyayari dito?" may maedad na lalaki na lumabas ng isang kwarto. At maging siya nagulat pagkakita sa akin.

"Joshua ibaba mo ang babaeng iyan ngayon din!" dumagundong ang boses nito sa loob ng bahay.

"Dad, I caught her in the act. She's planning to robbed our house so you should give me credit for doing that heroic stunt so I'm claiming a new Bugatti Lamborghini as-------."

"Ibaba mo sabi siya!" Mataas ang boses na sabi nung matanda.

CASH JOSHUA'S POV

"Fine!" Nakakainis naman oh. Mukhang hindi pa naniniwala ang matandang ito sa mga sinasabi ko ah.

Ibinagsak ko yung babaeng magnanakaw na nasa balikat ko. Tutal masakit na din ang balikat ko. At saka yung taynga ko...putris parang nadamage pa yata ang eardrums ko.

"Aray!" I heard her muttered.

I secretly smirk. Buti nga sayo.

"Oh my God! Hija okay ka lang ba?" Agad na dinaluhan siya ni Mommy at Daddy pati nung mga servants namin.

Gusto kong magrolled ng gaya nung mga kontrabidang bitches sa pelikula pero syempre masyado akong macho at gwapo para gawin ang kabaklaan na yon. Tss.

"Miss Jaycee, pagpasensiyahan mo na ang inasal ng anak." Hinging paumanhin ni Dad.

Nagusot ang mukha ko. So, ako na ang may kasalanan ngayon? The F**k!

"Honey... you knew her?" Tanong ni Mommy.

"Yes. She's my guest tonight."

Whoa! Ang gross yatang pakinggan.

Parang wala lang naman kay mommy. Ako nga lang yata ang nag- isip na baka third party siya ni Daddy eh.

"Ikaw lang kasi ang madumi ang utak."

"I'm just thinking the possibilities."

Pagtatalo ng utak ko.

"Hija, sumunod ka sa akin sa office ko."

"Sige po." sagot nung babae. Ngayon ko lang napansin na may salamin pala siya. And for some unknown reason, napatitig ako sa kanya.

"Hon, can you come with us?" Tumango si Mama.

Nakita kong bumaba si JP sa hagdan. "Ate Camille?!"

Napatingin kami lahat sa kanya. Diyata't madami ang nakakakilala sa babaeng ito sa sarili kong pamamahay ah.

"Kilala mo si Jaycee, bunso?" tanong ni Daddy.

"Yes, of course. Ma'am Tiongson always commented how brilliant a certain Jaycee Camille Perez is. And aside from that, I idolize her." Ngumiti si Parise dito.

Ha! Ngayon meron ng fan ang babaeng ito? Hell, ano pang kaya niyang gawin?

"Thanks....what's your name?"

Tss. Pabebe.

"Jenna Parise Bernardo." sagot ng kapatid ko.

"Thanks, JP." Aba mukhang parehas pa kami ng ginawang nickname para kay JP ah. Mom used to call her Jenna, while Dad prefer calling her Parise or bunso. Ako lang ang tumatawag na JP sa kanya.

Napalingon sila mom, dad and my little sister at me.

"Why JP, ate Camille?" tanong ni JP.

Ngumiti naman si Lupin girl. "JP..... Jaycee.. wala lang. Magkatunog." Nagkibit siya ng balikat.

"Wow.. oo nga! I like it!"

"Next time na kayo magkwentuhan bunso. We have some important matters to talk about." Dad said.

"Okay, Dad. I'm going to my room na." Umakyat na nga ito pataas.

Takte. Bakit ba ang daming pabebe girls sa mundo? Tch.

"Cash magpadala ka ng meryenda sa amin sa loob." Utos ni Mama sakin pagkaraan. Kairita oh. Kailangan pang pameryendahin yung magnanakaw na yun?

"Babalik ako at gagantihan kita!" Aba at pinagbantaan pa ako nitong nerdy girl na yun. Ang sama ng tingin niya sa akin bago ako tinalikuran.

I just smirk at her. Wala lang, pang- inis ba. At sino namang matatakot sa kanya? Sa liit niyang yon? Haha. I'm not afraid. Not a bit.

JAYCEE'S POV

"Hija, ikaw pala yung sinasabi ni Rebecca." pag- oopen ni Ma'am Eliza. Siya yung magandang asawa ni Mr. Bernardo. Ang tinutukoy nito ay si Ma'am Tiongson. "Pasensya ka na kanina. Mukhang napagkamalan ka pang magnanakaw."

Nagusot ang mukha ko ng maalala ang mukha nung kulugong lalaking yon.

"Pasensya ka na talaga Hija. Yun lang ang masasabi ko. I'm not going to give excuses for my son's stupidity." Sabi naman ni Mr. Bernardo.

Napangiti na ako. Mukhang magkakasundo kami ni Mr. Miguel pagdating sa anak nito. Dito na rin nanggaling, stupid jerk talaga ang lalaking yon. Kahit pa miyembro siya ng Five Stars, he's looks doesn't change that he is a dumbass.

"Okay na po yun Mr. & Mrs. Bernardo." I said politely. But it doesn't mean na hindi na ako pwedeng gumanti. Lalo na ngayon? Nakilala ko siya kanina. Cash Joshua Bernardo. The basketball star player. I saw stupid girls crying for this stupid guy. Kaya humanda siya sa akin.Pinagbantaan ko na siya para naman fair ang laban. At mas lalo akong nanggigil sa lalaking yon. Pagbintangan ba naman akong magnanakaw? At hindi pa nakontento, ginawa pa akong killer. Bwisit siya! Pinapangako kung hindi matatapos ang gabing ito ng hindi ako nakakaganti.

"So, let's go down to business." Pag- uumpisa ni Mr. Bernardo. Matamang nakikinig lang dito si Mrs. Bernardo sa tabi nito.

Tumango ako bilang pagsang-ayon.

"As Rebecca said, you'll received an amount of twenty five thousand pesos a month in tutoring my child." Simula ng may edad na lalaki.

Nakikinig lang naman ako.

"I just want to make sure na wala siyang failing grades. Lahat dapat matataas. Hindi papayag ang board kung pabara bara ang grade ng anak ko. Hindi siya ang magiging next president ng kompanya. At ang isa pang kondisyon, gusto nila na sa Harvard University magtapos ng college ang anak ko. So, I and the rest of my family badly need your help." Mahabang litanya ni Mr. Miguel.

"Mukha naman pong matalino ang anak niyo. Hindi niyo na po kailangang maghire ng tutor."

Nagface palm si Mr. Miguel. " You don't understand me Hija. Sinasabi ko sayo. Matigas ang ulo ng batang iyon. Oo nga at nakikita ko na matalino siya pero hindi niya ginagamit. Kapag umayaw siya, ayaw niya talaga. Kaya nagplano ako ngayon ng sulosyon. Hindi niya matatanggap ang allowance niya kapag hindi siya pumayag sa tutorial lesson na ito."

Shock, ganun ba siya? "Mukhang okay naman po si JP, ah. I didn't see her as like that." Nakakunot- noong komento ko.

"Hija, we're not talking about Parise... it's all about Cash Joshua."

Napanganga ako. "PO?!"

Mukha yatang I made the wrong decision. And there's no way to back out.

THE PLAYBOY'S PRINCESS SERIES 1:THE ARROGANT PLAYBOY AND HIS NERD PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon