Sorry
Jared's POV
"Takte, Jared! Anong ginawa mo?!" Tulala pa rin ako sa kinakatayuan ko. Ang sama na ng tingin sa akin nung tatlo. Hayyy! Hindi ko talaga alam na ganito ang mangyayari!
"Jared, sagutin mo ako!" Sumigaw na si Alex. Hindi ko alam kung paano ko ie-explain yung nangyari, basta ang alam ko unexpected talaga ito.
"A-Ano.... k-kasi... uhhh.."
"Tang inis! Ano?!" Galit na galit na tumayo si Jacob at nilapitan ako. Akala ko tuloy suntok na aabutin ko sa kanya.
"Gumanti lang ako sa ginawa nya kahapon! Hindi ko expected na ganito kalalabasan ng lahat!" Yun! Nailabas ko na yung explanation ko.
"Puta! Tanga mo din ano?! Malamang may kalalabasan yung nangyari! Nag plano ka pa!" Ngayon naman, ginatungan ako ni Jacob.
Shit. I'm sorry, Louise...
"ANONG NANGYAYARI DITO?!" Bigla namin nakitang naglalakad ang principal namin sa hallway. At may kasama syang isang lalake.
"Bakit andito kay- MY GOODNESS! ANONG NANGYARI KAY MR CRUZ?!" Lumuhod sa sahig yung principal namin at hinawakan si Louise. Napansin ko naman na nagulat yung kasama nyang lalake at agad hinawi si princEPAL.
"Louise! Hala! Anong nangyari sayo? Gumising ka nga!" Tinapik-tapik nya ang pisngi ni Louise, ngunit walang nangyari.
"Mr Gemar, I'm sorry sa nangyari. Hindi ko man alam ang nangyari, ako na po ang humihingi ng tawad sa inyo." Hindi sya pinansin nung lalake at binuhat na lang sa likod nya si Louise.
Sinundan namin sya at dinala nya sa clinic si Louise. Nung sarado na ang pinto, tumingin sa akin si Zedrick. Seryoso ang tingin nya.
"Red. Bakit naman ganun ang ginawa mo?"
"Ikaw kaya ipahalik ng lips to lips sa bakla. Hindi ka kaya mag planong mag higanti?" Sabi ko. Umupo ako sa may waiting area at sumunod naman sa akin si Zedrick. Mukhang galit talaga yung dalawa sa akin.
"Naiintindihan ko naman yung meaning mo, pero hindi pa rin tama yun. Duwag ka masyado kung pag hihiganti lang pala ang gusto mo."
"Eh Zedrick, napahiya kaya ako sa ginawa nya!"
"Kung di ka ba naman kasi tanga para umpisan yung gulo diba?"
Kung tutuusin, may point si Zedrick dun. Nag umpisa naman lahat dahil sa detention namin eh.
Kung nag isip lang siguro ako ng mabuti, hindi ito ang gagawin ko. Lintek talaga tong utak ko! May sira na yata kaya ganito kung mag function eh.
"Red. Act first think later yung ginawa mo eh." Tumingin ako sa kanya. Tama nga sya. Yun ang ginawa ko. Yumuko ako at tinitigan na lang yung sahig.
"Zed, di ko talaga alam na mangyayari ito. Sorry talaga." Naramdaman ko ang pag pat nya sa balikat ko.
"Tsk. Ikaw talagang bata ka. Okay lang sakin yun, pero wag ka lang mag sorry sakin. Mag sorry ka din kay Alex at Jacob, specially kay Louise."
Mag sasalita sana ako ngunit biglang bumukas yung pinto ng clinic. Nakita kong lumabas yung lalakeng bumuhat kay Louise kanina. Tumayo kami ni Zedrick at dumeretso sa kanila nila Alex at Jacob.
"Kamusta po si Louise?" Nagtanong na si Jacob bago pa makapagsalita yung lalake.
"Okay na naman sya. Sino ba si Jared sa inyo?" Tumingin yung tatlo sa akin at sinundan nung lalake ang direksyon ko. "Ikaw ba si Jared?"
"Uhh.. opo. Sorr-" Pero pinutol nya yung sasabihin ko.
"Ako dapat ang humingi ng sorry. Alam ko naman na gumanti ka dahil sa ginawa ng pinsan ko. Matigas talaga ang ulo nyan. Sana hindi nya kayo binigyan ng kahit ano pang problema."
BINABASA MO ANG
Weh? Di nga? You're a GIRL?!
Novela JuvenilPaano kaya kung ang parents mo ay nag decide sa isang bagay na ayaw mo talaga? At dahil sa wala ka ng maisip na ibang paraan, eh pinasok mo ang isang bagay na hindi mo alam kung tama ba. Anyare na kaya sayo?