My First Detention
"Where were you last night?" Jared stared at me as if I was a suspect. Oh gosh, don't tell me he recognized me from last night?!
"I-I was with m-my cousins... w-why?" Nauutal ako. Pano naman kasi, sobrang talim talaga ng mga tingin nya. Konti na lang yata eh baka ma-brodcast na looks ng isang guy ang ikinamatay ko.
"Nevermind." He just smirked and continued eating..
How I want to wipe that smirk off his face -_____-
-----
It was a Monday morning. My alarm rang. Since ayoko pa talagang gumising, binato ko yung alarm clock sa may pintuan.
Natauhan na ako after how many minutes. Di ko alam kung bakit parang puyat ako, eh ang aga ko naman natulog kagabi.
Namamahay na rin ako since ilang araw pa lang naman ako dito sa Korea. I miss Jeremy already at yung big sized panda stuffed toy ko sa bahay.
Pumunta na ako sa banyo at naligo. Ang daming pumapasok sa isip ko, katulad ng kinakatayuan ko ngayon.
Akalain ko nga naman, andito na ko sa Korea para mag tago sa parents ko. Putapete kasi yung kasal na yan, kundi siguro yun dumating sa buhay ko, baka isa pa akong malayang paru-paro na lumilipad kung saan-saan.
Matapos kong maligo, ay agad akong nag bihis. Isa nanamang araw ng pagiging isang lalake. Panindigan ko na to, andito na to eh.
Lumabas ako ng kwarto at nakitang wala nang tao sa dorm. Maaga pa naman para umalis sila. Meron pa akong isang oras bago mag-umpisa ang klase namin.
After kong tumambay ng ilang minuto sa dorm, umalis na ko para pumasok.
Dumating ako sa classroom namin at maingay pa ang lahat. Good terms naman kaming lahat dito, walang tampuhan at awayan.
Umupo ako dun sa upuan ko sa may bandang likod. Dumating ang isa naming classmate at binati ako ng good morning. "Morning, Louise." Nginitian ko sya. Sya si Carl, isa ring pogi at matalinong estudyante dito.
Napansin kong wala yung apat dito sa room. Sa aga nilang umalis, hindi naman pala dito ang punta nila.
Biglang tahimik na ang lahat nang dumating yung teacher namin sa History.
Bumalik na ang lahat sa kanilang mga upuan at nag start na sya ng lesson ng wala man lang bati sa amin.
We're already half-way on our lesson nung biglang bumukas ang pinto. Pumasok sina Jared, Zedrick, Alex at Jacob.
Napalingon sa kanila ang History teacher namin and gave them a stern look. Mukha namang hindi sila natakot dun.
"You four are 25 minutes late." Sinabi ni History teacher. Tumango lang si Jared pero nag salita naman si Alex. "Sorry, Ms Park."
Hindi na sila pinansin ni Ms Park at agad na silang dumiretso sa upuan nila. Nasabi ko ba na seatmate ko si Jared?
Yep, at lagi syang tulog sa klase. Ang nakakamangha lang, ay kahit tulog sya lagi, matalino sya at nakakasagot kahit bigla syang tawagin ng teacher habang tulog sya.
Alien yata tong abnoy na to eh...
Natulog lang sya once nakaupo na sya. Napansin ito ni Ms Park, but she didn't dare to wake him up. I wonder why. He doesn't look like a dangerous guy, but once he gave you that scary look, you'll just wish the ground will eat you up.
Gumalaw sya at napaharap sa side ko ang mukha nya. Napaka peaceful ng itsura nya.
Maputi sya at makinis ang face. Ni-minsan siguro, naikumpara na rin sya sa mga babae diyan.
BINABASA MO ANG
Weh? Di nga? You're a GIRL?!
Fiksi RemajaPaano kaya kung ang parents mo ay nag decide sa isang bagay na ayaw mo talaga? At dahil sa wala ka ng maisip na ibang paraan, eh pinasok mo ang isang bagay na hindi mo alam kung tama ba. Anyare na kaya sayo?