1. NEVER!

467 9 1
                                    

Never!

"Hayyyyy naman!!!" Sigaw ko habang paakyat ng hagdanan. Letchugas na buhay to oh! Di talaga nakakatuwa!

By the way, ako nga pala si Justine Louise Cruz, LJ for short. 17 years old at currently nasa Junior High. Bakit? Dito kasi ako nag-aaral sa States kaya ganun ang curriculum.

Ano nga ba ang problema ko at para akong tangang sumisigaw ng alas syete ng umaga? Eh kasi naman tong nanay at tatay kong magaling, binulabog ang NAPAKA ganda kong tulog dahil sa isa rin'g NAPAKA nakakainis na dahilan!

flashback:

Isang napaka lakas na footsteps ang yumayanig sa masyon ng mga Cruz ng alas-sais ng umaga. Hindi mawala ang mga ngiti ng mag asawang Mr. and Mrs. Cruz sa kanilang mga mukha habang papunta ng dining room.

"Manang Linda, pwede po bang gisingin nyo na si LJ? May importante lang po kaming sasabihin sa kanya." Agad namang ngumiti si Manang Linda at pumunta sa kwarto ni LJ.

Pag pasok nito ay himbing na himbing pa ang tulog ng dalaga, kaya hinanda muna ni Manang Linda ang bathtub para sa pampaligo nya.

Pag katapos nito, ay dumiretso sya sa higaan ni LJ para gisingin ito. Naka balot sa kumot si LJ, parang taong binalot sa lumpia wrapper ang itsura nya. Pinagtawanan muna sya ni Manang Linda bago gisingin.

"Hija. LJ gising na." Sabi ni Manang Linda habang niyuyugyog si LJ.

"Hmm... Mamaya na po... Alam ko masyado pang maaga. Wala naman po ako pasok ngayon eh..." Dahilan nito. Napa iling na lang ng ulo si Manang Linda at hinatak ang kanyang kumot.

Nang maramdaman ni LJ na wala na syang kumot, nilamig sya bigla dahil sa naka high cool nyang aircon. Giginawin pala, eh bakit naka high cool pa? Medyo Bogart teh?

Kinakapa ni LJ ang kumot ngunit hindi ito maabot. Natawa si Manang Linda sa kanyang reaksyon. Nang makapa ni LJ ang kanyang yaya, agad nyang hinatak ang kumot. Ngunit sobrang higpit ng kapit dito ni Manang Linda.

"Ma.. akin na kasi yang kumot ko eh... anlamig kaya..." Katwiran nya ulit.

Dahil sa medyo inis ni Manang Linda, agad syang tumayo at hinampas ng malakas sa noo si LJ.

"Gumising ka na diyan at hinahanap ka ng mama at papa mo!"

----------

"Ano?! Ako ikakasal sa iba?!" NO. NEVER. NO WAY. ANDWAE! SHIREO! HINDI! AT HINDI TALAGA!

Seriously? This is 21st century already my dears! Uso pa ba ang arranged marriage? Hala!! Gusto kong sumigaw, kaso andito si Papa. Baka subuan nanaman ako ng kutsara pag umangal ako. Hmpf!

"So anak, how do you feel?" How do I feel? THANK YOU for that very wonderful question. Halos ikamatay ko nga yung good news nyo eh.

"Hindi ko feel sagutin yan ma. Anyway, bakit ba kayo ang nag decide nito?" Tanong ko sa kanila. Binaba ni papa ang baso ng tubig at tumingin sakin.

"Anak, gusto lang namin ang mabuti para sayo." Dun ako muntik mabulunan. Ni-hindi ko nga malaman kung mabuti ba talaga tong sinabi nila sakin eh!

"Eh ma, pa! Alam nyo naman po na bata pa ko para sa mga ganyan! And especially, sa stranger ako ikakasal?!" Tumayo si mama para sagutin ako.

"LJ he's not a stranger!" Sigaw nito.

"That's for you! But for me? A total stranger!" Tumayo ako at dali-daling tumakbo pataas.

"LJ! Where do you think you're going?!" Ah ewan ko sa inyo!

"Don't bother! And I won't sign up for that stupid marriage thing!"

end of flashback.

Everytime na naiisip ko yun, gusto ko talagang sumigaw. I just want to run away where I'm free and no one's going to stop me. Oo, mayaman kami, pero ayoko naman ganito noh! Yung itatali nila ako sa taong ayaw AT NEVER ko pang nakilala!

Habang nag mumukmok ako dito sa terrace ng bedroom ko, narinig kong nag-slide ang sliding door ko at may lumabas na nilalang. Charot lang. XD

Lumabas ang pinsan kong gwapo ... Pero take note! Pogi sya, pero isa po syang ganap na binabae. Marami na rin nag tangkang dukutin yan samin ng mga babaeng walang pakundangan'g i-stalk sya everywhere dito.

Umupo ito sa tabi ko at tinignan ako, "It's early in the morning and I heard you shouting. Is there any problem?" He asked me while grabbing my left hand and held it on his lap.

"Jeremy, they got me into an arrange marriage. I don't want that..." Sabay iyak ko. Jeremy hugged me tightly as he keeps on patting my shoulder, rocking me back and forth slowly.

"Shhh.. Don't cry bebe girl. Hindi kita papabayaan okay? Gagawa tayo ng paraan para hindi matuloy yan." Sabi nya. Kahit papaano, that made me cheer up. Napaka bait talaga sakin nyan ni Jeremy.

"Ano kaya kung mala-run-away-bride ang peg mo?" Tinignan ko sya ng masama. "Girl, parang sinabi mo rin na pupunta ako sa kasal."

Bigla naman nya siguro naisip yun. Tatakbo lang ang bride pag kasal na. "Heheh." Reply nya.

Tahimik nanaman kaming dalawa na nag-iisip. Halos hukayin ko na yung utak ko sa pwedeng solusyon dito.

Think.

Think.

Think.

Thi-

Yeah ba!

Bigla kong hinila sa kwelyo si Jeremy at may binulong sa kanya. He was taken aback by my statement and stared at me with wide eyes.

"ARE YOU SERIOUSLY INSANE?!"

------

First chapter's up po! Don't worry, papasunurin ko na yung chapter two. Thanks for reading! Leave comments and votes! =D

Weh? Di nga? You're a GIRL?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon