PLAYBOY 16: UNCERTAIN
"I found who's I've been looking for."- Joshua
Napatitig ako sa taong nagligtas sa akin. Hindi pa rin talaga ako makapaniwalang makikita ko uli siya. Akala ko kasi siya ang nagligtas sa akin. Hindi pala.
"Ikaw ang nagligtas sa akin?"
Ngumiti siya sa akin. "..ahh yeah. I heard someone banging the door and calling for help kaya pumasok na ko at---------"
"Thank you." I sincerely said. Kung natatandaan nyo pa yung lalaking nakabanggaan ko nung malapit na akong malate sa klase..siya yung taong nagligtas sa akin ngayon. I'm really grateful to him at natagpuan niya ako.
"Don't worry about that." Nginitian niya nko. Lumabas yung cute na dimple niya. "...okay ka lang ba?"
Tumango ako. "Ha...ahh..." napatingala lang kasi ako sa kanya. Gwapo eh. Bihira lang ako makatagpo ng lalaking gwapo na gentleman pa. Yung iba kasi gentleman lang at hindi gwapo...yung iba naman gwapo nga...ang pangit naman ng attide..tsk... ---oops..the judgemental me! Lumalabas na naman.. Pero may point naman yung sinabi ko diba?"
"Hey.."
Natingin uli ako sa kanya. "Aa..oo.. okay lang ako. Kailangan ko lang ng fresh air.. hehe..yun nga..fresh air." Alanganing ngumiti ako sa kanya. Huling huli kasi ako sa pagtitig sa kanya. Haha. Lumalandi na naman ako..parang hindi ako kamuntik mamamatay no. "..ah oo nga pala. Ano nga palang pangalan mo?"
"Ha..ah..sorry nalimutan ko ng magpakilala sayo." Nagkamot ito sa ulo.
Cute.
"I'm CJ. Carl James Baustista."
Inilahad niya sa akin yung palad nya.
Poinks.. ang awkward ng knowing-your-name-place naming. Sa cr pa talaga? Tsk.
"Nice to meet you CJ." Nginitian ko siya. "salamat uli. Salamat sa pagtulong mo sakin. Kung hindi dahil sayo..malamang tigok na ko ngayon."
Bahagyang tumawa ito. "wala yun..malamang kung iba ang nakarinig sayo..tutulungan ka rin nun."
WAAAAAHHHH. Nakakamesmerize ang tawa niya. Pramis. Ang cuteeeee niya!
Pero duda ako sa sinabi niya na kung sino ang nakarinig sa pagsigaw ko ay tutulungan din ako. Kung si Cash na unggoy ang nakarinig sa akin..malamang..pababayaan ako nung kunin ni Lord. Aist...bat ko ba naisip ang lalaking yun? Kahit kalian talaga pasira siya ng moment.tsk.tsk.
"alam mo CJ...parang pamilyar yung pan-------"
Bigla nalang may humahangos dumating. Napatingin kami sa pintuan.
Napangunot ang nook o. "CASH?....Anong ginagawa mo dito?"
Nagpalipat lipat ang tingin niya sa amin ni CJ. Anong problema ng isang to? Ang sama na naman makatingin. Tss.
Ngumisi siya sa amin. "...ahaha. Wala naman. Bakit nga ba ako nandito?" nagpalingalinga siya na parang ngayon lang napagtantong nandito siya sa CR ng mga babae. "..ah may ano...." Nanghahagilap siya ng salita tsaka mailap yung mga mata niya. Parang natataranta pa siya ng konti tas medyo pawisan pa. EIIIYYYY.... Bakit parang ang hawt nhawt niya pa ring tingnan? Haggardness na naman ang mukha niya but he's still good loo-----.
"May imemeet sana ako ditong isang seksing chicks....yun pala ang makikita ko ay isang manang na nerd at isang..." Tumingi siya kay CJ. "...geek."
Tumalikod ito ng walang paalam.
Napasimangot ako. Tss. Takte. Mahaderang linta talaga ang lalaking yun. Ang landi niya grabeee. Pati ba naman dito sa CR? Kala ko ba ayaw niya kay Jodie....tapos imemeet niya pala dito sa CR. Kadiri talaga yung lalaking yun. Kung ako ang girlfriend niya...mapuputulan ko siya ng ano sa kalaswa------WAAAAAHHHH. Erase! Erase! Ano ba tong naiisip ko? Nakakadiriii!!!! Yung lalaking yun kasi nakakaberde ng utak!
BINABASA MO ANG
THE PLAYBOY'S PRINCESS SERIES 1:THE ARROGANT PLAYBOY AND HIS NERD PRINCESS
Genç KurguThe Playboy's Princess 1 : THE ARROGANT PLAYBOY AND HIS NERD PRINCESS One dance can change everything...... Iyan ang nangyari kay Jaycee. A simple dance and his voice. The prince's husky and adorable voice. With his mysterious green eyes and his he...